My parents said na swerte daw ako sa kanila. Simula daw ng dumating ako sa buhay nila, yun daw ang pinaka masaya at pinaka swerteng araw sa buhay nila. Pero sa totoo lang, ako ang totoong swerte dahil nagkaroon ako ng mga magulang na kagaya nila. They gave me all the love and care that I needed, sobra-sobra pa nga.
But my parents died in an accident. At sa kasamaang palad, ako ang sinisi ng grandparents ko sa pagkawala nila. Hindi ko din naman sila masisisi dahil kung hindi ako umalis nung araw na yun, hindi sana sila naaksidente. Kung sinunod ko na lang sana ang gusto ng grandparents ko, hindi sana sila namatay. After my parents died, my grandparents insisted on marrying that same person na naging dahilan kung bakit ako umalis ng bahay noon. Pero hindi ako pumayag kaya dahil dun, itinakwil nila ako. At simula nung araw na itinakwil nila ako, sinikap kong mamuhay ng mag-isa.
Mahirap ang mabuhay ng mag-isa pero wala nang mas hihirap pa sa pagkawala ni mommy at daddy ko. Kaya kahit na anong hirap at lungkot ang nararamdaman ko simula ng mawala sila, kinakaya ko.
Kahit na nakatapos ako ng pag-aaral, hindi naging madali ang paghahanap ko ng trabaho dahil sa grandparents ko. Dahil powerful sila, they blocked me sa mga companies na pwede kong applyan. Akala ko wala na talaga akong pag-asa pero nakita ko ang bestfriend ng mama ko na si tita Marie kaya kahit alam nyang hindi magiging masaya ang lolo at lola ko sa gagawin nya ay binigyan nya ako ng trabaho bilang nurse sa ospital na pag-aari nila. Alam nya daw na magiging masaya si mommy sa pagtulong nya. Kung hindi lang sya true bestfriend ni mama, malamang hindi na nya ako tinanggap.
My grandparents. *sigh* Yes, they are really that powerful. Nakaya nga nila akong itakwil ng ganun kadali. Pero siguro nga nararapat yun sa akin dahil hindi ako swerte kung hindi malas sa buhay nila.
I am Lucky Charm Rivera. Kung ano ang ikinaswerte ng pangalan ko, ganun naman ako kamalas na tao... lalo na sa mga taong importanteng bahagi ng buhay ko.
Pero kahit na ganun, I wish there would be even one person that would tell me I'm the best despite being not the best in the eyes of a million crowd and even if I'm the world's unluckiest being, that person stays by my side, hold my hand and be the lucky charm of this unlucky one.
---
I hope na kahit po nagsisimula pa lang akong magsulat, sana po magustuhan at mag-enjoy kayo sa story na ito. Enjoy reading po.

BINABASA MO ANG
The unLucky Charm
RomansaHer name itself says she's a lucky charm. But is she really someone who is one?