Faith's POV
Nang malapit na magklase, napagpasyahan namin ni Krissy na magkita na lang ulit mamayang lunch. Paakyat na ako sa 3rd floor ng biglang may humila sakin na ikinagulat ko at dire-diretso niya akong hinila pababa. Tiningnan ko ng mabuti ang siraulong taong naghila sakin pababa at muntikan na akong mawalan ng balanse dahil sa ginawa niya. Agad na gumuhit ang inis sa mukha ko nang makita ko ang mukha ng siraulong humila sakin.
Nasa ground na kami at patuloy niya pa rin ako hinihila. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
"Saan mo ba ko dadalhin?!" kanina ko pa siya gustong sigawan sa inis ko sa kanya pero pinipigilan ko lang dahil baka may makakita sakin at ireport pa ako sa guidance office.
"In hell" diretsong sagot niya lang habang hinihila pa rin ako sa kung saan.
"Gag*" bulong ko sa hangin. Akala ko hindi niya yon maririnig pero hindi yon nakaligtas sa pandinig niya at agad siyang lumapit sa akin.
'Ang lakas naman ng pandinig ng lalaking 'to'
"Did you cussed?"
"Ewan, siguro oo, siguro hindi" nagkibit balikat na lang ako sa naging sagot kong 'yon dahil wala rin naman akong gana na sagutin siya.
"Don't you dare to talk back or else you'll regret this" walang emosyon niyang sabi pero makikita mo sa mga mata niya na nagbabanta siya.
Nakaramdam ako ng KAHIT PAPAANO na takot sa kanya ng sinasabi niya 'yon. Tumahimik na lang ako pero hindi talaga ako natatakot sa kanya. Sino ba siya para katakutan ko? Eh hindi naman niya kamukha ang mga halimaw na napapanood ko sa mga pelikula at tv. Tao siya pero ugaling halimaw lang. Unang kita ko pa lang sa kanya makikita mo na agad sa personality niya ang pagiging masungit at masasabi mo na lang na nakakatakot siya dahil sa mga titig niyang nagbabanta. Hayy, pake ko ba sa kanya? Eh hindi ko pa nga siya lubusang kilala miski pangalan niya hindi ko rin alam dahil hindi naman siya nagpakilala kanina at hindi ako interesadong malaman 'yon.
"Uy, saan mo ba talaga ako dadalhin? Kanina mo pa kaya ako hinihila" sabay tigil ko sa paglalakad na ikinatigil din niya. Humarap siya sakin na may inis at saka pinagpatuloy na ulit ang pangangaladkad sakin at di pinansin ang tanong ko.
"Hoy kuya! Huwag ka ngang feeling close kung mangaladkad ka parang hindi masakit ha di nga kita kilala eh" bigla siyang humarap sakin habang ako naman hinihimas ang kamay ko dahil medyo masakit at namumula iyon. Nakita kong napatingin siya sa kamay ko at nahagip ko na parang nakonsensya siya pero agad din nawala iyon. Aba dapat lang na makonsensya siya sa ginawa niyang 'yon.
"Don't call me kuya 'coz i'm not your brother" naiinis niyang sabi. Problema nito? Siya pa talaga ang may ganang mainis sa aming dalawa eh siya nga 'tong hinila ako at dahil don hindi na ako nakapasok sa next subject namin.