We remain (chapter 4)

150 4 0
                                    

                                                                        Chapter 4

"o Orville ikaw pala, kala ko mamaya pa ang labas nyo sa school" ang bungad ko dito

 ang gwapo nya talaga.

"ewan ko maaga kaming pinalabas" ang sabi nito, "oh bat ganyang ka makatitig" patay nahuli nya akong nakatitig sa kanya ang sabi ko sa sarili ko " may dumi ka kasi sa pisngi" ang paliwanag ko nalang dug dug.dug dug, dug dug bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko maipaliwanag kung bakit, ang sarap sa pakiramdam,
 may gusto naba ako kay Orville? ang tanong ko sa aking sarili pero hindi pwede ito parehas kaming lalaki at madalang nga akong makaramdam ng ganitong tibok ng puso .... at kay Dave syempre binubully ako nun malamang kakabahan ako, maraming mga kaisipan ang pumapasok sa aking isip sa madaling panahon lang habang kami ay nag-uusap ni Orville, ang knyang labi ay natural na pula, ang kanyang nakanginting mga mata, at ang napaka kinis nyang balat,  Lord napaka laking konpyusyon ang nararamdaman ko.

"o ano sama ka?" ang sabi nito at bumalik ang diwa ko sa reyalidad

"a saan?" ang nabigla kong sabi..

"ay hindi ka talga nakikinig, sa  Urban club" ang sabi nito
"alam mo kung hindi lang kita kilala iisipin kung may Crush ka sa akin" ang sabi pa nito na ikinahiya ko, gusto kong lumubog sa sinabi nya at sa sibabi nyang 'yon ay na-realize kong crush ko nga siguro sya crush lang naman paghanga!  Weh! paghanga! paghanga! lumang style na yan! iba na ngayon ang meaning ng crush, 'pag crush ngayon, gusto na agad, minsan nga mahal na
Ang umikot sa isip ko

"oo sige sama ako" ang sabi ko nalang

"good..... so ano?" ang sabi nito, "anong ano?" ang taka kong sabi at tinignan ako nito na may malokong ngiti, "na may crush ka sa akin" at sabay itong kumindat g ano to ang lakas ng tibok ng puso ko! 
alam kong namula ako sa ganoong kaisipan
"hoy! wag mo akong pinagtitripan, kahit kelan hindi kita magiging crush no! sira ulo"
 .. hehe

NGAYONG na-realize kong crush ko si Orville syempre ayaw ko naman ang magmukang katulong nya sa Club gusto ko mag mukha akong presintable at kaaya-aya sa kanyang paningin... habang nagbibihis ay napatigil ako't napahawak sa may dibdib kung nasaan ang puso, hayyyyyyyyyy ikaw talaga, wala ka man lang warning na bibigay, basta basta ka nalang tumatalon sa iba, ang sabi ko sa sarili ko sabay ngisi.

"Niles ready kana ba?" ang sabi ni Orville na naghihintay sa ilalim,
"oo sandali lang!" ang sabi ko tugon ko naman
"nagbibihis pa ako!" dagdag ko pa ng sumisigaw dahil nasa taas ako sa kwarto, habang sya'y naghihintay sa baba ng hagdan,

nang matapos ako ay agad agad akong bumaba at baka kasi mainis pa si Orville,  habang bumababa ako ay nakangiti ang loko,
"o bat ka nakangiti" tanong ko habang tila napapangiti ako
"wala wala, haha, tara na" ang wika nito at daretso kami sa palabas sa may garden

"Ay sandali lang! nakalimutan ko ung wallet" ang wika nito, "naku, kunin mo yun, baka wala kang pambayad, lilibre mu pa naman ako mamaya" ang pabiro kong sabi sabay baling nito sa akin at kumindat.

nagmadali itong kunin habang ako ay naghihintay sa may garden nila, pagbaling ko sa labas

nanlaki ang mga mata ko! at gulat na gulat, kinakabahan nanaman ako, si Dave! sya nanaman! hindi nya pa ako tinitigilan ngayong araw at hanggang ngayon ay nananakot pa rin sya! nakatitig lang ito sa banda ko at tila napaka talim pa rin ng tingin,  sya ay nakatayo lang, nakatayo lang at walang ginagawa kung ang hindi ang tumitig. nakakatakot, tila lalamunin nya ako ng buhay, "ano ba ang problema nito! simula ng suntukin ko hindi na nya ako tinigilan"

naglakas loob na ako at pinuntahan sya. "Dave, anong ginagawa mo rito?" ang tanong ko pagka-abot na abot ko sa kanya.
 "wala" matipid nyang tugon

"ok, sorry kung nasuntok kita kaninang tanghali pero napuno lang ako sa ginawa mo, kasi gawa ng mama ko ang ulam na tinapon mo at gutom na ako ng mga oras na iyon kaya nagawa ko siguro yun, sorry, sorry,"   bwisit bat ba ako nag sosorry sa impaktong to eh sya nanga 'tong may kasalanan tapos ako pa 'tong nagsosorry! 
, eh kasi mabait ka at mapagbigay, yan ang turo ng mga magulang mo at mga taong nakapaligid sayo.

"eh ano naman pakialam ko sayo"  ang sama talaga ng ugali
. "eh anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko naman, hiwakan nya ang collar ng kinabig palapit sa kanya "wala kana do'n" ang sabi nito

magkalapit ang aming mukha, hindi ko alam ang nangyayari sa akin tila tumigil ang buong mundo nang makita ko ang kanyang mga mata at tila nasilip ko ang buo nyang pagkatao,
hindi sya masama may bagay syang pinipigilan at ayaw ipakita, nang maamoy ko ang kanyang amoy ay tila isang droga sa aking katawan, maski ang sarili  ko ay hindi nakapag salita ngunit may boses na nagsalita sa akin at nagsabing,
sya ang taong para sa'yo,

ito ba ang tinatawag nilang atraksyon sa isang tao? o higit pa roon ang nararamdaman ko.

nawala ako sa sarili..................................................................................................................

pumikit ako at sinimulang ilapit ang labi ko sa labi nya, at nang magdikit ang aming mga labi ay langit ang aking naramdaman,
isang kakaibang sensasyon ang aking nadarama habang nakadikit ang aming mga labi tila lumutang ako ng panadalian ngunit pagdilat ko ay isang gulat na mukha ang nasa harapan ko at tila napatigil sa ginawa ko, nakaramdam ako ng pagmamahal sa halik na yon.

itinulak ako ni Dave sa ginawa ko at tumilapon ako ng pitong metro palayo sa kanya, hindi ko alam kung papaano nya nagawa ang itipon ako ng ganoon kalakas tila isa syang superhuman, samantalang alam ko na malakas ang  tulak nya sa akin ay tila hindi ako nasaktan ng malubha, pero alam kong nasugatan ako. hinawakan nya ang labi nya at nakatingin sa akin at mukhang hindi pa rin nakakakibo sa ginawa ko, na hindi rin ako makapaniwala kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon.

"uy ayos kalang ba?" patakbong papunta sa akin habang akoy patayo na mula sa pagkakatilapon na ginawa ni Dave
"oo ayos lang ako" ang sabi ko naman "sino ang may gawa sayo nito" tinignan ko ang lugar kung saan nakatayo si Dave pero wala na sya,

"ah wala, wala"

sira ulo ka! 'bat mo ginawa 'yon? Ang nasabi ko sa sarili,
  Siguro wala namang may gusto no'n, 
wala nga ba talang may gusto no'n? eh bakit gano'n yung naramdaman ko? 

habang sinisipat nya ang aking katawan kung meron akong nasugat, "may sugat ka sa siko, halika sa loob gamutin natin" ang sabi nya "hindi, ok lang ako,peram mo nalang ako ng panyo at alcohol, pupunasan ko nalang" ang wika ko at inilahad nya ang kanyang pulang panyo sa akin.

ang mga matang yo'n, ang amoy nyang iyon, ang kanyang mga titig, matalim nga ba ang mga ito? o may nais ipabatid sa akin, sa pagdampi ng labi ko sa kanyang labi ay tila nawala ang bigat na nararamdaman ko sa kanya, tila lahat ng kalokohang ginawa nya sa akin ay nawala, tanging saya at pag-ibig ang nararamdaman ko ngayon.
hinde! hinde! hindi to maaari, pinaglalaruan lang ako ng nararamdaman ko, hindi totoo ang mga ito,

hindi talaga pwede, una lalake kami parehas at ngayon ko lang naramdaman ito sa kapwa ko lalake, ikalawa bully sya, ayaw ko sa mga bully kahit pa sabihin na nating gwapo sya at ideal ng lahat ng babae, ayaw! ko parin! ikatlo, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.

"uy ok ka lang?" tanong ni Orville habang nakaupo kami sa isang table kasama ang mga barkada nyang si Prince, Sedrick at James medyo maingay sa club kaya wala kaming choice kung hindi ang ilakas ng bahagya ang aming mga boses.

"oo ok lang ako" ang sabi ko sa kanya. at uminom ng apple martini.

We RemainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon