FIRST OF ALL GUSTO KONG PONG MAGSORRY! AS IN SORRY PO TALAGA. (kahit alam ko namang walang nagbabasa nitoxD) Ilang months ko ba 'tong napabayaan?Sorry po talaga. Nagkaroon po kase ako ng mga minor problems. Hihi! So yun na nga para pambawi. Try ko pong magsulat hanggang ilang chapters.
CHAPTER1
"Tulong,tulong po!" pinilit kong magsalita kahit hinang hina na ang katawan ko. Gabi na nun. Halos tulog na ang mga tao,pero may isang tindahan na bukas pa. Lumapit ako doon. Ininda ang sakit ng katawan. Lumalalim na ang paghinga ko. Kaya ko 'to!
"Uy,Nardo! Bilisan mo jan!" sabi isang ale sa kasama niyang lalaki. Binilisan naman ng lalaki ang pag ayos ng mga gamit. Malamang ay magsasara na sila. Lumapit ako dun. "Tulong po!" yun lang ang nasabi ko at nagdilim na ang paningin ko,pero narinig ko ang pag sigaw ng ale ng "AY DYUSKO!"
JOSH'S POINT OF VIEW
" Oh,mag ingat kayo ha? Ikaw Josh,ingatan mo yang kapatid mo." sabi ni Papa samin pag baba namin sa kotse. "Opo pa." sabi ko. "Bye Papa!" sabi ni Jamie-ang nakababata kong kapatid at humalik sa pisngi ni Papa.
Obvious naman na papasok kami sa school kami diba?
"Good morning po!" bati ng kapatid ko sa school guard namen. Tumango lang ito. Nginitian ko lang yung guard. Hinatid ko yung kapatid ko sa classroom niya. Grade6 siya,while ako naman Grade 10 na (4th year)."Is that Josh Vincent of St. Therese?" dinig kong sabi ng babae sa likuran ko. "Josh Vincent? You mean yung pogi na guy? Yung famous?" sabi naman ng kasama niya. "OO!"
Naglakad na ako palayo para pumasok sa classroom ko. "Omygosh! Josh Vinceeeeent!!" narinig kong may sumisigaw sa likuran ko. Oh no! Ayoko na. Dali-dali akong tumakbo papalayo sa kanila kase nag umpisa na silang tumakbo papalapit sakin.
Well,hindi naman sa pag mamalaki. Nakilala kase ako dahil isa lang naman ako sa mga taong mahilig mag musical.ly. haha! Actually 2 kami ng kuya ko. Si Vince Jeric. Pumatok ang mga vines namen and Boom! May mga nag alok na din samin na maging artista or pumasok daw kami sa bahay ni kuya. Haha! Pero ayoko e. Tsaka,trip trip lang naman yung ginawa namin e. Hays.
"Josh Vincent papicture!"
"Josh ang cute cute mo!"
Ayoko na nito. Since bago palang ako dito hindi ko pakabisado ang school na 'to. Teka nasan na ba ako?
Ayun,nakita ko ang canteen! Dun nalang ako pupunta. Habang tumatakbo ako palayo sa kanila di inaasahan na may nakabangga ako. "Sorry po." sabi ko. Naku nabuhusan pa ng chocolate shake ang uniform niya. Pinatayo ko siya. "Sorry ha?" sabi ko uli pero di siya kumikibo nakayuko lang siya. Hindi ko maaninag ang pagmumukha niya kase natatabunan ng mga buhok niya.
"Ayun siyaaa! Josh! " papalapit nanaman sila. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at binigay ko yun sa babae. "Sorry talaga." at tumakbo na ako uli.
Naaawa naman ako dun sa babae. Gusto ko sana siyang tulungan kaso,aiish!
"Oh Mr. Reyes! Bakit ka tumatakbo?" narinig kong tanong ng isang teacher. Nilingon ko siya. Lumapit ako kay ma'am. Ito ata yung teacher na nag interview sakin nung nag pa enroll ako dito. "Uhmm..Ma'am alam niyo po kung saan ang classroom ko?" nagkamot ako ng ulo. "Ow? Ako ang adviser mo. Halika." sabi ni ma'am. Nag umpisa na kaming maglakad.
"JOSH VINCEEN- Good morning maam." sabi ng isa sa mga humahabol saakin kanina. "Go to your room."sabi ni maam. Tumango naman ito at tumingin sakin. Nginitian ko siya. Tumalikod siya samin at halatang kinikilig. Hayss.
Nasa harap na kami ng classroom. Nagsign si maam na maghintay muna ako sa labas.
"Good morning class. i would like you to meet your new classmate. " Tumingin si maam sakin. Pumasok na ako.
"JOSH VINCENT?!" sabay sabay na sabi ng mga babae na classmates ko. "hehe!"
"Okay please,introduce yoursel-"
"No need ma'am. I'll be his speaker." sabi ng isang babae na sumulpot sa kung saan saan. Napabuntong hininga nalang si maam. "By the way, I'm Nadine." inilahad niya ang palad niya. "Hi!" nagshake hands kami. Ngumiti siya ng matamis bago magsalita. "Okay classmates he is Josh Vincent Mendoza Sarmiento Jimena Dela Cruz Reyes." Abat! Alam kahit middle name ng lolo't lola ko ah. Stalker ba dis? "He is the 3rd child of Vicente Reyes and Jacqueline Dela Cruz- Reyes.He is 16 years old. October 18,1999 is his birthday. His siblings are Viel Jiennie Reyes 24 years old and working as a nurse in London UK. Vince Jeric Reyes a chemical Engineering 20 years old and an ultimate hottie too. And last Jamie Venice Reyes 12 years grade 6." Napailing nalang ako. Sinabihan siya ni ma'am na tumigil kaya ayun napaupo bigla.
Biglang bumukas ang pinto. May pumasok na isang babae na naka-PE uniform. Wala man lang bang nakapansin sakanya? Familiar siya. Umupo siya sa last row. Medyo nakakatakot ang aura niya. Tsaka wala siyang katabi man lang dun sa last row. "ma'am pwede na pong umupo?" tanong ko. "Dito ka nalang umupo sa tabi ko." hinila ako bigla nung Nadine. Sumunod nalang ako. Nag umpisa na ang klase pero pasulyap-sukyap ako dun sa babaeng nakaupo sa likuran. Bakit kaya palagi siyang nakayuko? At bakit naka PE siya? may PE ba kami ngayon? Ma-check nga mamaya sa schedule.
o baka MUMU SIYA?
BINABASA MO ANG
She's a Mystery.
Teen FictionHindi siya yung tipikal na madaldal at childish na babae sa School. Wala siyang kaibigan. Hindi naman siya nerd. Wala siyang braces o malalaking salamin. Hindi siya yung bully or binubully. Pero takot ang iilang estudyante sa kanya. Nakakatakot an...