Prologue

53 3 0
                                    

SOUL SWITCHED

Written By: Gradience (J.J.)
2014//rewritten2016
(C) MINE!!!

First Story ko po toh,  so dahan dahan lang po sa pangookray. Sorry in advance para sa mga plotholes C:

----------

It all started with a simple WISH....
A careless WISH....

Ang taong hindi mo kasundo...
Ang taong sumisira sa araw mo...

Paano kung magkapalit kayo ng katawan?
Anong gagawin mo?

Will you thank Fate? Or will you Curse it?

----------

"Anong shooting star? Hindi totoo yan!"

"Bobo ka ba? Totoo yan. Sinasabi ko na nga sayo hindi ka pa naniniwala?"

"Syempre katangahan lang naman yan eh!"

"Ikaw ang tanga!"

"Alam mo, yan ang hirap sainyong mga babae eh... Ang hilig hilig nyong naniniwala sa mga ganyan! Puro kase wattpad at korean novela ang laman ng utak!"

"Hoy aba! Akala mo madaling maging babae? Ehh kung ikaw kaya maging babae?! Palibhasa lalaki ka lang!"

"Hoy kadin! Hindi smooth sailing ang buhay ng isang lalake! Kung ikaw kaya subukan mong makisalamuha sa inyong mga babae araw araw!"

"Mas mahirap parin ang buhay ng isang babae!"

Lumabas sa bibig namin ang mga katagang hindi ko inaasahang pareho pala naming iniisip.

"SANA MAGPALIT NALANG TAYO NG KATAWAN PARA MALAMAN MO KUNG GAANO KAHIRAP MAGING AKO!!!!" -Sabay naming sinigaw sa isat isa.

.
.
.
.
.

"Uhh... Huh?" Humikab ako.
Ano ba yan... Hangang sa panaginip sinusundan ako ng peste na yun. Aiiisht.... Teka bakit ganito nanaman boses ko? Arrhg may pharyngitis nanaman siguro ako.

"Ahhh... Ano ba yan.."
Hinawakan ko ang muka ko.
Huh? Kailan pako naging matangos? Last time i checked pango ako...
Hinawakan ko naman yung buhok ko.
Huh? Ang lagkit... Gel? Kailan pako naglagay ng gel? At teka bakit ang ikli lang ng buhok ko?

"Tol wag ka maingay, natutulog pa kami dito oh... Shh..."
B-bakit may mga lalaki sa tabi ko.
Napansin ko lang sila ng magsalita ang kabi ko, dalawang lalaki, at ako ang nasa gitna...

Teka...

Pinulot ko ang cellphone na naka pwesto sa tabi ko. Hala? Hindi ko naman toh cellphone ahh...

Pag tingin ko sa reflection ko sa screen hindi ko nalang mapigilang mapasigaw.

Im in this body..
In his body...

Soul Switched [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon