CHAPTER 2
" TOUCHING BALL"
MAKALIPAS ang ilang mga linggo hindi ako tinigilan ni Dave lahat ng mga pambubuli ay naranasan ko na ata, hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko sa kanya, minsan sa canteen kasama ko ang mga kaibigan ko sinadya ng sagiin ang inumin ko at natapon sa akin at sa buong araw sa school lagkit na lagkit ako, minsan naman basta basta nalang nya ako binabato ng mga nakarolyong papel, pinagtatawanan sa harap ng klase pero pinipilit ko paring maging mabait at ayaw ko kasi ng may masaktan, hindi ko alam, siguro sadyang ganoon ako kabait at takot lang siguro akong magkaroon ng record sa school dahil alam ko namang hindi si mama ang nagpapa-aral sa akin at away ni Ma'am Alice ang nakikipag away at kung nag kataon pa ay baka hindi na nya ako pag-aralin.
hinihintay ang term namin sa P.E tounching ball kasi ang laro ngayon so kami ang babatuhin ng bola, buti nalang mabilis akong tumakbo at umilag.
Lumapit ang teacher namin sa grupo namin "oh kayo na" ang sambit nya sa akin, kaya tumayo kaming anim para maghanda nang umilag-ilag sa babato nilang basketball na bola.
pumwesto kami, at pumunta naman ang teacher namin sa grupo nila Dave teka tapos na sila ah at narinig ko "Dave at kayong lima, kayo ang maglaro at bumato ng bola kanina pa kayo tamad tamad d'yan" ang sabi ni teacher ko ah?!! anong sinabi nya? ang malaki kong tanong sa sarili hayyyyyy malamang ikaw nanaman ang target nila ang sabi ng angel side ko aba! teka lang syempre hindi ata papatalo to ang sabi naman ng devil side ko, galingan mo ang sabay na sabi ng angel at devil side ko "no problem sir" ang sabi ni Dave at mukhang natutuwa sa nangyayari, tumingin sa akin ' at ngumiting napakatamis na tila isang bagay ang kanyang napagtagumpayan.
maging alerto ka ang sabi jo sa sarili side 'wag kang papatama sa kahit anong bola.
pumwesto na ang magbabarkada na tila mga warrior sa pelikula at sa tabi nila ang mga bala na bola na hindi ko mabilang sa sobrang dami at ako naman at pati na ang anim kong kasamahan ay pumweto narin at tila walang makakapigil sa aming pag-ilag sa kanila.
nagsimula na ang batuhan, naging alerto ang bawat isa walang gustong magpatinag lahat umiilag na parang ninja,may magaling, may nagmamagaling pero maliksi ang grupo nila Dave at natatamaan ang aking mga kasamahan ko at isa-isa silang natatagal, bakit hindi nila ako pinatatamaan? bakit iba ang pinatatamaan nila ang tanong ko sa aking sarili, baka alam nilang mabilis ka at hindi nila kayang patamaan, hinde!! hindi!!! habang ako ay tumatakbo. tumingin ako sa paligid , huli na nang malaman kong ako nalang pala ang nag-iisa na nakatayo sa gitna, patay , patay talaga! ang sabi ko sa sarili.
"pinapatawag ako ng principal kayo muna d'yan" ang sabi ng guro ko. at umalis binigay nya ang scoring sheet sa aming classpresident.
"ako pa? sisiw!" at tinignan ko ang malaking orasan sa gym "isang minuto lang, isang minuto" tinignan ko si Dave na may matalim ngunit naka ngising mukha, na parang nagsasabing lagot ka isa! laban sa anim! kaya ko 'to, at nagsimula na silang mambato ng bola, naging maliksi ako at naging mailap, sinubukan kong umilag sa abot ng aking makakaya,dahil alam kong sa pagbato palang nila ay masakit kapag tumama sa kahit saang parte ng iyong katawan. walang humpay ang kanilang pagbato at tila napakaraming bola ang dapat kong iwasan at ang huling tira ni Dave sa huling tatlong segundo ay patama sa aking mukha, alam kong lahat silay nakatingin kaya naman hindi na akong nag-atubiling magpakitang gilas, dahil wala narin akong choice, nagbacklift ako upang hindi matamaan at talagang habang ako ay nasa huling posisyon ko sa pagkakabacklift na nakaluhod ang isa kung paa, pag-angat ng aking ulo ay nagpalakpakan ang lahat ng nasa paligid ko at ang mga kaklase ko, tuwang-tuwa ako dahil sa unang pagkakataon ay napansin ako ng lahat at kinatuwaan ako ng lahat, pero maliban sa lahat ay nakita ako ang mukha ni Dave na galit na galit.
