Faith's POV
Napamulat ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.
"Hmmm."
'Anong oras na ba?'
Tumingin ako sa orasan.
"Tsk, 7:35 pa lang pala." walang gana kong sabi at may balak sana akong ipagpatuloy ang tulog ko ng mapabalikwas ako sa higa at saka ko napagtanto kung anong oras na. Tumingin ulit ako sa orasan kung tama ba ang nakita ko.
'7:35 na?! Shemay, malelate na ako sa klase! 8:00 ang pasok ko! Bakit hindi ako ginising ni kuya?! Kainis naman!'
"Kuya!!!" sigaw ko kay kuya dahil sa inis.
Bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bored akong tiningnan ni kuya.
"Oh bakit? Ang aga-aga para kang tandang tumitilaok sa umaga." bored niyang sabi.
'Tsk! May gana pa siyang mang-asar eh may atraso nga 'to sakin'
"Hahaha funny. Kuya bakit hindi mo ko ginising? Alam mo namang hindi ako magigising agad kahit na nakaalarm clock pa ako." naiinis kong sabi sa kanya palibhasa sa Miyerkules pa ang pasukan nila.
"Kasalanan ko ba kung bingi ka? Ay, mali pala kasalanan ko ba na tulog-mantika ka talaga?" nang-aasar na sabi niya.
Kung hindi lang talaga ako nagmamadali baka kanina ko pa siya binigwasan. Tumingin ako sa orasan at napansin kong tumingin rin siya. Tss gaya-gaya.
'Hala! 7:40 na male-late na ako!"
"Oh 7:40 na pala, male-late ka na baka may plano kang huwag na lang pumasok kundi isusumbong kita kina mama. First day of classes aabsent ka?" pananakot ni kuya.
"Kainis ka!" inis kong sabi sa kanya at dali-dali na akong umalis sa kama at pumunta na sa banyo pero bago ko isara ang pinto, narinig kong tumatawa siya.
'Baliw na ata 'yon bigla-bigla na lang tatawa'
Pagkatapos kong gawin ang mga dapat gawin ay lumabas na agad ako sa kwarto at nagmamadaling bumaba sa hagdanan. Nakita ko si kuya na kumakain na ng almusal. Nang maramdaman niyang nakababa na ko ay lumingon siya sa akin at niyayang mag-almusal.
![](https://img.wattpad.com/cover/52613732-288-k900768.jpg)