I'll finish it as soon as I can. Please bare with the typo.
______________________________________Napaka tahimik ng gabing ito, parahas lang kaming naka higa ng deretso na tila naghihintay sa amin kung sino ang unang magsasalita.
"galit ka ba sa akin?" tanong nito na hindi lumilingon sa akin
"hindi" maikling sagot ko
"eh bakit lagi kang naiinis sa akin"
"pano mo naman nalaman?"
"nakikita ko sa mga mata mo"
"medyo lang naman" saka ako huminga ng malalim, tinanong ko rin sa sarili ko bakit nga ba ang dali kong mainis kay Dave? Uhhmm?? Ahhh baka naman dahil lagi nya akong binubully dati kaya nakapag-iwan na ito ng tatak sa aking isip.
"bakit nga" ulit nito
"hindi ko rin alam" at napangiti ako na tiwa wala lang sa akin.
"teka teka... sabi nila the more you hate the more..."
"'wag mo nang ituloy yan" sabat ko. "imposible" may pag-aalinlangan kong sabi.
"ahhh" ramdam ko ang pait sa boses nya.
"eh ikaw bakit mo ba pinipilit na.." medyo na pahinto ako at nahihiya sa susunod na salita
"na ano?" nang-iinis nitong tanong
"....uummm"
"ano nga!" parang hahalakhak nitong sabi.
"na gusto kita!" napalakas kong sabi
"bakit hindi ba?" tanong nito medyo huminahon ang boses nito
"hindi nga!" medyo inis kong sabi "Alam mo Dave oo naiintindihan ko na Gwapo ka at maraming nagkakandarapa sayong mga babae at iba pa pero hindi lahat ng mapapangiti sayo o kaya magbibigay sayo ng kabutihan at awtomatikong may gusto sayo" sabi ko hindi nga ba
"alam ko naman un" tila naintindihan
"o alam mo naman pala" saka ako huminga ng malalim "saka may mga istandard naman ako sa pagpili no" sabi ko pa ng may pagmamayabang ang tinig
"anong ibig mong sabihin?" napaangat ito sa pagkakahiga ngunit hindi ko naman pinansin
"na alam mo na, oo ayus lang kahit ano babae, lalaki ok lang sakin kahit anong mamahalin ko basta aalagaan ako at hindi ako sasaktan saka alam mo na..... ang yabang yabang mo saka ang sama sama minsan ng ugali mo saka feeling mo ng gwapo mo saka ang dami nating hindi napagkakasunduan kahit ngayon ngayon lang tayo nagkakilala ng maiigi saka gusto mo lahat ng natitipuhan mo kahit ano gusto mo mapasayo kahit mali.."
"OO NA!" sigaw nito na ikinagulat ko saka ako napatingin sa kanya at mas ikinagulat ko ang reaksyon nya galit na galit at bumibilis ang paghinga nya parang hinihingal.
"teka Dave..."
"OO!! MAYABANG AKO !! lahat na ng masasakit na salita sabihin mo na! AT OO naiintindihan ko kung di mo ko gusto! Pero hindi mo naman ako dapat husgahan ng ganoong kbilis!" umalis ng tingin sa akin "hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko!"
tumalikod siya kitang kita ko na parang nag-aapoy si Dave sa galit."Dave nagbibi..."
"wala akong pakialam!" biglang nitong sigaw saka huminga ng malalim, ilang saglit tumahimik dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko nanlambot ako sa mga nangyayari, kanina ayos kami ngayon hindi.
Nang medyo huminto na ang paghingal nito ay bigla itong nagsalita ng mahinahon "oo.... Oo naiintindihan ko na ngayon" saka ito muling huminga ng malalim "ayaw mo sa akin" at tumango-tango ito na parang naiintindihan nya ang lahat at lumabas ito mabilis ng hindi man lang lumingon sa akin sabay hambalos ng pinto pasara.
BINABASA MO ANG
We Remain
FantasyAng isang bully maiinlove sa binubully nya? pwede ba yun? at ang isang simpleng tao ang magliligtas sa buong mundo sa kasamaan? tunghayan natin ang kwento nila Dave, Orville at syempre si Niles sa magical adventure nilang lahat.