Bago ako pumasok, nilapitan ako ni Chinen at para bang may hinihingi dahil yung palad niya nakabukas sa harap ko.
"Eh?"
"No Cellphone allowed."
Nagulat ako sa sinabi niya. Ang OA naman. Para office lang tapos bawal agad ang cellphone. Hindi ko naman gagamitin ang cellphone ko para magpasabog ng bomba nuh.
"Seryoso ba kayo? As if naman kung gagamitin ko para pasabugin yung itinanim kong bomba sa ilalim ng office na to oh." sabi ko ganun
"Hindi uso ang joke sa amin Miss." sabi ni Hikaru tapos ngumiti siya.
"Okay fine." sabi ko ganun sabay bigay kay Chinen ang cellphone ko.
Hindi pala uso huh. Bago ako pumasok, napatingin ako kay Kota. Ngumiti naman siya. Yung mga maliliit niyang mata, nawawala pag tumatawa siya <33 Nagblush naman ako nung ngumiti siya kaya ibinaling ko ang tingin ko sa sahig. Pagpasok ko palang, grabe ang lamig na. 2 aircons kasi ang nandun at the same time, naka-on pa. tumingin tingin ako sa paligid. Wow. Ang ganda pala dito. Tapos...
"Ms. Fumiko Kyomoto, Ohayou Gozaimasu."
[Ohayou Gozaimasu means Good morning]
Napatingin ako sa kung saan man nanggagaling yung boses. Oo nga pala, di ba sabi ko sainyo may naghihintay sa aking mala-bampira?
"O-o-ohayou."
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot nung marinig ko ang boses niya.
"Sit." sabi niya
Tingin niya sa akin? ASO?! Arrghh!
"Kahit hindi mo sabihin, uupo ako nuh!."
Akala ng lalakeng to. Umupo ako sa upuan na malapit sa mesa niya. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Busy siya sa kakatingin sa laptop niya. Ako naman, kinakagat-kagat ko yung kuko sa right middle finger ko. Maya-maya pa.. TAMA!
"Bat mo pala ako pinatawag sa kalagitnaan ng klase?"
Tapos bigla niyang inikot yung laptop niya na may marka ng Apple. Sosyal ahH. Pede nakawin? Hahaha
"Read that." utos niya
Nilapit ko yung mukha ko at binasa kung ano man ang nakasulat dun.
"Fumiko Kyomoto was reported by the Assistant Secretary of the Student Council that she escaped during the Opening Ceremony last June 5, 2012. There are 5 students who saw her as she left the said gymnasium. It was stated in the rule of Hancock High (Section 5 Code 3) that no one is allowed to leave the gymnasium unless the program or ceremony is done."
Wow! Sila na! Natawa naman ako.
"Pinatawag mo ako para lang ipabasa sa akin ang article na ito??" sabi ko sa kanya habang pilit kong pinipigilan ang pagtawa pero hindi ko talaga mapigilan.
"What's funny?" sabi niya na mukhang naiirita na.
"Yun lang ba? So anong gusto mong gawin ko ngayon?" tinanong ko siya.
"You're a transferee student right? WEll, you gave to bear in mind that every violation is equivalent to punihsment." sabi niya ganun na parang nang-aasar pa.
"Punishment?! Anong klaseng punishment?" sabi ko sa kanya. Waaahtt?? Kapal ahH! Ang OA talaga ng paaralang ito.
"It depends on me." sagot niya habang nakatingin sa laptop niya.
"W-wait! Ikaw din naman nilabag mo yung rule ah!" pagpipilit ko.
Bigla siyang napatingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/7254092-288-k250971.jpg)