Chapter 19

6.6K 211 16
                                    

Naging busy sa room tapos sobrang daming gawain. Papasok palang ako ng may biglang lumapit sakin


"Miss Jimenez pinapatawag ka pala sa Music Room." sabi niya


"Thank you." sabi ko



Ito na ba yung sinasabi ni Prince? Huminga ako ng malalim tapos pumunta na ako doon. Nasaktuhan pa na wala kaming klase.


Pumasok na ako sa Music Room tapos naabutan ko si Ma'am doon.


"Good Morning Ma'am." bati ko



"Hi Miss Jimenez. Good Morning! I'm Miss Hanna Mechansa I'm the adviser of Mapeh Club. I will be assigning you sa pagbabantay ng practice ng The Slayer. Do you know them?" tanong ni Ma'am


"Yes po." sagot ko



"Okay then. Dahil President ka ng Club na to dapat kasama sila sa plan and make sure na babantayan mo sila sa mga practice nila. They are the pride of our school kaya Miss Jimenez samahan mo sila. Sabihin mo sakin if ever na may problema, absent and excuse okay? At isa pa may gaganapin na audition as the president kailangan mong magjudge. Nakukuha mo Miss?" sabi ni Miss Hanna


Kaya ba ayaw na niyang maging President ng club na to dahil dinaig ko pa yung nagtratrabaho sa company sa sobrang dami ng schedule. 


"Yes Miss." sabi ko kahit deep inside gusto ko nang umalis.


"Okay. Sayo ko na ikakatiwala to, ikaw na bahala dito." sabi ni ma'am tapos umalis na rin .


Pagkaalis naman ni Ma'am napansin kong nakatingin sila sa akin tapos nakangiti pa si Chaide and Stephen.


"Narinig niyo yung sinabi ni Miss? Practice." sabi ko tapos umupo ako sa tapat ng stage.

Napansin ko naman na napangisi si Shon. Inayos na nila yung mga instruments nila tapos napansin kong dumami yung mga nanonood, napatigil naman ako ng marinig ko ulit yung tinig ni Shon.



Pagkatapos nilang magpractice. "One more, one more." sigaw nila



Practice palang yan pero ang gagaling na nila. Nagpractice pa rin sila tapos ako ginawa yung mga trabaho ko. 


Shon Kaizer's Pov

Napatingin naman ako kay Rk na busy sa gilid. Hindi ako sanay na hindi kami nag uusap pero dahil kasalanan ko naiintindihan ko siya.


Nagpractice kami ulit. Tinogtog namin yung My Love Westlife ..

Natapos naman yung practice namin. Nilapitan nila si Rk pero ako inayos yung mga gamit. Hindi ko alam paano ako lalapit kay Rk lalo na nagseselos si Sirene sakanya. Ayaw ko naman na magalit si Sirene dahil mahal na mahal ko yun.


Naupo nalang ako tapos napapasulyap sakanila. Kinuha ko yung cellphone ko tapos nakita ko yung message ni Sirene

From: Sirene Anikka

You, okay? Take always care. Love you❤️❤️

Nagulahan ako pero dahil mahal ko siya nevermind.

To: Sirene Anikka

I'm okay. Don't worry I will always take care of myself. You too okay? I love you so much. Don't forget to eat okay?.


Tinago ko na yung cellphone ko tapos inayos yung mga files ng Mapeh Club. Maghapon rin kaming nagpractice.

Natapos ang lahat tapos umalis sila. Naiwan naman kami ni Rk, tinulungan ko nalang siyang mag ayos. Hindi ko alam paano ko siya kakausapin.




ONE OF THE BOYS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon