Chapter Seven

41 2 2
                                    

"Ano may balita ka na ba sa Royal Blood?" Tanong ko kay Ced ng magkita kami sa parking lot ng school ko

"Sabi ni Captain gusto ka daw niya makausap. Baka sabihin nya na yung next mission mo." next mission?

"Anong next mission? Yung sa Royal Blood ba?"

"Sa tingin ko hindi. Masyadong delikado para sayo na ibigay ang mission na yun."

"Baka nakakalimutan mo Ced, kaya ako sumali dito para maipaghiganti ko ang parents ko!" galit kong sigae kay Ced

"Hindi mo sila kaya. Matutulad ka lang sa mga magulang mo."

"I don't care! Di ako takot mamatay!" naiinis na talaga ako

"Bakit ba sakin ka nagagalit?!" sigaw niya sakin. Oo nga naman bakit ba ko sakaniya nagagalit?

"Sorry Ced" sabi ko at niyakap ko sya "Ayoko na kasiny maghintay pa para patayin ang halimaw na yun. Gusto ko nang matapos ang lahat."

"Naiintindihan kita pero sana intindihin mo rin ang desisyon ni Captain." tumango ako bilang pagsang-ayon sakanya. "Ihahatid na kita"

Habang nasa byahe kami hindi ko maalis sa isipan ko ang bampirang yun. Naalala oo nanaman kung pano nya pinatay ang magulang ko at sa tuwing naalala ko yun ay mas lalo akong naiinis sakanya. May araw ka din saking bampira ka.

"How's your study princess?" tanong ni Tita sakin habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

"Okay naman po. Di pa naman po masyadong nagpapagawa ng mga projects yung mga prof namin."

"Tumawag nga pala si Mr. Rick dito, tawagan mo daw siya kung hindi ka busy."

"Bakit daw po?"

"Wala naman siyang sinabi. Baka kakamustahin ka."

"Ah sige po" tinapos ko na ang pagkain ko at umakyat na sa kwarto ko. Dinial ko ang no. ni Tito Rick na sinagot naman niya da ikatlong ring.

"Hello Captain?"

"Oh hello Luna" pambungad nya sakin. Luna ang codename ko sa Society namin. Hindi kami tinatawag sa sarili naming pangalan at nananatiling private ang background namin doon.

"Gusto nyo daw po akong makausap?"

"Oo Luna, may mission ako para sayo."

"Tungkol bs ito sa Royal Blood?" matapang kong tanong sakanya

"Hindi Luna, dadating din tayo jan."

"Bakit hindi pa ngayon? Diba alam nyo na na nandito sila? Bakit ayaw nyong sabihin sakin? Bakit hindi nalang yun ang ipagawa nyo sakin?" naiinis kong reklamo sakanya

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon para sumugod Luna! Masyadong mapanganib at kakaunti palang ang mga impormasyon natin sakanila kaya wag kang maatat na patayin sila!" Matigas at maotoridad nyang sabi saakin. Napabunton hininga nalamang ako

"Patawad Captain"

"Pumunta ka sa Lakeplace bukas ng gabi. Pupunta si Keith Salazar doon, isa sya sa alagad ni Buenaventura kaya madami tayong malalaman na impormasyon sa kanya."

"Hanggang ngayon ba hindi nyo padin nahahanap ang lungga ng Buenventura na yon?" naiinis kong saad sakanya

"Hindi pa. Masyado siyang matalino at makapsngyarihan." ang sabihin nyo mga mahihina kayo

"Pag di nagsalita papatayin ko ba" ganun naman kasi palagi. Pag walang makukuhang impormasyon pupugutina ang ulo at susunugin para di na mabuhay

"Hindi. Dalhin mo sakin" ano namang gagawin nya dun?

"Sige gagawin ko." pag sabi ko nun ay binaba ko na ang cellphone ko

"Mapaplaban nanaman ako" bulong ko sa sarili ko at nag-ayos ng gamit ko. Bigla akong napatingin sa notebook na bagong bigay ng misteryosong si V. "Sino ka ba talaga V? Bakit ka laging nakabantay sakin?" wala sa wisyong tanong sa sarili.

Binuksan ko ang laptop ko upang makapagresearch narin tungkol sa Keith Salazar na yun.

"Isa ka palang sikat na business man hah? Ano namang gagawin mo sa Lakeplace, maghahanap ng bibiktimahin? Hmmm let's see." pagkabasa na pagkabasa ko sa mga article sa kanya alam na alam ko na ang mga dapat kong gawin.



VOTE | COMMENT | FOLLOW





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hunter's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon