Chapter 32

6.5K 203 1
                                    

Sirene's Pov

Bigla nalang nawalan ng malay si Rk tapos may dugo na akong nakita. Hindi ko naman alam na may balak doon, hindi ko sinasadya. Nasa Cr siya iniwan ko siya doon. Nadala lang ako ng galit ko, biglang lumapit si Shon. 

"Nasaan si Rk?" tanong ni Shon habang seryosong nakatingin sakin. 

"Hindi ko alam." sabi ko tapos tumakbo na ako 


Shon's Pov

Pagkatakbo ni Sirene biglang may sumigaw sa Cr ng girls .. "Tulong" nataranta ako, masakit pa likod ko pero pumunta pa rin ako. 


Pagpasok ko nakita ko si Rk na nakahiga, may dugo sa may ulo niya. Nilapitan ko siya agad. Binuhat ko siya tapos dinala agad sa hospital. Tinulungan naman ako nila guard. Sumama ako sakanya dahil nag alala ako. 

Nandito kami sa hospital, inasikaso siya agad. May dugo sa pulo ko pero wala na akong pakialam. Naupo ako dito naghintay sa doctor. Lumabas yung doctor, 

"Kumusta po Doc?" tanong ko 


"Nagamot ko na yung sugat niya, mabuti nalang at hindi nasa delikadong part yung nasugat sakanya. Sa may kamay niya huwag mo munang hayaan na maglaro siya ng mga sports at magalaw galaw to. Kailangan niya ring makainom ng gamot." sabi ni Doctor 


"Salamat po." sabi ko 


Pumasok ako sa room niya, nakabenda yung ulo niya at kamay niya. Lumapit ako sakanya, sobrang nahihiya na ako sakanya.

Pumasok naman si Stephen dahil nalaman niya kanina. Sobrang nag alala siya.


"Anong nangyari? Sino may gawa sakanya neto?" galit na tanong niya sa'kin.


"Hindi ko rin alam ang totoo, hinihintay ko pa siyang magising." sabi ko sakanya  



Nagpalit na ako ng t-shirt. Hindi ko alam magiging reaction pag nalaman kong si Sirene ang gumawa neto. Well, kasalanan ko naman dahil nahalikan ko si Rk.



"Simula nung nagwalk out siya, ano bang nangyari? Malaman ko lang kung sino humanda yun." sabi ni Prince




Hinintay namin siyang magising, nag uusap usap naman kami dito.. "Ang iingay niyo?" sabi niya





"Rk." pag aalala naming lahat. 



Rhianne's Pov

Paggising ko nakita ko silang nag uusap usap. Nilapitan nila akong lahat.


"Sino may gawa sayo niyan?" tanong nila


"Nadulas lang ako." pagsisinungaling ko


"Huwag ka nang magsinungaling, Rk. Sabihin mo na?" sabi ni Shon na sobrang seryoso.


"After nang nangyari kanina sa field, sinundan ako ni Sirene at nag away kami. Hindi naman niya sinasadya at naiintindihan ko yung nararamdaman niya." sabi ko dahil ayokong mag alala si Shon



"Wag mo na siyang ipagtanggol Rk." sabi ni Shon


"Kasalanan ko naman, tsaka bumawi rin ako napalakas lang yung sakanya." sabi ko


"Pero wala pa rin siyang karapatan na saktan ka at ikinapahamak mo pa." sabi ni Shon



"Okay na ako. Ihingi mo nalang ako ng sorry sakanya" sabi ko sakanya


"Hindi na tama to Rk. Matagal na akong nagtitimpi sa mga ginagawa sayo. Teka? May aayusin lang ako" sabi niya, hinila ko siya



"Huwag mong itutuloy yang binabalak mo. Away namin yun dapat labas kayo doon. Huwag mong ituloy yan." sabi ko



ONE OF THE BOYS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon