[ 10 ] Shop Till You Drop

22 2 0
                                    


CHAPTER 10: SHOP TILL YOU DROP

==

>Jams' POV<

"Leila tumigil ka nga, ang gulo gulo mo!"

"Tell me Jams, pano ako titigil kung ganito ako ka-excited?"

"Umupo ka lang at kumalma, kung kailangan mo pa itali sarili mo sa poste gawin mo, sisirain mo talaga yung kama ko sa pagtalon talon mo jan eh, baba ng!"  Bumaba siya mula sa pagkatayo nya sa kama ko at naghalunkat ng mga damit sa closet ko, samantalang ako naman ay nagayos ng kama.

" Bes i just cant help it, like I REALLY CANT! Super excited nako! Finally dalaga ka na!" Humiga siya sa kama ko at niyakap lahat ng unan ko.

"Ginulo mo nanaman yang inayos ko."

"Ayusin mo nalang ulit mamaya. May isusuot ka na ba? Asan? Patingin!"

"Kahit ano na jan pwede."

"Anong 'Kahit ano'? Hindi pwede yung 'Kahit ano' !" Tumayo siya at nagpunta nanaman sa cabinet ko. 

"Uggh! Leila!" Hinukay niya yung buong cabinet ko, lahat ng damit ko nasa sahig na.

"Ayusin mo nalang mamaya, busy ako."

"Kahit ano nalang kase suotin ko ok!"

"Hindi kase ok yun. Ano ba isusuot mo kung wala ako dito?" Tinigil niya ang paghuhukay sa damit ko at tumingin sakin.

"Umm, jeans syempre, shirt, ganun." Pinulot ko mula sa sahig yung pinakamalapit na pares ng pantalon na meron ako. 

"Jams, ito?! Ito ba ang isusuot mo?! Asan ang posposro! Susunugin ko toh! Its hideous!"

"Anong hideous, ok na yan, date lang yun, hindi sagala."

"Lets dress you in something the opposite of what you would normarllly pick." Hinalunkat pa niya lalo ang cabinet ko.

"Like?" 

"Like, wala Jams wala! Ano ba tong closet mo! puro denim! Di ka na naubusan ng denim! Magshashopping tayo! Magbihis ka na!"

Hindi nako umangal dahil pag umangal pa ako, babatuhin na ng kapitbahay nain yung bintana ko sa ingay.

"Magshoshopping kayo?" Biglang pumasok si kuya sa kwarto.

"Alam mo kuya, ang lakas talaga ng pandinig mo pag dating sa mga bagay tunkol sa pag-gasta ng pera."

"Oi hindi ah, ito pera. Leila, gawin mong babae tong utol ko ha." Inabutan ni Kuya si Leila ng pera.

"Utol ka jan, sapakin kita eh." 

"Odiba Leila, sabi ko sayo utol ko yan eh."

"Hahaha sige na kuya lalakad na kami." Sabi ni Leila habang tinutulak ako palabas ng bahay. 

==

"Leila, pwede bang umupo na tayo?" Pagmamakaawa ko habang hilahila niya ako.

"Hindi pa, marami pang shops na kailangan puntahan." Tinuro niya pa yung isan mahabang hilera ng shops dito sa mall.

"Leila, sasabog na yung cabinet ko sa dami ng pinamili natin."

Tumigil kami saglit sa gitna ng mall, thank God i can catch my breath now.

"Edi bumili ka ng bagong cabinet" She said with a blank expression, still looking everywhere deciding on where to pull me next.

"Bakit ako bibili ng bagong cabinet? eh ayos na yung cabinet ko?"

"Kase sabi mo sasabog na yung cabinet mo, tara bili tayo ng cabinet."

"What the Fvck, Leila pati cabinet?"

"Ayun may mga cabinet dun tara."

Then and there, she decided we are going to the furniture store. 

"Oh my Gush"

Wala nako nagawa kundi magpahila nalang key Leila.

==

Umalis kami ng bahay ng umaga, umuwi kami sarado na yung mall.

Sa Dami ng pinamili namin kinailangan pa namin magtaxi para makauwi. 

I cannot believem i survived a day like this.

==

Pag uwi namin sa bahay, sinalubong kami ni kuya sa may pinto.

"O, welcome back, mukhang pagod na pagod kayo ah."

"Ay hindi naman kuya Reevs, parang wala nga lang eh." Kailan pa niya tinawag si kuya by the term 'Reevs'? Ganun na sila caclose? Agad agad?

"Well speak for yourself Leila, speak for your self."

I dragged myself all the way up stairs to our apartment. I was so tired i plopped myself down on the first soft thing i saw. Too bad the first soft thing i saw was the fluffy carpet we had in our living room.

x==========x

A/n: Filler Chapter yay!

Sorry napaka bagal ko mag update. but seriously namamind block na talaga ako. Well kung unkol sa story like, i dont thing mabagal yung progress ng story, yung mabagal yung writer haha. I know i know natagalan yung schoolwork ko, but thanks for being patient i guess?

Sorry for any typos. Ty for reading :D

~thanksies :* (J.J.)

Soul Switched [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon