"Hi sexy!" bati ni Kevin sa isang babaeng napadaan samin. Nagwink yung babae. "Hi handsome." Sagot nito. Nag apiran naman kami at napa "Ow!" Masaya rin naman pala dito,Hahaha! Lalake parin naman kase ako. Pero siempre kung maghahanap ako ng girlfriend ayoko ng mga ganitong klase ng babae.
Maraming mga call-girl dito,kaya pala gusting gusto ng mga mokong na to ang tumambay dito. Lumapit samin ang babae. "Highschool palang ba kayo?" tanong niya at malagkit na tumingin samin. "Ah,hindi. Hindi college na kami!" pagsisinungaling ni Michael. Umoo naman kaming lahat. Kami lang ata ang mga bata ditto. Halos lahat mga propesyonal o college. Nakakahiya naman kung sasabihin naming Highschool palang kami. Kase,alam mo na? Baka di kami patulan.
"Oo,college na kami. Ganito lang talaga ang uniform namin." Palusot uli ni Ash. Tumatango lang ako. Napalip bite yung sexing babae sa harap namin at hinawakan ang hita ni Kevin. Napalunok naman siya ng laway nang ilapit nito ang kanyang mukha kay Kevin. "Talaga ba?" mapang akit niyang tanong. "uh- o-oo" sagot ni Kevin. Kahit kami ay nakaramdam ng kaba dahil sa sexing babaeng kaharap namin. Naka bawi na sa kaba si Kevin pero kami hindi pa. Pinapanuod lang namin sila. "Alam mo ba miss,ang ganda- ganda mo." Sabi ni Kevin at inayos nito ang buhok ng babae. Napangiti siya. "At ang ganda pa ng katawan mo." Dagdag ni Kevin. Naglip bite uli ang babae. Powteks! Naramdaman kong tumayo si Jr. "Ikaw talaga.Alam ko naman e." sagot nito at mahinang hinampas ang balikat ni Kevin. "Totoo yun,lalo na ang malulusog mong.....mata." sabi ni Kevin sa mapang akit ding boses. "Ang ganad pala ng mga mata mo. Kulay.....pink." "Huh? E bra ko yun e." sagot ng babae sa pabebeng boses. "Ay ganun ba? Hehe. Pero pramis ang ganda mo talaga miss. At alam mo ba mas gaganda ka kung paliligayahin mo ako." Sabi ni Kevin at nilapit pa ang mukha sa babae. Nagtinginan lang kaming tatlo. Hanep talaga tong si Kevin. Ang tinik sa babae. Hinawakan siya ng babae sa magkabilang balikat. Ayos,parang konting pick up lines nalang mabibingwit na ni Kevin 'to! "San ka nga pala nag- aaral pogi?" tanong niya kay Kevin. "Sa Don Antonio Almirante National HighSchool. Bakit?" sagot ni Kevin. "Kase,gusto kong tawagan ang nanay mo at sabihing nandito ka! Umalis nga kayo dito. Bawal ang highschool dito." Sigaw samin ng babae at tinulak si Kevin.
"Gago ka kase!" sabi ko at sabay sabay naming binatukan si Kevin. Naglalakad kami ngayon at mukha kaming mga 'di naka-score. Malapit na sana e! Ayun na e! Aish! Nagkakamot naman sa ulo si Kevin at nakayuko. "Sorry na mga pre. Nadala ako e." pagpapaliwanag niya. "Konting pick up lines nalang pre,mabibingwit mo na yun! Ang hina mo talaga!"sabi ni Michael at binatukan nanaman siya. "Tumayo na pre e. Alam mo yun!" dagdag niya. "Yung ano pre?" natatawang tanong ni Ash. "Yung ano pre. Hahaha!" sabi ni Michael at tumawa. Mga ogag talaga. "Tang*na niyo ! Pati ako dinamay niyo pa." sabi ko at nilagay ang mga kamay sa bulsa. "Pero masaya naman diba?" tanong ni Kevin. "Anong masaya dun?" tanong ko. "Ito namang si Josh. Kung alam ko nag standing ovation din yang si little soldier mo." sabi niya nginitian ako ng nakakaloko. "Tang*na mo!" Binatukan ko siya. Bakit ko pa ba naging kaibigan ang mga to?
"At dahil di tayo naka-score,ililibre mo kami sa Mang Domengs!" sabi ni MIchael kay Kevin. "Good Idea." sabi ni Ash. "A-Ano?!" sigaw ni Kevin. Binatukan ko na naman siya.
----------------------------
"MA! NANDITO NA PO AKO!" sigaw ko. Palagi ko talaga itong ginagawa tuwing uuwi ako ng bahay. Naglakad na ako patungo sa kwarto ko. Pagod ako at busog rin. Naubos lang naman namin ang pera ni Kevin. Bahala siya jan. Sabi niya ubos na raw allowance niya,patay na naman yun sa mama niya. RK naman yun e,hayaan mo na.
"Little brother!" sigaw ng isang boses sa likuran ko at hinampas ako sa balikat. "Ano na naman Jeric?" naiirita kong sabi. "Kamusta ang School?" tanong niya at inakbayan ako. "Ganun parin,may classroom at blackboard."
"Walang chairs?" "Meron." "White board pens?" "Meron,pake mo ba?" pasigaw kong tanong. "E chicks?" tanong niya ulit. "Wala,di naman poultry farm yun e." Pumasok na ako sa kwarto ko pero sumunod parin siya. "Ikaw talaga Josh walang taste sa babae." umupo siya sa kama. "Bakla ka ba?" tanong niya at pinaglaruan ang tablet ko sa aking mesa. "Gago!" sabi ko at tinapon ang polo kong kakahubad ko lang. "Hindi ba pwedeng 'di ko lang talaga trip manloko ng babae tulad mo?" Ngumiti naman siya sakin. "Don't me,brother! Ayaw mo nun,iiyakan ka ng babae? Tapos magkakandarapa sila sayo? Collect and select lang ba." sabi niya at humiga na sa kama. "Masama ang karma." sabi ko at nag suot na ng t-shirt. "Pake ko,atleast natikman ko naman ang langit." sabi niya at ngumisi. Napailing lang ako. Kahit kailan talaga ay fuckboy tong kuya ko. Pogi e,pero siempre mas pogi ako. Nakaka ilang girlfriend na ba to? Ewan,di mabilang. Ako ang naaawa sa mga babaeng nabibiktima niya. Hays.
Biglang bumukas ng napakalakas ang pinto. Napatayo sa gulat si Kuya Jeric. "HOY VICENTE! SAAN KA GALING?!" sigaw ni mama sakin. "Ha?" yun lang ang nasabi ko. "Sabi sakin ni Venice naglakwatsa ka pa!" sigaw niya ulit. Kahit kailan talaga ay napa chismosa ng batang to. "Ma.." ano bang pwede kong alibi? Napatingin kami kay kuya Jeric na dahan dahang naglalakad palabas ng kwarto,hinawakan siya ni mama sa kwelyo. "Mag uusap rin tayo."sabi sakanya ni mama. "Hehe." Nagkamot lang siya ng ulo. "I love you ma!" sabay naming sabi ni Kuya jeric at ngumiti ng pagkalaki-laki. "HIndi niyo ako madadaan diyan.Ikaw!" turo niya sakin. "Saan ka nagpunta?" tanong niya. "Ahh..ma,may classmate kase ako...na....naglinis ng garden namin kanina kase inutusan kami ni Sir. Dalawa lang kase kaming intusan. Ganun." Wow! Saan ko nakuha yun? Bahala na. "Sino?" pag-aasure niya. "Classmate ko." Kaninong pangalan ba ang pwede kong sabihin? "Sino nga?" "Si Naomi."Luh? Bakit siya pa? Wala na,kailangan ko na 'tong panagutan. "Yung,classmate mong mukhang multo?"biglang sulpot ni Venice. Pinaikutan ko siya ng mata. "Oo,baket?" galit kong tanong. Sarap i stapler ng bibig nito. Napakadaldal. "Uy,crush mo yun kuya?" pang-aasar niya. "Pwede ba! Umalis ka nga dito!" sigaw ko sa kanya at tinaboy.Nagpout siya,di ko na pinansin. Tumingin ako kay mama,mukha namang na satisfy ko siya sa sagot ko. Lumabas na siya ng kwarto. Naka hinga na ako ng maluwag.
"Sino yang Naomi,Josh?"tanong sakin ni Jeric. "Classmate ko." Hwag siya Jeric! "Maganda ba yan?" tanong niya. "Hindi. Mukhang multo yun." sagot ko. "Interesting." sabi niya. Kahit sino nalang basta babae. Hays! "JERIC!" sigaw ni mama sa baba. Tumakbo na siya agad palabas ng kwarto ko. "Ipakilala mo naman ako." "ayoko!" sigaw ko.
Nahiga na ako sa kama. Napatingin ako sa kisame. Bakit ba naisip ko ang babaeng multong yun? Pero hayaan mo na nga. Nasabi ko na e,tsaka na okay na kay mama.
Ay,naalala ko! Niyaya ko nga pala siya na lumabas sa Saturday. "Ano bayan Josh?" pinukpok ko ang ulo ko. Ano bang nakain ko at natanong ko yon? Hays. bahala na. Sana hwag niya akong multuhi
BINABASA MO ANG
She's a Mystery.
Teen FictionHindi siya yung tipikal na madaldal at childish na babae sa School. Wala siyang kaibigan. Hindi naman siya nerd. Wala siyang braces o malalaking salamin. Hindi siya yung bully or binubully. Pero takot ang iilang estudyante sa kanya. Nakakatakot an...