[ 4 ] Hi Im Tristan

29 3 0
                                    

CHAPTER 4: HI IM TRISTAN

"Ano namang gusto mong gawin ko?" Tanong niya sakin.

"Wala. Wala naman akong sinabing tulungan moko diba? Lubayan mo na nga ako." Matapang kong sagot sa kanya, kahit ang totoo ayokong iwanan niya ako, nakakatakot naman kase talaga dito.

May lahi yatang Swiper yang gago na yan eh, yung si Swiper mula sa Dora. Dahil pag lingon ko, hinahalungkat na niya yung bag ko.

"H-hoy! Bakit mo pinapakialaman yang bag ko? Hindi ka lang yata manyak! Holdaper ka pa!"

Hinablot ko na ang bag ko at niyakap iyon. Nakaupo siya, habang ako nakatayo parin.

"'Jamella Trista C. Ramos, Section 1-c'. Ang panget ng pangalan mo. Do your parents hate you or something?" Tumawa pa siya ng tumawa, but after a short while nawala rin ang tawa niya ng makita niya ang reaction ko.

"Kuya ko ang nagbigay ng pangalan ko, wala akong magulang."

Napapoker face nalang siya sa sinabi ko. Yumuko niya ng onti at nagsorry.

"Ang bading mo, tigilan mo nga yang pagpapaawa mo jan." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako bading. And since alam ko na pangalan mo, i think it would be right kung malaman mo rin pangalan ko.  I am Tristan Reyald Torres, you can call me Tristan, or you can call me the man of your dreams." Inihayad niya sa akin ang kamay niya upang makipag handshake. Tinapik ko nalang iyon palayo.

"Or i can call you butiking manyak na holdaper na rapist na macho dancer sa gaybar."

"Nice joke, im TRISTAN, ohhh diba! Tristan ako, Trista ka, bagay tayo. Meant to be."

"Hindi Trista ang tawag sakin ok? Its Jams."

"Strawberry o blueberry?"

"Poison berry, kaya kung ayaw mo ng sapak tantanan moko."

"Tss, ang sungit mo. Maghihintay nalang ako dito kasama mo. Babantayan kita with all my life."

"Lumayas ka na nga. Nangbubuysit ka lang ehh."

Hindi parin umaalis tong si Tristan kaya hinayaan ko nalang siya jan. Nagpupumilit maghintay eh. Edi wala nakong nagawa.

We spent about 2 hours waiting in silence, and somewhere along those 2 long hours ay nakatulog ako. Nagising nalang ako at nasa sasakyan nako ni kuya. Peste toh.

"KUYAAAAAA!!!! Peste ka!!!" Hinampas ko ng hinampas yung ulo niya at nagpagewang gewang yung kotse sa daan.

"Hoy kuya! Explain!!! Explain kung bakit ka inabot ng 5 hours sa pagsundo sakin ha?" Tinignan ko ang orasan sa sasakyan. "Leche ka! 6 hours pala yun!"

"Sorry na baby, nakatulog kase ako hehe."

"Dont baby me! Galit ako sayo!"

"Ehh galit ka pala eh, baba na." Tinbi niya ang sasakyan sa may side walk at inunlock ang mga pinto.

"Kuya buysit ka talaga! Maghanda ka pag nakauwi na tayo! Hindi ka ba nagiisip? Pano kung nahatak ako dun sa kalye ha? Paano kung may masamang nangyari sakin?!"

"Wala naman eh! Pasalamat ka dun sa boyfriend mo hindi ka niya iniwan dun sa kalsada. Himbing rin ng tulog mo eh."

"Ahh, yung gagong yun"

"Ikaw sis ha, ang tinik mo! First day palang ng school may boyfriend ka na, inuunahan mo pa si kuya." Sabay hagalpak niya.

"Sasapakin talaga kita kuya, hindi ko boyfriend yun, I have my standards you know."

Soul Switched [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon