Chapter 20: Goodbye, I Love You

79 8 0
                                    

Hyoyeon's POV

--
From Sica:
Hyo, punta ka dito sa HQ. Emergency. Dali.
--

Emergency? Kailangan ko na nga magmadali.

Nandito kasi ako ngayon sa isang private place na kahit kayo ay hindi niyo muna kailangang malaman.

Sa tamang panahon na lang.

Nagpunta na ko dito ngayon sa HQ namin bukod sa HQ namin sa school. Sinalubong ako ni Sica.

"Anong nangyari?" tanong ko agad kay Sica pagtapat ko pa lang ng pinto.

"Si Yuri kasi ang taas ng lagnat." paliwanag niya.

Agad naman akong pumasok sa loob at nakita ko si Yuri na nakahiga sa kama niya at nakakumot. May bimpo rin siya sa noo.

Chineck ko siya at mainit nga siya. Hini lang mainit sobrang init. "Dalhin na natin siya sa ospital." baka kasi hindi na basta-basta yung lagnat niya.

Kaya dinala namin siya sa ospital. Sabi ng doktor sobrang stress daw siguro tapos nalilipasan ng gutom at baka nagpaulan.

Kaming dalawa lang ngayon dito sa kwarto niya kasi lumabas si Sica at bumili ng makakain ni Yuri.

"Alam ko na kung anong dahilan nito, Yuri. Si Kai.."

Nakapikit lang siya ngayon kaya nagulat ako nang magsalita siya. Mahina lang ito at halata mong matamlay. "Hindi, Eonnie. Stress lang talaga 'to." ngumiti siya. Week smile. "Salamat sa pag-aalala sakin pati sa paghatid."

Hinawakan ko yung kamay niya. Naawa ako sa kaniya. Alam ko namang mahina siya eh. "Yuri.. Alam kong tungkol yan kay Kai kahit pa itanggi mo." ngimiti siya. Pero parang nahihirapan ako sa lagay niya. Naturingan akong kaibigan pero wala man lang akong magawa. Ayokong ganito si Yuri.

Deep sigh.

"Payag na ko." sabi ko pero hindi siya kumibo. "I'll do it, Yuri.. Kaibigan kita kaya ayokong nakikita kang nasasaktan. Wala na kong pakialam kung sino pa yung loko na yun. Ang mahalaga lang sakin ay maramdaman niya yung nararamdaman mo ng higit pa. I'll make sure it." sabi ko tapos hinigpitan ko pa yung hawak sa kamay niya. Siguro sa inis. Inis sa lalaking gumawa nito sa kaibigan ko.

He'll pay for it.

***

Kai's POV

Kanina pa ko dito sa bar ko. Walang hiyang buhay yan oh! Pinagpalit na ko ni Yuri, sa kaibigan ko pa?! Tang*na! Ang sakit sakit.

Nung nahuli niya ko dito sa bar hindi niya man lang ako hinayaang mag-explain. Bwiset na malanding babae na humalik sakin! Dahil sa kaniya kaya nangyayari lahat ng 'to. Pati don sa babaeng humalik rin sakin sa may parking lot. Kundi dahil sa kaniya hindi ko makikitang naghahalikan sina Yuri at Tao. Fvck! Wala na.. Wala ang babaeng pinakamamahal ko.. Ang kaisa-isang babaeng sineryoso ko sa buong buhay ko.. Tang*na! Hindi ko na alam ang dapat gawin dahil kahit ano pang gawin ko, kahit siguro magpakamatay ako, wala na siyang paki sakin. Nagbago na siya pero ako, mahal ko parin siya.

"Tang*na Yuri! Mahal na mahal kita!" sabi ko kahit lasing na lasing na ko.

Nagdadalawa na yung paningin ko pero parang nakakakita ako ng isang lalaki sa harap ko. "*smirks* Hoy bakit kamuka mo si Tao?! Lumayas ka sa harap ko! Ayaw kitang makita! Alis!"

Kinuha niya yung alak sa harap ko at ininom yun. "Hoy! Sino nagsabing *hik* Pwede mong *hik* inumin yan?" hindi niya ko pinansin atsaka uminom pa ulit. "Akin yan! Akin lang! Hindi sayo! Kaya wag mong agawin. Walang hiya Tao! Kaibigan kita pero ginago mo ko! Inagaw mo siya sakin."

The Rule You Must Follow [ExoShidae]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon