CHAPTER 5

22 0 1
                                    

Krissy's POV

Yehey! Makakasama ko na ulit si Fel sabay kaming magla-lunch mamaya pero sayang dahil hindi kami naging magkaklase ( > o < ) Kainis kasi yung babae dun sa registral office hindi man lang ako pinayagan na lumipat sa ibang section dahil late na daw akong nagpaenroll. Kung di lang sana naging matagal ang pagsang-ayon nila papa na dito na ko mag-aral dahil nandito si Fel edi sana nakapagpaenroll man lang ako ng maaga.

Huwag nyong sasabihin kay Fel ang dahilan kung paano ko napapayag sila papa na dito na lang ako mag-aral dahil baka matouch yun sakin at mapaiyak, mahirap pa naman siya patahanin kaya secret lang natin kung ayaw niyong makotong ko kayo ng trenta!

Kaya ako pinayagan nila papa at mama na dito na lang mag-aral dahil sinabi ko sa kanila na 'pag hindi nila ako pinayagan ay bibili agad ako ng isang metrong lubid at magbibigti ako kaya ayun napapayag ko sila hehe. Syempre joke lang yung magbibigti ako, mahal ko pa ang buhay ko noh. Ang galing ko noh napapayag ko sila agad.

Kasalukuyan akong umaakyat sa hagdan papunta sa room ko nang madaanan ko ang music room at di sinasadyang may marinig akong boses sa loob nun.

"Oh...faster i'm tired na"

Napahinto ako nang marinig ko ang boses ng isang babae sa loob non.

"Oo na, bibilisan ko na akala mo ba ikaw lang ang pagod? Napapagod na rin ako simula kanina pa" inis na sabi ng isang lalaki.

O _____ O

Lalaki at babae sa music room? Ano kayang ginagawa nila dyan sa loob? Don't tell me na may ginagawa silang kababalaghan? Nakakasukang isipin pero yuck! Kadiri naman dito pa nila naisipan na gawin iyon hindi man lang naisipan kumuha ng sariling kwarto. Pero curious talaga ako kung ano ba talaga ang ginagawa nila sa loob. Hmm... *grin*


Naglakad ako papalapit sa pintuan ng music room para masilipan kung ano ba talaga ang ginagawa nila sa loob baka malay natin may ginagawa talagang kababalaghan. Who knows.

Nasa harapan na ako ng pintuan nang marinig kong nagsalita ulit ang babae.


"Pakuha nga ng damit ko dyan! Akin na yan! Kung saan-saan mo pa 'to inilalagay 'tong damit ko eh mas mahal pa 'to sa buhay mo!"

Oh my gash! So it means na may ginagawa silang kababalaghan. Waaaahh! Ayoko na! I can't take this anymore! Nakakadiri naman sila dyan pa nila naisipan gumawa ng milagro hindi man lang sila nag-abalang maghanap ng sariling kwarto o motel man lang.

Papatakbo sana ako paalis don ng di ko sinasadyang may masipa ako at nakalikha iyon ng ingay.

'Bakit may lata dito?'


"Ano 'yon? Tingnan mo nga sa labas" sabi ng babae.

Tumakbo na agad ako bago pa nila ako mahuli papunta sa room ko.

"Muntikan na 'yon" sabi ko habang tumatakbo dahil malapit na magsimula ang klase.

'Sana wala pa don ang math teacher namin'



Calvin's POV

Nandito ako ngayon sa bench nakaupo. Nagbell na kaya't maraming mga estudyante ang nagsisibalikan na sa kanilang mga room. Pero ako, tinatamad pa akong bumalik sa room dahil wala namang gagawin dun, it's either na ipapakilala ang sarili sa harapan o di kaya'y maglelecture sila at magbibigay sila agad ng assignment and besides pagkakaguluhan lang ako don kaya huwag na lang masyado na nila akong pinagkakaguluhan, maii-stress lang ang gwapong ako sa kanila.

Ang quizess ay parang pag-ibig, kailangan mong magreview ng mabuti para lang makakuha ng perfect score at makakuha ng magandang marka parang sa pag-ibig kailangan mong magtiyaga at paghirapan ang panunuyo sa kanya para makuha ang inaasam na kaligayahan pero ika nga nila "walang forever, magbe-break din kayo". Bat ko nasabi? Wala lang trip ko lang bakit may laban ka? Suntukan gusto mo? Kung hindi edi mabuti, kung oo daanan na lang natin sa usapan ayaw kong magasgasan 'tong mukha ko noh.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Weak GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon