A/N: Hello! First time ko lang po magsulat ng story dito sa wattpad sana magustuhan niyo :) Sensya na sa grammar kung mali ;)
Faith's POV
"Okay, class dismissed and don't forget to do your assignment. Goodbye"
Unang araw palang ng pasukan may assignment na agad akala ko puro pagpapakilala muna sa first day hindi man lang kami pinag-enjoy. Recess time na kaya may oras akong libutin dito sa Kingston University.
"Faith sama ka na samin sa canteen" nakangiting sabi ni Vanessa. Siya ang katabi ko sa upuan.
"Huwag na kayo nalang. Maglilibot-libot pa kasi ako" sabi ko sa kanila.
"Sasamahan na kita" biglang singit ni Steve.
"Salamat na lang pero kaya ko naman. Di naman siguro ako maliligaw, sige na mauna na kayo." tanggi ko kay Steve. Ayaw ko kasing makaistorbo sa kanila.
"You sure?"
Tumango na lang ako at saka nagpaalam na sila pero bago sila umalis binigay nila sakin ang mga cellphone number nila in case na maligaw raw ako kaya binigay ko na rin sa kanila ang cellphone number ko.
Lalabas na sana ako sa room ng may makasabay ako sa paglabas sa pintuan, pagkalingon ko yun yung lalaking sumipa ng malakas sa pintuan kanina. Mauuna na sana ako sa paglabas nang sumabay rin siya sa paglabas kaya wala ni isa sa amin ang nakalabas sa pintuang iyon. Tumingin ako sa kanya.
"Ako muna ang lalabas tutal ako naman ako naman ang nauna" sabi ko na pinipigilang mainis sa kanya.
"Nah, i should be the first one who will go outside in this f*ckng room" walang emosyon niyang sabi.
"Anong ikaw? Ako dapat ang mauna kaya alis dyan!" inis ko ng sabi sabay tulak sa kanya para makalabas na ako pero ang loko hindi nagpatinag kaya gumanti rin siya syempre hindi rin ako nagpatinag kaya gumanti rin ako at ang ending ay nag-uunahan sa paglabas ng pintuan patuloy pa rin kami sa pagsisiksikan sa may pintuan.
"Ako muna!" ako habang nakikipagsiksikan pa rin sa kanya sa pintuan.
"No, it should be me!" siya habang tinutulak ako pagilid.
"Lady first diba? kaya ako muna ang lalabas ha?" with matching puppy eyes pa pero tiningnan niya lang ako saglit at saka inalis ang tingin sakin na parang nandidiri."Huwag ka ngang mandiri dyan tadyakan kita"
