CHAPTER FOUR
"MA'AM, IKA-CANCEL ko po ba ang meeting niyo nila Mrs. Fuentes mamayang 4pm?" tanong kay Abby ng kanyang sekretarya
"No, sandali lang naman ako. Babalik din ako kaagad" wika niya bago tuluyang lumabas ng office
Pupunta siya sa restaurant ng kaibigan niyang si Aya. Sa kanilang magkakaibigan ay ito at si Shirley ang nahumaling sa pagkain kaya sa Food Industry ang mga ito nakipagsapalaran. Habang siya ay ito at minamanage ang sarili niyang Comestic Company na pinatayo niya galing sa mana na ibinigay sa kanya ng kanyang ama. Oo at buhay pa ang mga magulang niya pero retired na ang mga ito at nagliliwaliw sa iba't ibang parte ng mundo. Hinahayaan na lamang niya ang mga ito dahil para sa kanya ay mas mabuti sa kalusugan ng Papa't Mama niya ang hangin sa ibang bansa.
Hindi kalaunan ay nakarating na siya sa restaurant ni Aya. Halos kasabay rin lang niya nakarating si Shirley at Katie na naabutan pa niyang nagpapark rin sa harap ng restaurant ni Aya. Syempre binati niya muna ang mga ito bago sila sabay-sabay na pumasok sa restaurant kung saan naman sila sinalubong ng chinita nilang bestfriend.
"Sorry kung ngayon lang kami nakapunta sa'yo bestfriend ha" wika ni Shirley na umupo sa tabi ni Aya. Nagsi-upuan na rin sila ni Katie sa harap ng dalawang ito.
"It's okay, grabe namiss ko kayo!" sagot naman ni Aya na tumayo pa para isa-isa silang yakapin
"So ano na ngang balita sa'yo?" siya naman ang nagtanong sa chinita nilang kaibigan
"Still the same, I am still getting married" saad naman ni Aya na bakas na sa mukha ang kaligayahan
"You seem so happy about it" wika naman ni Katie
Iba na kasi ang tono nito hindi katulad noong unang sinabi sa kanila ni Aya ang tungkol sa arranged marriage nito sa dating kaaway nung pagkabata, na naging irog nito nung college ngunit masalimuot ang kinahinatnan. Nabasted kasi ito noong lalaki na kaparehas nito ay kalahating hapon at kalahating Pilipino rin kaya ganoon na lamang itong namomoblema nang magkausap silang apat sa messenger. Noon kasi ay parang mamamatay na ito sa sobrang depressed. Pinagkalat pa nga nila iyon na ikinagalit naman ni Aya. Akala kasi nila ay ito na ang pinakahihintay ng kaibigan nila dahil lingid man sa kaalaman ni Aya ay alam nilang hanggang ngayon ay ito pa rin ang laman ng puso ng kaibigan nila.
"Tanggap ko na kasi" saad naman nito na masaya pa rin ang tinig
"Eh dapat pala hindi na natin binawi yung kinalat nating chismis" sabi naman ni Shirley na ikinatuwa nilang lahat
That is one of their mistakes na ikinagalit ni Aya. Mabuti na lamang at maagap namang nasolusyonan ni Katie nang sabihing joke lamang iyon sa mga nasabihan nila.
"Nope, it is still for the best. At least our wedding will still be a secret"
"Why would our wedding be kept a secret?" nagulat silang lahat sa nagsalita mula sa likuran nila Aya, kahit nga sila ni Katie ay hindi man lamang napansin na paparating ito.
"Rei!" sabay-sabay nilang wikang tatlo sa lalaki
"Hi girls! ang tagal na rin nating hindi nagkita ah" sagot naman nito na tumabi na rin sa kabilang parte ni Aya
"Tell me Aya, you want our wedding to be a secret?" balik ni Rei sa usapan na narinig mula sa kanila
"Only a secret to our other friends" pagiging honest naman ni Aya
"And the reason?" tanong muli ni Rei
"Hindi nanaman nating kailangan ipagkalat, malalaman din naman nila. There will surely be a news about that"
"Bakit kinakahiya mo ba ko?" pagpapa-awa nito na ikinangiti naman ng kaibigan nilang haponesa
"Ang arte mo ha"
BINABASA MO ANG
My Ex-Factor
Любовные романыA MUST READ story after I DO OR I DIE. Love at first sight? May kasunod pa 'yan na second, third, fourth hanggang sa hindi na niya mabilang ngayong third year high school na siya. Simula ng tumapak si Abby Alhambra ng high school ay hindi na nga niy...