Chapter Ten

495 16 0
                                    


SA SIMBAHAN na sila dumaretso ni Warren para sa binyag ni Polo. Nang makita sila ay agad din naman silang sinalubong ni Pam. Napayakap pa nga ito sa kanya dahil sa tuwa na makita ulit siya habang siya naman ay si Polo kaagad ang binalingan.

"Teka! Ito na ba ang magiging inaanak ko?" tanong niya kay Pam ng balingan ang buhat-buhat nitong bata

"Yup, the one and only" sagot naman nito sa kanya na ibinigay pa nga si Polo para buhatin niya

Hindi na niya napigil at nagbaby talk na siya sa harap ni Pam at ni Warren. Cute na cute talaga siya kay Polo lalo na ngayon na ngumingiti na ito sa mga ginagawa niya. Ilang months palang ang bata pero mabilis na itong lumaki. Wala siyang pakielam kahit anong isipin ng mga tao sa ginagawa niya. Pakielam ba nila eh sadyang natutuwa siya kay Polo. Isa pa masarap naman mag-baby talk dahil doon sila nagkakaintindihan ng bata.

"Easy Airess, baka malamog naman si Polo sa'yo" banta sa kanya ni Warren na ikinasimangot naman niya

"Anong akala mo kay Polo, prutas? Lalamugin ko lang?" nakasimagot na wika naman niya kay Warren

Mabuti na lamang at nagsimula na ang binyagan. Ibinalik na niya si Polo kay Pam habang nakisali na sila ni Warren sa pagbibinyag sa bata. Sa totoo lang nainis siya sa wika nito kanina kaya ganoon na lamang ang naging reaksiyon niya. Hindi naman niya pababayaan si Polo at lalamugin na lamang ng basta ganoon. Sadyang namiss lamang niya ang gwapong batang iyon.

Nang matapos naman ay sumunod na sila sa iba pang sasakyan para mananghalian kela Pam. Tradisyon na sa mga Filipino ang ganoong pagpapakain sa mga bisita kapag may okasyon. Kahit ayaw rin niya ay sa sasakyan siya ni Warren kailangan sumakay. Ito ang kasama niya roon at date din nila iyon. Kailangan niyang pagtiyagaan ang mukha ng binata.

"Na-offend ba kita? Sorry na" wika sa kanya ni Warren habang nagmamaneho ito

"Sa totoo lang 'oo', you make me feel stupid and I don't like it" nakasimangot pa rin siya

"Sorry na nga, I didn't mean to hurt you. I was just joking"

"Jokes are half-meant" tipid naman na sagot niya

"And my apologies, lilibre kita ng ice cream, huwag ka lang magalit sa'kin"

Napatingin siya rito bigla habang nakangiti naman itong nakamasid sa tinatahak nilang daan. Ano siya bata? Inaalo ng ice cream?

"Ice cream? Anong akala mo sa'kin batang naagawan ng lollipop?" hindi makapaniwalang tanong niya sa saad nito

"Bata lang ang nagta-tantrums" maikling tugon naman ni Warren na lalong ikinainis niya

"Edi tingin mo nga childish ako!" naiinis na talaga siya

"Kaya nga tanggapin mo na ang offer kong ice cream para magkabati tayo. Nakakawala ng sama ng loob iyon. Trust me, I'm a doctor"

Sa totoo lang ay tama naman ito. Na-offend siya, nagsorry na naman ito. Kaysa mapahiya pa siya ng todo-todo dahil nga pala at matalino rin itong kasama niya ay magbibigay na rin lang siya. Hindi nagpapatalo ito at ganoon rin siya pero nagbigay na ito ng daan para magkaintindihan sila. Kung mamimilit siya hindi sila matatapos na dalawa

"Fine, Strawberry flavor ha" nahihiyang saad niya na sa iba dinako ang tingin

"Sure, My Princess" nakangiting tugon naman sa kanya ng binata

NAG-ENJOY NAMAN sila ni Warren sa pananghalian na iyon kela Pam. Kahit matagal-tagal na rin nangyari ay nagpapasalamat pa rin sa kanya ang mga magulang ni Pam dahil sa pagtulong niya rito. Isa pa, nag-enjoy rin siya sa view ni baby Polo at ninong Warren na kasalukuyang naglalaro sa may harap ng kinauupuan niya. Maya-maya pa ay nakita na lamang niya na nahihimbing na ito sa mga braso ni Warren at ng tuluyang makatulog ay kinuha na ni Pam para maihaga sa kama. Tumabi nanaman sa kanya si Warren ng maipasok na sa kwarto ang batang kakulitan nito.

My Ex-FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon