[ 2 ] The BestFriend Contract

26 3 0
                                    

CHAPTER 2: THE BESTFRIEND CONTRACT.

Pagkaubos ko ng pagkain ko ay sumubsob nalang ako sa desk ko. Naiisip ko nanaman yung mga pangyayari kanina. At habang bumabalik sa isip ko yung pagmumukha ng lalaki na yun ay namula nanaman ako, hindi ko alam kung sa galit ba o sa kahihiyan na nararamdaman ko.

*kulbit kulbit with matching sitsit*

Umiling ako habang nakasubsob parin sa table.

"What do you want?"

"Hi im Leila Samonte, nice to meet you."

"Meet agad? Ehh hindi pa nga kita nililingon.

Tinignan ko narin siya, dahil kinukulbit niya lang ako ng kinukulbit, nakakairita.

"Ayan nakalingon ka na yipeee!" Para siyang  sea lion na pumapalakpak sa tabi.

"Ok now that we've met, Leila diba? You may go now, bye."

"Uyy lonely ka ah, i bet you're looking for a friend. Here's my resume." May inabot siya sakin na mga papel. "May 1x1 picture narin ako diyan incase malimutan mo kung anong itsura ko. Kaso alam mo, feeling ko overqualified nako eh..."

"Oo over qualified ka na, so pwede ka ng umalis." Babalik na sana ako sa position ko kanina ng pigilan niya nanaman ako.

"Edi overqualified nga ako, that mean i would be able to apply for a higher position. BESTFRIEND!! Yaaaaay!!!"

Tinignan ko lang siya. As in tingin lang, walang kurap kurap.

"Tara bilis sa cafeteria, bago magsimula yung class."

Ayoko na sana pumunta dahil kakagaling ko lang, kaso eto namang babae na toh hinila na agad ako papalabas ng classroom.

Habang naglalakad kami, napansin ko na halos lahat ng mga nakakasalubong naminay kilala siya, naghahi sa kaniya at nginingitian siya, wow famous.

Hinintay ko nalang siyang matapos sa pagbili niya at lumabas na kami mula sa cafeteria.

"O Jamella? Bakit wala kang binili? Di ka ba nagugutom?"

"Teka, pano mo nalaman yung pangalan ko? Hindi ko naman sinabi sayo yun ah."

"I have my ways.... Ok fine may nagchika sakin na may muntik ka ng patayin kanina twice this morning. Yun lang naman. Dont you know that youre this secret hot gossip ng school?"

"Yeah sure, if i hadnt noticed. And by the way, call me Jams." (Sarcasm hinted).

"Haha okay sure sure."

Habang naglalakad kami ay sinampal niya ako out of nowhere.

"WHAT THE HELL? What was that for?" Naiinis kong sabi sa kanya. Nananahimik yung tao, tama bang bigla nalang siyang sampalin ng walang dahilan?

"Ohoho calm down girl, its a seal of our friendship, para official diba?"

Naiinis parin ako kaya ginatihan ko rin siya ng sampal.

"Awwwshu, what was that one for?" Sabi niya habang hinihimas yung pisnginniya na sinampal ko.

"Hindi naman fair kung ikaw lang yung maglalagay ng seal diba? Dapat ako rin."

"Hmm may point ka jan! E-edi totoo na? Bestfriends na tayo? Naaccept mo na ako sa life mo? Oo naaccept mo na, im so happy!" And there she goes answering her own questions again. I like this girl, she kind of reminds me if someone...

Naglalakad na kami malapit sa room ng biglang lumabas nanaman yung manyak na chismoso na yun.

"Hey ladies" sumandal siya sa may pader at nginitian kami.

"Ano nanamang gusto mo?"

"Ikaw" sabi niya sabay kindat.

"Ano? Hindi ka na nakuntento sa isang pagtuhod? Gusto mo ng isa pa? Gusto mong wasakin ko nanaman yang pagkalalaki mo?"

"Nako wala akong pagnanasa sayo noh, baka ika jan ang may pagnanasa sakin. Tsk tsk tsk, kababae mong tao manyak ka?"

"H-hindi yun ang ibigsabihin ko! At aba ako pa ba ang manyak sa ating dalawa?" Nilapitan ko siya. "Pagkatapos mo akong pagnasaan kanina ako pa ang manyak? Gago ka pala eh!" Susuntukin ko na sana siya ng pigilan ako ni Leila.

"Jamella tigil na oi, ang cute cute mo pa naman tumotomboy ka jan. Tara na."

Hinigit nako ni Leila palayo ng sumingit nanaman yung manyak na yun.

"Leila? Cute ba yan? Yan ang definition mo ng cute? Tignan mo ako, ako ang tunay na definition ng cute."

"Cheh ka manyak ka!" Sigaw ni Leila sa manyak na yun at nag apir kami. Hah! Tama lang sayo! Manyak ka! Hahaha!

==========

A/n: length of the chapters may varry C: tyty

Soul Switched [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon