infinity 10

3 0 0
                                    

Dali-dali kong hinanap ang silid kung nasaan nakaconfine si Ren. Naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang higaan. Napakaputla ng kanyang mukha halatang napapasailalim siya sa isang mahirap na kalagayan.

"Ang TANGA-TANGA mo!" sigaw ko sa kanya. Kaya naman nakuha ko ang atensyon niya.

"Sa Tingin mo?! Sino mas Tanga satin pag nagkataon?!!! Kung sinabi ko na mahal din kita nung araw na yun!!. Sigurado di mo pipiliing umalis papuntang Japan. Di ka magiging sikat na writer. Diba pangarap mo yun? Kung umamin ako, di mo matutupad mga pangarap mo!!" di ko alam kung namamalikmata lang ako o totoo yung nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.

"Kahit na! dapat pinaalam mo man lang sakin na mahal mo ako nung mga oras na yun. Edi san di ako umiyak ng ilang araw dahil dun."

"Akala mo ba ikaw lang?! buti ka nga ilang araw lang, ako ilang buwan, hindi ! ilang taon! Ilang taon kong dinala ang sakit ng pag-alis mo nun,"

Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako nang makita ko ang pamilyar na singsing sa kamay niya. Hanggang ngayon suot niya parin yun?!

"Yung singsing na yan? Ibig sabihin kayo parin ng girlfriend mo noon?"

5;w~

When Infinity Comes to EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon