7 - Funny Confession (Bringing The Past into Present)

21 0 0
                                    

Buti nalang at sinamahan ako ni Hina. Pagdating namin .. 

"Onii-chaan!!"

"Fumi, nandyan ka na pala!"

Bati ni kuya Taiga sa akin.

"Opo."

sagot ko naman.

"Ito namang si Kuya, parang hindi napansin si Hina."

"Oi Taiga! Anong akala mo sa akin, INVISIBLE?"

Ayan, nagalit na tuloy si Hina . Ngumiti naman si Kuya.

"Ito naman. Syempre biro lang. Alam ko namang magkasama kayo ni Fumi eh." 

"Sapak gusto mo?"

Hihi. Ayan na naman sila. Parang aso't pusa .

"oh siya. Ito Fumi. Dumaan ka nalang sa grocery store."

Kinuha ko ung listahan ng ipapabili ni kuya.

"Sige po. Bye Kuya!"

"Bye Fumi .. bye Hina!"

"Tse!"

Hindi pa rin sila nagbabago. Ang kyut parin nilang tingnan. Umalis na kami. Habang naglalakad kami..

"Hina . "

"O?"

"Inlove ka pa rin ba kay Kuya?"

Napansin kong biglang namula si Hina.

"Hindi na no. Nakamove on na ako."

Mabilis niyang sagot. wehh?? Kilala ko bestfriend ko eh.

"Talaga lang ha."

Opo mga friends. Simula childhood, inlove na inlove na tong bestfriend ko sa gwapo kong Kuya. Pero hindi alam ni Kuya. Ayaw ipaalam ni Hina kay Kuya Taiga ang feelings niya. Ok na daw siya sa ganito. Atsaka, masyadong busy si Kuya sa buhay niya kaya naman wala na siyang time sa mga ganyan.

*PHONE RINGS*

HINA'S POV

"Hina"

Bigla akong kinabahan nung tawagin ako ni Fumi. Parang may sasabihin siyang ikakabasag ng spinal cord ko.

"O?"

Tapos bigla siyag ngumiti. Mukhang nasesense ko na to ah.

"Inlove ka pa rin ba kay Kuya?"

Anak ng Tokwa! Sabi na eh! Inlove na inlove ako kay Taiga mula nung una ko siyang makita.

*FLASHBACK*

6 years old palang kami nun. Si Taiga naman 11 yrs old. Naglalaro kami ni Fumi sa park . Tapos biglang nagpaalam si Fumi sa akin na bibili lang daw siya ng cookies. Naiwan akong mag-isa.Habang naglalaro ako, sumulpot yung mga lalakeng nang-agaw ng cookies ko dati.

"Oy bata! Nasan na yung kasama mo?"

"Kayo na naman. Lubayan niyo na ako. Wala akong cookies."

"Pero may pera ka!"

Nilapitan nila ako. Hinawakan ng isang bata yung kaliwang braso ko tapos yung isang lalake sa kanang braso ko. Kinuha nung isa ang P100.00 sa bulsa ko. Isang P50 , dalawang P20 at isang P10 na coin. 

"Ibalik niyo yan!"

"Bleeh! Lampa!"

Umiyak ako nang malakas.

"Iyakin!"

"Kasi naman, hindi tama ang ginagawa niyo sa kanya."

Tumingin ako at isang batang lalakeng napakacute ang dumating. Para ba isave ako??

You Are My FIRST and My LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon