Faith's POV
"Naku, patay"
Napatigil ako dahil may nakita akong naglalakad na babae na parang masungit at pumasok sa room na papasukan.
'Late na talaga ako, mukhang masungit pa naman'
Bigla akong kinabahan dahil siya yata ang magiging teacher ko for the first subject. Dahan-dahan ako naglakad hanggang sa makarating na ako sa harap ng pintuan ng room ko.
*inhale* *exhale* *inhale* *exhale*
"Woooh, kaya ko 'to! May kasabihan nga na 'It's better to be late than never."
Para akong baliw dito na kinakausap ang sarili ng mag-isa sa harap ng pintuan. Kakatok sana ako ng bigla akong huminto.
'Nakakakaba naman!'
"Sana sa pagbukas ko ng pintuang ito sana maging mabait siya. Sana... Sana talaga." Hehe ok nababaliw na ata ako. Kakatok na sana ulit ako ng biglang nabitin sa ere ang kamay ko dahil may nagsalita sa tabi ko.
"Tss crazy woman, she don't know how to knock it's just a door, how pathetic." sabi ng nasa tabi ko.
Bigla akong lumingon sa kanya dahil alam kong ako ang sinasabihan niya. Ang kapal naman ng mukha niyang pagsabihan ako ng ganyan eh hindi naman kami close.
"An--" magsasalita na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Oh it's you again who bumped me a while ago." sabi niya.
Eh? Siya ba yun? Di akong interesadong malaman. - __ -
"You don't know how to knock? pathetic woman." nang-iinsulto niyang sabi ng may kasamang iling.
Ano raw? Nakakainsulto na siya ha!
Hindo ko mapigilang di magalit sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niya. Kung makapang-insulto siya parang wala siyang kainsultuhan sa katawan niya. Gusto kong maiyak dahil sa mga pinagsasabi niya pero pinipigilan ko dahil ayaw magmukhang mahina sa harapan ng lalaking 'to. Sino ba siya para pagsabihan niya ako ng ganyang salita?!
"Kuya sino ka po ba? Sorry ha? Pero di kasi kita kilala kaya wala ka pong karapatan na insultuhin ako kung gayon di mo pa ako kilala. Kilala mo lang ako sa mukha pero hindi ang buong pagkatao ko kaya huwag kang feeling close kuya." lakas loob kong sabi sa kanya.