[ 7 ] Pens and Cokes

34 4 0
                                    

CHAPTER 7: PENS AND COKES

==

"Ahh this is getting really lonely."

Absent ngayon si Leila, so magisa lang ako ngayon dito sa school.

Kumakain ako ng popcorn habang palabas ng cafeteria ng biglang may umakbay sakin.

Hindi ko na kinailangang lumingon para malaman kung sino ito..

"Tristan ano ba? Alis nga." Sabi ko sa kanya habang naka pilit na tinatangal siya sa balikat ko.

"Ayoko nga.." Binigatan niya pa ang pag akbay niya sakin.

"Ano ba?!" Pilit ko parin siyang tinatangal.

"I-im melting" bulong niya sakin habang pilit niyang pinabibigatan ang sarili niya.

"Ano ba yan. Ang manyak naman eh. Alis ngaaaa!" Tinatangal ko nanaman siya sa akin ngunit nagpabigat pa siya lalo. "Tristan ang bigat mo!"

"Hindi kaya. Kayang kaya moko o." Pinabigat pa niya lalo yung sarili niya, to the point na napakapit nalang ako sa table na malapit sa amin.

"Aaaa Tristan ang bigat mo sabi. Sasapakin na kita!" Pinakita ko sa kanya ang nakabola kong kamao.

"Ahay joke lang pala." Bigla siyang tumayo ng deretso at humarap sa akin ng maayos.

"Kailangan talaga tinatakot pa para sumunod. Di yung susunod agad." Bulong ko sa sarili ko. I guess it was loud enough to be heard by him.

"Haha pareho talaga kayo." Tawa niya ng mahina.

"Sino naman?" Sabi ko sa kanya na may pataas na boses.

"Haha wala po maam. Good luck in your next class. Bye."

And with that naglakad na siya palayo. He left me there standing, thinking about what he mean by 'good luck'. Ewan ko sa kanya.

Nagpatuloy nako sa paglalakad papuntang classroom. Kung tatanungin niyo ako kung masarap ba yung popcorn, tanong niyo sa sahig. Nilaglag ng gago yung popcorn eh. Tsss.

Pag dating ko sa classroom ay napaka aga pa pala. Dahil walang kahit isang tao dito. Kaya naupo nalang ako sa pinaka likod na upuan.

Mamaya maya ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Edi kayo na in pairs! Pinapadama niyo lalo yung pagiging loner ko eh.

Sumubsob nalang ang sa desk ko dahil feel na feel ko talaga. Haist. Sinubukan ko na ngang itext or tawagan si Leila kaso di naman siya nasagot.

Mamaya maya lang ay nakatulog narin ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Psst. Oi babae, may ballpen ka?"

*tusok tusok*

"Oi gising. May ballpen ka ba?"

*tusok tusok*

"Ano ba kuya wag mo nga ako tusukin."

*alog alog*

"Gising sabi. Hoy."

"Kuya Reever, 5 more minutes..."

[PAK!!!]

"Hoy! Tama bang hampasin ng kung ano yung katabi mong tulog?! Masakit yun ha!" Sigaw ko sa kanya habang hawak hawak ang parte ng ulo ko na hinampas niya.

"IKAAAAAW!?"
"IKAAAAAW!?"
Sabay naming sigaw sa isat isa.

"Hoy! Bakit mo bako laging ginugulo ha?!" Sigaw ko sa kanya.

Soul Switched [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon