Training
Akala ko susuntukin niya ako... Pero laking gulat ko ng bigla niya akong hinalikan, dumampi ang labi ko sa labi nya, napapikit ako at biglang nag bukas ang aming mga bibig at nagpalitan ng masisidhing halik, sobrang sarap ang nararamdaman ko, alam kong mali to, pero hindi ko mapigilan. Ilang minuto rin kaming nag papalitan ng halik, lasang candy ang dila nya, haaayyy ibang sensasyon ang nararamdaman ko.
At bigla syang huminto na parang nag pipigil.. Noo nya sa noo ko, "shit bakit ang sarap" and nasabi lang ni Dave habang pigil na pigil. Ako naman ay gulat na gulat pero nasarapan din
"ba.. Bakit mo ginawa yun? " tanong ko sakanya.
"hindi ko rin alam" sagot nito. Saka sabay itong umalis ng mabilis at sinundan ko naman sya hanggang sa makarating kami sa piging. Hindi sya kumibo kahit na kinakausap sya ni Sam at Orville.
Nang gabing yun medyo maaga akong natulog sa isang kahoy na bahay, maganda naman ang higaan pero tanging bonfire sa labas ang nagsisilbing ilaw sa kwarto, nahiga ako na iniisip ang nangyari sa gubat at hindi napansing nakatulog ako ng nakangiti.
TING TING TING TING!!! ang umalingaw ngaw sa buong kwarto kaya ako nagising medyo madilim pa pero pasikat na ang araw.
"Gising na mahal na prinsipe magsisisimula na ang training mo" ang wika ni Dave na nakatayo sa tabi ng higaan ko na may hawak na kaldero at pampukpok na pinapalo nya.
Tamad na tamad akong bumangon
"ihh!! Mamaya na! Sobrang aga pa" at nag takip ng kumot.
POK! at para akong nahilo lalo sa ginawa ni Dave. Pinukpok nya ang pamalo sa ulo ko ng buong lakas nya. Napa balikwas ako at tinignan sya ng masama.
"bakit mo ginawa yun??!!" galit kong tanong "huy huy! Training mo na bumangon kana dyan" and sabi nito "at kung ayaw ko?" inis ko.
POK! Pinalo muli nito ang ulo ko. "eto na nga!" at bumangon na ko ng padabogNang makabihis ako na parang brown na damit at maong na cream at sandals. At dada parin sya ng dada kesyo bilisan ko daw sigaw ng sigaw. "bakit ka ba sigaw ng sigaw??" inis kong sabi "bingi bako?"
"wala akong pake, tara na!!" sigaw nito saka lumabas at sinundan ko naman ito,
Habang nag lalakad kami at patuloy ko pa rin naiisip ang halikan na naganap sa amin kagabi. "hoy anong nginingiti ngiti mo dyan? Ah? " tanong nito na hindi ko naman napansing naka ngiti na pala ako
"wala!" sabay simangot (pagkatapos ng ginawa nya ngayon mag susungit sungit sungit sya ng ganyan)
"andito na ta+
yo" ang wika nya at tinuro ang dalawang malalaking puno na nakatumba marahil sa bagyo.
"oh tapos?" tanong ko
"nakikita mo un?" sabay turo sa malaking itak "kunin mo yan" wika nito "ano naman ang gagawin ko dyan? " tanong ko ulit
"kunin mo nga at nakikita mo yang dalawang malalaking punong naka tumba? Sibakin mo yan para may pang siga sa quarters natin.
"ano?! ang laki laki nyan eh!" gulat kong sabi
"kaya nga sisibakin eh, sige na! magsimula kana!" pabigla nitong sabi.
wala rin naman na akong magagawa kaya sinimulan ko na kinuha ko ang axe at nagsimulang sibakin ang puno. sa una ako'y nahihirapan dahil sa sobrang lalaki ng puna na kailangan kong hati-hatiin 'to at hati hatiin muli sa maliliit na parte.
ng medyo nagtagal-tagal ay bigla ako nagulat sa nagagawa ko isang taga lang sa mga malalaking puno ay nahahati na at wala mang 1 oras ay nata pirapiraso ko ang mga ito.
"ehem!" ang sabi ko ng makalapit kay Dave na nakahiga sa isang puno at nakatakip ng sumbrero sa mukha ng tila natutulog, "ehem!, Ehem!" ang wika kong muli ng tila hindi ako naririnig at inalis nya ang kanyang sumbrero upang tignan ako at tignan ang ginawa ako.
tila nagulat sya sa ginawa ko. "o tapos ka na pala, hindi ko inaasahan 'to ah" ang wika nya.
"ok dahil madali mong natapos yan, pumunta na tayo sa susunod mong training" ang wika nito sabay tayo at sinundan ko naman sya.
"hindi ba pwede magpahinga muna? kasi kakatapos ko lang mag sibak ng malalaking puno oh!" ang wika ko kahit nauuna sya sa paglalakad at hindi ako tinitignan.
"hinde." tipid nitong sabi at patuloy sa pupuntahan namin.
nang makarating kami kung san ang training, nakita ko na isang malaking tila ilog.
"oh ano naman ang gagawin ko dyan?" sungit kong tanong
"nakita mo ba yung nadaanan nating balong walang laman kanina?" tanong nya.
"oo"
"mag igib ka sa ilog na yan at punuin mo ang balon na yon" utos nito.
"ay grabe naman ata yan! ang lalalim-lalim nung balon na yon at walang kasiguradohan kung hanggang saan yun tapos pupunuin ko?" reklamo ko.
"ano hindi mo gagawin? " tanong nito na tila may pagbabanta "ayaw mo bang mahasa ang lakas mo? at maipaghiganti ang ina-inahan mo?" ang dagdag pa nya.
Tila nalungkot ako ng maalala ko si mama, kaya naging lalo akong determinado "osige! gawin na natin to" kaaya kumuha ako ng dalawang malalaking balde para doon ilagay ang tubig at nagsimulang mag igib.
malakipas ng 3 oras ay hindi ko pa rin nakikita ang tubig na iniigib ko sa ay nakikita ko si Dave na nakahiga muli sa may ilalim ng puno at nagpapahinga at natutulog ulit.
"nakakainis talga ang lalaking to" ang nasabi ko sa aking sarili, at binilisa na ng pagiigip, makalipas ng limang oras ay napuno ko rin ang balon.
napansin kong medyo lang ang pagod ko at parang mas lumakas pa ako at naging mabilis, parang napaka sarap sa pakiramdam, ramdam na ramdam ko ang aura ko na punong puno ng lakas sa katawan ko.
pero patuloy pa rin ang pagkainis pa rin sa kanya kaya iniwanan ko sya para bumalik sa sa kwarto ko at at magpahinga.
habang naglalakad ay naalala ko tuloy ang lahat ng mga nangyari, ang tinuring kong magulang na nawala, ni hindi ko man sya nakita naluluha ako at at sumasakit ang loob ko, isa pa sa mga naalala ko ang halik ng isang 'demonyo' " ihhff!! nakakainis sya! ano ba ako laruan?! bakit nya ginagawa un! tapos ang sungit bigla parang abnormal ay hindi pala parang abnormal talga!"
at nang mapatingin ako sa aking paligid, hindi na naging pamilyar ang mga nakikita ko "what! nawawala ako!"
BINABASA MO ANG
We Remain
FantasyAng isang bully maiinlove sa binubully nya? pwede ba yun? at ang isang simpleng tao ang magliligtas sa buong mundo sa kasamaan? tunghayan natin ang kwento nila Dave, Orville at syempre si Niles sa magical adventure nilang lahat.