"Iyo yan."
"Tanggapin mo na. Pasasalamat ko yan."
Sabi ko sa kanya ng may pagpupumilit. Nakayuko pa ako nung sabihin ko yun. Tapos nagulat ako nang biglang lumapit siya sa akin. Binuksan niya yung cookies box ko at kumuha ng isang piraso.
"Iniyakan mo yan kanina kasi akala mo aagawin sayo. Tapos ngayon ibibigay mo lang."
Sabi niya ganun sabay kagat dun sa cookies. Tumalikod siya sa akin at naglakad papalayo. Nung medyo malayo na siya, lumingon siya sa akin at sabay sabing "Salamat" habang nakangiti. Hindi ko alam pero parang ang saya saya ko. Sumigaw ako : "Fumi mag-iingat ka!"
Tapos kumakaway siya patalikod. Nung araw na yun, kahit hindi nya man alam, tinawag ko na siyang "Superhero Bestfriend".
[PICTURE ON THE LEFT IS FUMI AND ME. aattend kami ng birthday party jan] xD weird ba?
*END OF FLASHBACK*
7:35 na at wala parin si Fumi. Kaya naman tinawagan ko na siya.
*ring ring ring*
"Oh?"
"Hoy Fumi! Magsisimula na ang opening ceremony, san ka na ba?"
"dito na sa gate."
