We Remain (chapter 19)

45 1 0
                                    


                                                                                      Magical

Umaga nang ako'y naglalakad sa isang malawak na field, walang nag-eensayo ng araw na yon marahil masyado pang maaga, hindi ko alam kung bakit pero nagugustuhan ko ang katahimikan, umupo ako sa damuhan sa tabi ng isang malaking puno upang magmuni-muni at mag-isip-isip nang bigla may tumapik  sa aking balikat.

"kumusta?" ang wika nito at nang lingunin ko ay si Erik.

"ayos naman?" parang mas lalong gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko sya "mag-eensayo ba ngayon?" dagdag ko.

"oo, mamaya pero hindi ako na ang magtuturo sayo" saka ito umupo sa tabi ko at ninamnam din ang magandang panahon.

" ah? Bakit?"

"kasi tapos kana sa akin"

"bakit tapos?"

"yung natutunan mo sakin ay mga istratehiya sa pagpapalakas, mamaya si Orville ang magtuturo sayo"

"ano ang tuturo  nya?"

"hindi nya ba sinabi?"

"hindi eh"

"magic"

"magic?"

"si Orville ang head master ng Magic depertment kaya sya ang napili ni Sam na magturo sayo"

masaya na malungkot dahil hindi na ako tuturuan ni Erik pero makakasama ko si Orville ulit pero dahil hindi ko alam ipaliwanag kay Erik tumango nalang ako.

Pinagmamasdan namin ang field at sinusubukang mag relax, dahil sa dami ng ginawa namin noong nakaraang linggo, hindi kami masyadong na relax at parang parehas kaming pressure sa mga nangyayari, dagdag mo pa si Sam na pinagsasabihan si Erik at sinasabi nya sa kanya na i-motivate akong maiigi upang lumakas. 

"salamat ah" ang nawika ko

"wala yun, tinuro ko lahat ng kaya kong gawin para gumaling ka sa mga armas at pakikipaglaban"

"tingin mo ba gumaling ako?"

"oo naman"

"tingin ko nga magaling kapa sa akin"

At parehas kaming tumawa.

Konting kwentuhan lang ang nangyari at konting pagpapaalala nya,"sana wag mong kalimutan ang lahat ng tinuro ko"

"oo naman" at nagkamay kami

 di kalaunan ay umalis na rin sya upang mag-ensayo, dumami ng dumami ang mga legionaires upang mag-ensayo nkikita mo na may namamana sa magkakasunod na target, may nagbubuhat ng mabibigat na bato at may mga nagdudwelo, samantalang ako ay naka idlip sa may damuhan.

"pst!" nang buksan ko ang aking mata  nakita ko si Orville

"gising na!" sabi nito ng nakangiti napabalikwas ako at nagulat

"teka anong oras na?"

"oras na ng ensayo mo, 'wag kang mag-alala umaga pa rin"

"ano ba gagawin natin?"

"basta!"

Inalalayan nya ako sa pagtayo at lumapit kami sa isang mahabang lamesang kahoy na may isang malaking librong kulay brown at mga aparatos na gawa sa salamin na may lamang ibat-ibang kulay ng tubig.

"ngayon, aking ituturo sayo ang tungkol sa magic..." saka ako tumatango-tango, nais kong makinig ng maayos "ang magic ay may tatlong bahagi, ang casting of spell na may wand na nakita mo na ginawa ko, ang cursing na isusumpa mo ang isang tao at ang potion, gagawa ka ng magic."

We RemainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon