Dinala sa ibang room si Ren kanina para daw sa check-up. Di na ako sumama tutal check up lang naman yun. Inayos ko yung mga gamit niya sa loob ng kwarto. Napansin ko yung camera niya na nasa ilalim ng unan niya. Ginamit niya siguro yun kagabi bago siya matulog. binuksan ko yung camera, medyo nagulat ako sa mga laman nun. Dahil puno nanaman ito ng mga stolen shots ko noong mga nakaraang araw, habang nandito ako sa hospital. May isang video na nakasave at kagabi lang siguro kinuha, pinanuod ko ang video na yun. Unang lumabas ang mukha kong natutulong habang nakaugmok sa higaan niya kagabi.
"Ang cute mo talaga. Sana lagi ka na lang tulog, joke biro lang. Maganda ka talaga sana lagi kitang makikitang ganyan. Sana bawat paggising ko mukha mo ang makikita ko. Kaso ang problema magigising pa kaya ako sa susunod na araw?"
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin?
"haha nakakatawa lang kasi feeling ko para akong bakla. Pero normal lang naman diba na matakot akong mawala? Ayaw ko pa mamatay Nami! Gusto pa kitang makasama alam mo ba yun? Pero sa tingin ko sapat na rin siguro ang isang linggo na pagsasama natin kesa sa sampung taon na di tayo nagkikita. Basta wag kang iiyak masyado sa oras na mawala ako. 'wag kang mawalan ng pag-asa.... Sa tingin ko dito na magtatapos ang Infinity na sinimulan natin nung mga nakaraan. Basta lagi mong iisipin na lagi kang nasa puso ko. Even our Infinity comes to end"
Sa huling segundo ng video na yun ay kitang kita ko ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. Di ko namalayan na umiiyak na rin pala ako dahil sa napanuod ko, tila nagpapaalam na siya sa lagay na yun. Dali-dali na akong lumabas at hinanap ko kung saan nila dinala o kung saan sinabing check-up nila para kay Ren.
"BITAWAN NIYO KO!!! DI PA TAPOS ANG OPERASYON NG ANAK KO!! DI KO PA SIYA NAPAPAGALING!! BITAWAN NIYO KO!"
"Pa?! anong sinasabi mo? " tanong ko sa kanya nang makalapit ako, ngunit
hindi lang nya ako pinansin at nagpatuloy sa kasisigaw. At dala na rin
ng sobrang kaba kaya pumasok ako sa loob kahit na alam kong bawal.
"Ren! Gumising ka Ren! Nandito ako oh!"
"Miss bawal po dito, ililipat na po ang bangkay, tara na po"
"Anong bangkay?? Buhay pa si Ren di pa siya patay!"
Pilit nila akong pinalabas sa silid na iyon. Naabutan ko sa labas ang apat kong kaibigan pati rin ang mama at mga kapatid ni Ren na lahat ay umiiyak.
"Bakit kayo umiiyak? Buhay pa siya, buhay pa si Ren!"
"Nami...." Tawag sakin ni Rei at bigla akong niyakap.
"Di ako marunong magcomfort pero please lang huminahon ka. Wag ka nang umiyak"
Hinawakan ko ang mga pisngi ko, di ko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak.
"Pa! akala ko ba Health check-up lang? Anong nangyare?"
Tanong ko sa papa ni Ren na medyo kalmado na ngayon.
"Ayaw niyang ipaalam sayo. Kasi iniisip niya na kapag nalaman mo na ngayon ang schedule ng operasyon niya tiyak di ka mapapakali sa oras na yun"
Hanggang ngayon ba naman ganun pa rin siya? Lagi na lang niya iniisip ang damdamin ko ? bakit andaya niya! Di man lang niya masabi lahat sakin?!
"Basta wag kang iiyak 'pag nangyari yun "
"Hindi ako iiyak. Pwera lang kapag sasalubungin mo na ako sa harap ng altar."
"Sana nga, pero basta magpakatatag ka. Wag kang padadala sa mga bagay na mawawala"
Baliw na nga siguro siya! Sinong di iiyak pag iniwan ng taong mahal niya diba? Ginagantihan lang ata niya ako eh, pagkatapos ko siyang iwan noon, siya naman ang mang-iiwan ngayon at kaso ang sigurado ngayon. Di na siya babalik kahit kelan.
Pero kahit ganun, sana naman magbago isip ni Tadhana, sana bigyan naman niya ako ng pagkakataon na sumaya kahit minsan. Kahit sa panaginip lang kasama siya,
888888888888
Thanks sa nangbasa kung meron man..
BINABASA MO ANG
When Infinity Comes to End
Short StoryActually Project namin to. Itatry ko lang ipost dito. This story is inspired by different stories. Completed last year 2015. Maraming errors pa po. And under editing pa lang.