Chapter 06

7.5K 222 5
                                    

Lumipas yung nangyari na yun, hindi pa ako nakakapag sorry kasi alam ko namang hindi ako lalapitan ni Sirene. Saturday may rehearsal para sa Miss University sa high school department. Hindi ko pa pala nasasabi kina Stephen yung about sa pageant. Palabas ako ng makita ko si Shon sa labas na inaayos yung gamit niya. 





Hindi pa rin kami nag uusap about sa nangyari, iiwas na sana ako kaya lang tinawag niya ako kaya wala na akong nagawa kung hindi lumapit sakanya. 






"May lakad ka ata?" tanong niya sa akin. Hindi pa nila alam na sasali ako 




"Sa school." sagot ko 




"Wala kang klase diba? Bakit pupunta ka ng school? Sabay na ako sayo" tanong niya 




"Sige." sagot ko tapos naglakad na kami. 




"Hindi ka ba uuwi sa inyo ngayon?" tanong niya habang naglalakad kami




"Hindi. Dumalaw na rin naman sa akin si Kuya" sabi ko 




"Hindi mo ba namimiss sila tita?" tanong niya 



"Namimiss rin pero kasi alam ko namang wala sila doon kaya wala rin akong aabutan." sabi ko 




"Ang dami niyo kasing business kaya ganyan." sabi niya 




"Ikaw hindi ka uuwi?" tanong ko 




"Dadaan ako mamaya." sabi niya sa akin. "Oo nga pala anong gagawin mo sa school?" tanong niya 




Ang slow naman... 





"Representative rin ako ng Miss U." sabi ko tapos napatingin siya sa akin. "Seryoso ka?" tanong niya 




"Oo. Mukha ba akong nagjjoke? Tss." sabi ko.. "Kelan ka pa sumasali ng ganito?" tanong niya na natatawa pa 




"Pinilit lang ako ni Miss Analize kasi naman pinagkaisahan ako ng mga classmate ko. Hindi naman talaga ako sumasali ng ganyan." sabi ko 





"Totoo pala akala ko nagloloko ka lang. Nagtaka talaga ako dahil alam ko na hindi mo pag aaksayahan ng oras ang mga bagay na ito." sabi niya 





"Ano pa bang magagawa ko diba?" sabi ko



"Okay yan, hindi naman masamang gawin yung hindi mo nakasanayan." sabi niya 





"Oo" sabi ko 


.

"Malay mo magkapartner pa tayo." asar niya sa akin 





"Yuck." sabi ko 






"Grabe siya. Alam mo bang marami ang naghahangad na makapartner ako tapos ikaw ayaw mo." sabi niya tapos tumawa pa siya. 





"Kadiri talaga. Hindi ko naman hinangad na makapartner ka." sabi ko 





"Chance mo na ito maraming naghahangad sa akin." sabi niya 






"Kadiri tigilan mo ako." sabi ko "Ikaw lang tumanggi sa akin. Tara na nga?" tapos hinila niya yung buhok ko. 





"Yaaaaaaaah." hinabol ko nga siya, ang sakit rin ng pagkahila niya. 





"Bruhaa." sigaw pa niya tapos pumasok na siya sa Hall 




Tinignan ko nalang siya ng masama dahil wala na akong magawa. Umupo nalang ako sa malapit sa stage dahil naiinis ako kay Shon. 





ONE OF THE BOYS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon