June 18, 2012
Dear Diary,
It's Sunday night and tomorrow is the day that always makes me feel happy and at the same time sad. My mom and dad's 3rd death anniversary and my 16th birthday. Sa tuwing naaalala ko na magbibirthday ako naiinis ako sa sarili ko. Dapat di ko nalang sila sinaway ng araw na yun. Dapat di nalang naging matigas ang ulo ko. Dapat buhay pa sila ngayon -
"Shailene gising ka pa ba?" tawag ni Tita Judith sakin
"Opo Tita, bakit po?" sagot ko at binuksan ang pinto ng kwarto
"Dinalan lang kita ng gatas."
"Salamat po Tita, pero di na po sana kayo nag-abala pa."
"Nako wala yun iha. Bat gising ka pa pala?"
"Ah inaayos ko lang po yung gamit ko sa school." bukas na kasi ang start ng 1st sem.
"Oh sige pagkatapos mo nyan matulog ka na ah." sabay kiss nya sa pisngi ko.
"Sige po, salamat po ulit sa gatas. Matulog na rin po kayo." at pagkatapos nun ay umalis na siya. Sinara ko na ang pinto at tinago ko na ang diary ko sa likod ng malaking family painting namin.
Ako nga pala si Shailene Woodrow. Black hair, brown eyes, slim body at isang VAMPIRE HUNTER. Oo tama ang pagkakabasa nyo isa akong Vampire Hunter. Nagsimula akong maging hunter ng makita ng dalawang mata ko kung pano patayin ng mga halimaw na bampira ang mga magulang ko. Hinding hindi ako titigil hanggang di ko napapatay ang bampirang iyon.
* FLASHBACK *
"I love you Mom, I love you Dad" at kiniss ko silang dalawa sa pisngi.
"Nagustuhan mo ba little princess ang gift nila mommy and daddy sayo?" sabi ni mom na hinahaplos haplos ang buhok ko.
"Of course mom. This is the best gift I ever had. Thank you so so so much" It was my 13th birthday, at dito sa bahay ni Lolo ginanap ang party ko. Isa itong mansion sa gitna ng kagubatan. Matagal na kasi ito, simula pa noong 1850's tinayo. Inaayos nalang nila kung may mga sira. "Mom can I go there? I want to see the forest"
"Princess, you can't go there. Gabi na at mapanganib diyan" sabi ni Mommy
"Hey hon, andyan sina Mrs. Grim kararating lang" daddy
"Princess, don't go there okay?" said mom and I just nod
"Hmmm. Bakit ba bawal ako dun? Di naman masama kung sisilip ako diba? Gusto ko lang makita kung anung itsura ng gubat" since I was a child di nila ako pinapayagang pumunta sa mga forest kasi mapanganib daw.
Naglalakad lang ako ng parang may bigla akong maramdaman, paglingon ko wala namang tao. Ngunit pagharap ko may lalaking nakatayo sa puno at nakatingin siya sakin. Kulay berde ang mata niya. Nakatingin lang siya sakin at ganun din ako. Hanggang sa di ko nalang namalayan na nasa harap ko na siya.
"SHAILENE!" Si mommy. Lilingon sana ako para tignan si mommy ng biglang kagatin ako ng lalaki sa leeg. Di ko alam ang gagawin ko hanggang sa tumakbo si daddy para saksakin yung lalaki pero masyado itong mabilis at hinagis si daddy kaya binitawan na rin nya ako.
Masyado ng blurred ang paningin ko pero nakita ko pang tumakbo si mommy para lumapit sa akin. At nakita ko rin kung pano ubusin ng lalaking berde ang mata at may matutulis na pangil ang dugo ng daddy ko.
"JOHN!" sigaw ni mommy, kaya napatingin ang lalaki sa pwesto namin, Unti-unting lumapit sa amin yung lalaki "Wag! pakiusap, ako nalang patayin mo. Wag na ang anak ko nakikiusap ako sayo." hagulgol na pagmamakaawa ni mommy.
"Patawad" sabi ng lalaki at kinagat ang kaawa-awa kong ina sa harapan ko.
*END OF FLASHBACK*
VOTE | COMMENT | FOLLOW