PABALIK na ako sa pwesto ko upang kumain na kasama si Dope, Anny at Iya upang kumain, sila ang mga classmate ko at kaibigan sa kasalukuyan, napaka bait nila at sinusuporhan nila ako sa lahat ng aking ginagawa ay gano'n din naman ako sa kanila kaya naman may trust kami sa isa't isa.
"ang galing mo" ang sabi ni Dope
"talga?" ang tuwa kong sabi "oo super ever galing mo" sabad naman ni Anny "salamat"
"saan mo natutunan yon" ang isa pang tanong ni Iya,
"sumasali rin kasi ako nung elem. ng dance contest" at tila nahiya kong sabi "talaga?! cool! gano'n din ako!" ang tila natutuwang sabi ni Dope
"minsan bumuo tayo ng crew ah?" dagdag pa nito "oo sige" tugon ko."aray!" sigaw ko nang may tumamang bola sa likod ng ulo ko, at paglingon ko ay sino panga ba?
"Dave, pwede ba! tigilan mo na si Niles!" ang babala ni Dope at humarang sa dinadaanan ni Dave "Dope 'wag kang makialam dito" tinignan ni Dave ang mga kasamahan nya, pinuntahan ng mga kasamahan nya si Dope at itinulak sya hanggang sa mapalayo sa akin, walang magawa si Dope dahil tatlo-tatlong malalaking tao ang humaharang sa kanya."hoy! ikaw! ang yabang mo rin ano?!" ang sambit nito
"inilagan ko lang naman yung bola papunta sa mukha ko eh" depensa ko "ah at talagang sumasagot kapa ah?!" at binato nya ang hawak nyang bola sa akin syempre hindi na ako nakailag at tumama sa may balikat ko, napaatras ako, habang sya'y may tagaabot pa ng bola, nakikita kong si Dope ay pumapalag sa tatlong nakaharang pero wala pa rin itong magawa, ang iba naman ay takot makialam sa nangyayari at umalis naman ang guro namin, at sa pangalawang pagbato nya ay tumama sa ulo ko ngunit hindi naman ganoon ka lakas, pero naaawa na ako sa sarili ko kaya naman kinuha ko nalang ang bag at lunch ko na malapit lang sa akin para umalis nalang, pero hinarang ako ni Dave
"teka? san ka pupunta?" ang tanong nito habang binabangga ako nito, "Dave please" ang pakiusap ko sa kanya."uy!! please daw oh! please daw!" ang sigaw ni Dave na parang pinangangalandakan nya ang sinabi ko, tuwang tuwa naman ang mga kasamahan nya.
"eh kung ayaw ko?"
naman ako kumibo at akmang aalis ng bigla nyang hinablot ang lunch box ko "ano to?" ang adobo ni mama!! ang sigaw ko sa sarili "adobo" ang sagot ko "adobo? diba mayaman kayo?" ang sabi nito bakit 'pag mayaman hindi nag-aadobo? ang sabi ko sasarili "ah??" ang nasabi ko nalang "di bale, akin nalang 'to ah?" sabay amoy sa ulam ko
"sge" ang nasabibi ko nalangBinuksan nya ang lunch box ko at inamuy-amoy,
"mukhang masarap ah?" ang sabi nito masarap talga yan luto yan ng nanay ko eh ang sabi ko sa sarili ko,
nang biglang inilahad nya ang kaliwang braso nya na may hawak ng adobo at dahan dahang itinapon ito sa harap ko, gulat na gulat ako at hindi ko alam ang mararamdaman ko biglang sumiklab ang galit lungkot sa akin, pwede nyang gawin sa akin ang gusto nya pero 'wag lang ang may kinalaman sa nanay ko.
nanlisik ang mata ko at itinulak sya. sinapak ko sya at nagulat ang lahat agad-agad hinawakan ako ng mga kasamahan nya at inawat "wala ka talagang kwenta, wala kang puso, ang adobong yon ay luto ng mama ko, inihanda nya yon para sa akin, pero dahil hiningi mo ibinigay ko kahit ayaw ko, pero hindi ko alam na ganoon ka pala kawalang puso! " ang galit kong sabi.kumawala ako sa pagkakahawak nila at umalis sa gym ng iskwelahan.
BINABASA MO ANG
We Remain
FantasíaAng isang bully maiinlove sa binubully nya? pwede ba yun? at ang isang simpleng tao ang magliligtas sa buong mundo sa kasamaan? tunghayan natin ang kwento nila Dave, Orville at syempre si Niles sa magical adventure nilang lahat.