Chapter 40

6.4K 186 2
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nung iwan kami ni Lola. Hanggang ngayon apektado pa rin ako, di ako makapafocus.


Parang hindi pa rin nag ssink sa utak ko ang lahat. Parang gusto kong gumising sa panaginip ko.


Pumasok na ulit ako pero hindi pa ako bumabalik sa dorm namin. Masakit pa rin na mag isa ako.



Tahimik lang ako sa lahat. Ayokong kausapin yung ibang tao. Wala akong imik sa mga bumabati sa akin.



Dumiretso lang ako sa building namin tapos umupo. Bigla naman akong nilapitan nila El.



"Rk." sigaw pa niya tapos tumapat sila sa harap ko.



Napatingin ako sakanila pero hindi ako umimik at ngumiti lang. Wala pa akong gana sa lahat,




"Are you mad?" She asked.



"No." walang gana kong sagot.




"Namiss ka namin." tapos niyakap nila akong dalawa.



"Yeah." tapos niyakap ko sila pabalik.



Bumalik sila sa mga upuan nila. Wala talaga akong gana sa lahat, nakinig lang ako sa discussion.



"Sorry for your lost, Ms Jimenez" sambit ni Ma'am



Tumango lang kay Ma'am. Masakit pa rin.



Nanahimik ako, hanggang sa breaktime. Hindi ako sumama kay El at Kirt. Wala akong ganang kumain at sumama sa maraming tao. 




Courtney Alley's Pov


Sobrang lungkot namin lumabas ni El dahil sa pinakitang attitude ni Rk kanina. Masakit sa'min. Alam ko na hindi pa rin siya okay.



"Nagbago si Rk simula nung mawala yung lola niya." sabi ni El na malungkot rin.




"Oo nga." sabi ko




Pumunta kaming food court na kami lang. Nakasalubong pa namin si Jervy, Chaide.




"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Chaide



"Hindi kami pinansin ni Rk." nagulat naman sila sa sinabi ko.



Napahinto rin si Stephen at Shon, Prince.




"Guys, kayo nalang magpasensya. Di pa siya okay." sabi ni Chaide



"Oo pero kahit lapitan namin at kausapin hindi niya kami iniimikan." sabi ko



"Niyaya pa nga namin kumain pero tumanggi lang siya." sabi ni El



Tumayo si Shon tapos umalis. Alam ko naman na kakausapin niya si Rk.



Shon Kaizer's Pov


Pinuntahan ko naman siya dahil sa sinabi nung dalawa. Nakasalubong ko naman si Sirene. Hinawakan niya ako pero hindi ko siya pinansin



"Shon." tawag niya sa akin pero hindi ko siya inimikan. "Mahal mo pa naman ako diba? Mahal na mahal kita."




"Mahal? Pero lahat ginagawa mo kaya tuluyan tayong naghiwalay. Mahal pa yun?" sabi ko



"Shon naman." sabi niya



Nakasakit siya at sa mismong kaibigan niya. Bahala siya, umalis ako doon tapos pumunta sa building nila Rk. Pumasok ako sa room nila pero hindi ko siya nakita doon.



"Nakita niyo ba si Rk?" tanong ko sa isang classmate niya



"Hindi ko kasi napansin, kanina nakaupo lang siya diyan." sagot niya



"Thank you." sabi ko



Hindi ko siya tinigilan na hanapin baka kasi umiiyak nanaman siya. Nasaan naman yun? 



Khen's Pov 

Maghahanap lang naman sana ako ng pwesto pero napansin ko si Rk. Hindi siya nagbabasa pero may hawak siyang libro tapos nakatulala. 



"Yanyan," tawag ko sakanya pero mukhang hindi naman niya ako narinig dahil hindi naman siya nagsalita. 



Lumapit naman ako sakanya baka nakaearphone lang pero pag lapit ko umiiyak siya. 



"Are you okay?" tanong ko sakanya 


"Gusto ko sanang mapag isa, okay lang ba?" request niya sa akin. 



Hindi naman ako umalis, lumayo lang ako sakanya para mapagisa pa rin siya. Binigyan ko naman siya ng panyo, 



"Nandito lang ako pag kailangan mo ng kausap." sabi ko sakanya



Bago nga pala ako pumunta dito nakasalubong ko si Shon na hinahanap siya. Sasabihin ko sana pero mukhang ayaw na niya ng kausap. 



Bumalik nalang ako sa room namin tapos nakita ko doon si Shon na nakaupo na. Wala naman kaming klase ngayon, 



Rhianne Kay's Pov

Ayokong kumausap ng mga tao ngayon. Pabalik na sana ako ng makasalubong ko si Sirene, hindi ko sana siya papansinin ng may sabihin siya. 



"Nandito na pala ang mang aagaw." sambit niya sa akin  pero hindi ko siya pinansin. "Wag moko talikuran," hila sa akin. 



"Bitawan mo nga ako. Sino ka ba para pag aksayahan ng oras? Importante ka?" sabi ko 



"Mang aagaw ka na nga ikaw pa itong may ganang magalit. Balita ko patay na si Madam? Mabuti nga sayo." tapos tumawa siya ng malakas. 



Hindi ko napigilan yung sarili ko kaya nasampal ko siya ng malakas. 



"Walang hiya ka." sabi niya sabay sasampalin rin pero hinawakan ko siya. 


Sinampal ko ulit siya para hindi na siya makabawi sa'kin. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.




"Unang sampal para sa panloloko mo sakin, sa pagkakalat ng kung ano ano at pagnanakaw sakin. Pangalawa para sa lola ko yan. Ikaw na nga itong tinulungan ikaw pa itong galit." sabi ko



Hindi ko rin alam bakit ko nasabi lahat ng yun. Napatigil ako nung makita ko sa paligid na ang daming nakatingin.



"Sumusobra kana." Bigla niya akong sinabunutan kaya bumawi ako.


Lumapit sa amin si Shon. Pinipigilan kaming dalawa.



"That's enough." sigaw na ni Shon habang pinipigilan kami.



"Sinampal niya ako paanong hindi ako gaganti." sabi ni Sirene


"Enough." galit na sabi niya


"Kasalanan mo lahat. Pati kami nasira nang dahil sayo?" Duro niya sa akin.


"Hindi ko kasalanan yun. Masama ugali mo kaya ka iniiwan. Never akong nangialam sa inyo, tinulungan ko pa nga kayo sa isa't isa tapos sasabihan mo akong mang aagaw? Baliw." sabi ko tapos nag walk out na ako.


Masyado na siyang epal. Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Shon.



"Mag usap tayo." sabay hila sa akin.


"Ayoko." hinila ko yung kamay ko sakanya


"We need to talk," sabi niya sabay hila sa akin.


Hindi na ako nakatanggi. Galit na siya kaya sumama na ako kahit labag sa loob ko.

----
Thank you, babies ❤️ ❤️

ONE OF THE BOYS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon