March 24- graduation na nila. At tapos na ang ceremony, pauwi na yung iba pero marami paring naglilibot-libot muna.
Hinahanap namin si Ren, ngayon ko kasi napagdesisyunan na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Actually pakana ng apt kong kaibigan tong gagawin ko, saying naman daw kasi yung last day.
"Nami! Alam ko na kung nasan siya. Nasa rooftop ng senior building!" sabi ni Ericka na halatang pagod sa katatakbo kasama si Lexia.
"Kaya nga, kanina pa siya dun alam ko". Walang paking sabi ni Rei habang tutok ulit sa binabasa.
"Alam mo naman pala eh. Pinahirapan mo pa kami!" inis na sabi ni Lexia.
"Malay ko bang ngayon na nya gagawin!"
Hinila nila ako hanggang sa may rooftop. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya mamaya.
" Sige na puntahan mo na" pilit ni Lexia habang pilit na tinutulak ako.
"Wag na lang kaya, sa susunod na lang" nag aalangan kong sagot.
"Oo nga, magkikita pa naman kayo sa daan eh, tara na uwi na tayo" pagsang ayon ni Reis akin.
"Ssh, wag ka ngang sulsol, ang KJ mo!" saway ni Jersey
Wala na akong nagawa nung tinulak na talaga ako ni Ericka.
" Oh? Nami! Buti nandito ka. Di ka pa nakakapirma dito sa polo ko." Pansin sakin ni Ren nang makita niya ako.
"Hehe, ah a-aano, may ibibigay ako" sabay bot ko sa kanya ng rose. Yun yung inabot nya sakin nung valentines, tinanim ko lang ulit.
"Kakapalan ko na mukha ko since last day na siguro to. Uhm, gustong gusto kita Ren, nung first year pa. Ginawa ko lahat para mapansin mo ako. Ginalingan ko sa paggawa ng mga story pa kung sakali yun yung mapili sa play kasi alam ko ikawa ang kukunin nila para magcover ng play na yun. Di rin ako masyadong nagreklamo nung ako yung pinalit ni Maam para maging bida kasi sa way nay un sigurado akong mas mapapansin mo ako. Sumasama ako kay Hiro nun kahit ayaw ko pero para makita ka lang lagi. At ngayon ko lang narealize na dapat matagal ko ng sinabi sayo to. Gustong gusto kita Ren!"
Kinakabahan ako ng sobra. Hindi lang siya umimik pagkatapos ko magdrama, nakatingin lang sya dun sa bulaklak na binigay ko. Pero napansin ko yung kamay niya.
"Is that a couple ring?" tumango lang siya. Agad kong pinunas ko yung luha ko at pakunwaring tumawa.
" haha may girlfriend ka na pala, kelan pa?"
"Last week lang" malungkot nyang sagot.
"Ahh, Congrats! Di ka man lang nagsabi, di ako na orient!" di na ko na pigilan ang mga luha na kanina pang namumuo sa mata ko.
"Sige, alis na ko, itago mo yan ah. Remembrance mo yan sakin"
"Nami, okay ka lang ba?"
"Okay lang ako, ano ka ba?" oo sobrang okay ko nga eh. Parang mawawalan na yata ako ng hininga dahil sa pigil kong iyak eh. Tumakbo na ako pababa, di ko na siya nilingon. Di ko alam na ganto pala mangyayare 'pag umamin ako. Dapat pala di ko na lang ginawa.
*** *** ***
�ǃ���'5�@�mP
BINABASA MO ANG
When Infinity Comes to End
Short StoryActually Project namin to. Itatry ko lang ipost dito. This story is inspired by different stories. Completed last year 2015. Maraming errors pa po. And under editing pa lang.