Chapter 14

6.9K 210 2
                                    

Examination Day 

Ilang araw rin akong nagreview dahil hindi basta basta ang exam dito sa Royal University. Hindi na ako dumalaw sa room nila dahil alam ko naman na busy sila maliban kay Sirene siguro. Halos sa ilang araw na pagrereview si Eliza lang talaga ang kasama ko. Akala ko nga talaga hindi ko makakasundo si Eliza pero kita mo naman siya pa pala itong makakasama ko sa buong taon ko dito sa Royal U. Hindi ko rin inexpect na sa masayahing katulad niya may problema rin pala siyang hinaharap. Natatawa pa nga ako dahil Eljay ang tawag sakanya kasi daw boyish siya. Narealize ko na siya na yung totoong kaibigan ko dito.. 


Sobrang aga ko rin pumasok dahil hindi na ako nakatulog kanina. Dumiretso ako sa bulletin board kung saan nakapaskil yung mga subject na itatake namin.

Examination Subject for today:

English

Mapeh

Break

Filipino

TLE

Dismissal Time !

Examination Subj For Tomorrow

Science

Aral Pan

Break

History

Major

Dismissal Time !

Dumiretso na rin ako sa room ng pag eexaman ko. Hindi naman napalitan ang aking room.


Pagpasok ko nakita ko si Shon na nakaupo. Mukhang pinaglalapit kami ng tadhana, hindi ko pa naman kasama si Eliza. Tinignan niya lang ako tapos hindi na pinansin. Nagbasa nalang rin ako 



"Masyado ka namang maaral diyan?" napatingin ako tapos nakita ko si Khen 



"Hindi naman masyado. Magkaroom pala tayo" sabi ko 




"Sinundan talaga kita." sabay tawa niya 




"Examination ngayon hindi date. Anong chair mo?" tanong ko 



"Chair 12." sagot niya 



"Ang layo mo. Sige na umupo kana doon para makapagreview kana rin." sabi ko 



Napansin ko na wala si Shon kaya nagfocus nalang ako sa pagrereview ko. Nasa kalagitnaan palang ako ng pagrereview ng bigla niyang hablutin yung libro ko. 




"Yaaa" tinignan ko naman siya ng masama habang siya nakangiti sa akin. 




"Good Morning." bati niya sa akin 

ONE OF THE BOYS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon