Chapter 08

7.2K 208 6
                                    

Masaya naman ako na nakasabay namin sila Mom na kumain. Habang kumakain kami



"May boyfriend na ba itong anak ko?" nasamid naman ako sa tanong ni Mom sa akin. Sasagot palang ako ng



"May boyfriend na Tita." napatingi naman ako ng masama sakanya.



"Sino naman?" tanong ni Mom



"Si Shon Mendoza po." sabi ni Stephen




Itong lalaking to wala talagang gagawin na mabuti. May balak talaga siya




"Yung favorite ni Mamita? Yung gwapong bata na laging nagmamano noon?" tanong ni Mom



"Wag nga kayong nagpapaniwala diyan. May nililigawan si Shon hindi po ako." sabi ko








"Maniwala po kayo sa akin Tita, marami na pong sekreto si Rk na tinatago sa katunayan po ay sasali siya sa Mr and Ms University." nagulat sila Mama at napasapok nalang ako sa aking noo.





Pag kasama ko talaga to mapapahamak ako, walan lihim na hindi nabubunyag sa kanya.







"Totoo ba yun? That's good." masayang sabi ni Mama at pumapalakpak pa.






Wala na akong nagawa, napatingin naman ako sa aking Kuya na tumatawa nalang.





"Mabuti at sumasali ka na, sayang naman ang iyong ganda kung hindi naman napapakinabangan." seryosong sabi ni Papa






"Hindi lang naman ganda ang dapat kailangan rin ng talino." sabi ni Mama




Wala kasi silang alam sa nangyayari sa buhay ko. Hindi sila nakakaattend ng mga events sa school at mismong mga graduation and recognition ay wala sila.





"Si Rk po ba ang sinabihan niyo na hindi matalino?" tanong ni Stephen







"Oo hijo dahil wala ni isa akong natatanggap na award niya at pinapakita sa akin." sabi ni Mom






"Imposible po yun Tita kasi ang alam ko top 1 siya simula nung pumasok siya and naging Valedictorian namin. Katunayan po ay nagtie sila ni Shon sa pagiging Valedictorian nung elementary." pagtatanggol sa akin ni Stephen







"Hindi ko alam dahil wala namang binabanggit sa akin si Rk. Totoo ba ito?" tanong na nagtataka ni Mama





"Sa katunayan po niyan nung grade 7 siya up to 10 ay naging top 1 siya ng klase." sabi ni Stephen






Maging si Kuya ay nagulat sa sinabi ni Stephen. 






"Bakit hindi mo sinabi sa akin or sa amin ng Daddy mo?" tanong ni Mom






"Ilang beses ko po kayong sinabihan pero palaging kasabay ng schedule ko yung mga time sa school. Dahil na rin sa sobrang busy niyo nakakalimutan niyo po yung invitation." sabi ko 





"Hindi namin alam" Sabi ni Mom




"Sanay na po ako. Mauuna na po ako may nakalimutan po akong gawin sa school." paalam ko






"Sige. Stephen sumabay kana rin." bilin ni Mom





"Sige po Tita Tito and Trent, aalis na po kami." paalam ni Stephen





ONE OF THE BOYS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon