Nakayuko lang akong pumasok sa classroom at tawanan parin ang mga loko loko kong kasama sakin. Bakit ba ako kinakabahan pag malapit sakin ang babaeng yun? Hindi naman siguro ako in-love diba? yucks! Nakakabakla isipin.
Hinawakan ako ni kevin sa balikat. Nilingon ko siya. "okay lang yan pre. Bagay naman kayo e." At nag umpisa nanaman siyang tumawa. "Isa pa Kevin ha? Mamamaga talaga sakin yang panga mo!" Pikon na pikon na talaga ako. Ayaw talaga nilang tumigil kaka asar sakin. Tinaas niya ang dalawang kamay niya. "whoa! Joke lang pre. Ito naman." At inakbayan ako pero inalis ko yun. Naglakad ako deretso sa upuan kong mag kasalubong ang kilay.
Lumapit sila sakin. Umupo sa tabi ko si Kevin. Sa harap naman si Michael at Ash. "Mamaya,tambay tayo dun sa backgate. Madaming chicks dun." sabi ni Michael. Nagtinginan naman kami. "Ano? Tara?" aya niya. Nag si tanguan silang lahat. Umismid lang ako.Babae na naman. Hayst!"Ayaw mo Josh?" tanong sakin ni Kevin. "Ihahatid ko pa ang kapatid ko."rason ko. "Edi,pagkatapos mong ihatid punta ka dun. Hihintayin ka namin." suggestion ni Kevin. Napailing ako. "Ayoko. Makulit yun baka isumbong pa ako kay mama." Napatingin ako sa gawi ni Naomi. Nakayuko lang siyang nagsusulat sa notebook niya. Walang ni isang gustong tabihan o kausapin man lang siya. Kawawa naman.
"Josh naman, bago ka palang dito. Dapat maranasan mo 'to. Lahat kaya ng lalake dito sa school ginagawa yan." Pangungulit ni Kevin. "Ayoko nga." Pagtutol ko. Hindi ako bakla ha,pero ayoko lang talagang tumambay dun at magmukhang tanga kakasipol sa mga pabebeng babae. Kung hindi man pabebe,easy-to-get. Ayoko ng mga ganun. Pero hindi naman ako magsisinungaling ha? Nagawa ko na yan dati. Maraming beses na. Kasama ko ang kuya ko,at tbh hindi ko talaga trip yung mga ganun. Yung kuya ko naman putcha tumayo daw si JR. niya. Hahaha! Hayup.
"Sige na pre. Once,in a lifetime lang to." sabi ni Michael. "Anong once in a lifetime? Kung alam ko lang palagi niyo yang ginagawa nung di pa ako nag transfer dito." sagot ko. "Exactly!" Binatukan ko siya. "Gagu!" "Pumayag ka na kase Josh." sabi ni Ash. Napakamot ako sa ulo kahit wala naman akong kuto. "Ewan." "'pag di ka pumayag.Isisigaw ko sa buong school na nililigawan mo si Naomi."Pang bablackmail ni Kevin. "ANO?!" Napatayo ako sa narinig ko. Nag smirk siya sakin. "Kaya kong gawin yun." Anak ng! Walang hiyang kevin to. Binlack mail pa talaga ako para sumama sa kanila. "Gagu Kevin. Yan ang hwag na hwag mong gagawin,papatayin talaga kita." pagbabanta ko. "Ano? Samama ka na?" tanong niya ulit. Wala na akong choice kaya napa-oo ako. Nagsitalunan naman silang tatlo. "Yes! Whoo!"
"Good Job,Kev."
"Hindi mo pagsisisihan ang desisyon mo Josh."
"Pag ako talaga nahuli ng kapatid ko. Patay kayo sakin." pagbabanta ko. "Yes Boss. Yes Boss." sabi ni kevin at niyakap ako. "Huy! Bading ka ba?" tinulak ko siya. "Ay sorry,pakiss naman fafa." sabi niya at umacting na parang bakla. "Di pwede bes,hotdog rin ang hanap ko."sagot ko at sinakyan ang trip niya. "Omaygosh! Bet pa namern kita. Enebe yan. Sayang ang beauty ko."
"Pak Ganern!" sigaw ko at pabebeng hinampas ang pwet niya. Pinagtawanan naman kami ng iba naming mga kaklase. Especially ang mga babae,pero siempre except sa kanya. Ni hindi nga siya tumingin samin e.
----------------------------
"Ikaw nalang umuwi mag isa. May group project pa kami." sabi ko kay Venice na kapatid ko. "Huh? pero kuyaa." sabi niya na nagpapa awa. Alam ko namang kaya na niya e. Gusto niya lang talagang may kakulitan. "tinext ko na si Kuya Jeric. Hintayin mo nalang siya sa gate." sagot ko at umalis na. Hinawakan niya ang braso ko. "Ano na naman?"iritado kong tanong. Kailangan kong bilisan kase kanina pa ako hinihintay nila Kevin. Binigyan lang naman nila ako ng 15 minutes para kausapin ang kapatid ko. "Bato-bato-pik!" "Anong bato-bato-pik? Kailangan na ako ng mga ka groupmates ko." "One time lang please." Umandar nanaman ang pagka childish niya. Pinayagan ko nalang siya. Naglaro kami ng bato-bato-pik. At gunting ako,papel siya. Tinawanan ko siya. "Loser-" Pagkatapos kong banggitin iyon ay bigla nalang niya akong sinuntok sa panga at tumakbo. "HOY VENICE!" sigaw ko. Nilingon niya lang ako at nilibasan ng dila. "Lagot ka sakin mamaya sa bahay." "Lagot ka rin kay Mama sa bahay! Isusumbong kita." sigaw niya pabalik. "Hwag mo akong gawing tanga Kuya,walang gumagawa ng project tuwing first month of classes. June palang remember?" at tuluyan na siyang tumakbo.
Luh? bat di ko yun naisip? Sino ba naman talaga ang gagawa ng project e June palang ngayon? Dapat pala assignment nalang ang sinabi ko. Lagot ako kay mama.
Nag vibrate ang cellphone ko. 'Pre,wer na u?' text sakin ni Kevin. Di ko na siya nireplayan. Naglakad na ako patungong classroom. Kukunin ko muna ang bag ko. Hinihimas ko ang panga ko. Putcha! Ansakit talaga ng suntok ni Venice. Lagot talaga yan sakin mamaya.
Pumasok na ako sa classroom. Nakita ko si Naomi na nag eerase ng mga writings sa board. Tahimik lang akong naglalakad patungo sa bag ko. Kahit ang pag tapak ng sapatos ko sa sahig ay mahina lang. Nasa harapan kase ako naka upo kaya nandun rin ang bag ko. Malapit lang sa kinatatayuan niya.
Dahan-dahan kong kinuha ang bag ko. At nang makuha ko na ay dali dali akong lumabas ng room.
"Josh Vincent.." dinig kong sabi niya noong nasa pintuan na ako. Nilingon ko siya at laking gulat ko ng nasa harap ko na pala siya. Tumayo halos lahat ng balahibo ko sa leeg. Pinakita niya sakin ang hawak niyang ballpen. "Sa'yo ba to?" malumanay niyang tanong. "H-ha? Ah-ah..O-oo." Hinablot ko agad ang ballpen sa kamay niya. Nakaramdam ako ng kakaiba noong maglapat ang mga palad namin kahit isang segundo lamang. Sinubukan kong ngitian siya,kahit sobra na ang takot ko. Naka titig lang siya sakin. "Uh..H-hin-di k-ka pa b-ba uhm.. u-uuwi?" nauutal kong tanong. Umiling lang siya. "A-aahh.." sabi ko at nagkamot sa batok. "Si-sige..Na-Na-Na-omi." nahihirapan talaga akong banggitin ang pangalan niya. Naglakad na ako palabas.
May kung anong pumasok sa isipan ko at bigla akong tumakbo pabalik ng room. "Naomi,pwede ka sa Sabado?" tanong ko. Lumingon naman siya. "huh?" "Gusto ko sanang pumasyal kasama ka. Bago lang kase ako dito." sagot ko at ngumiti. This time hindi na peke. "Ah..susubukan ko." malumanay parin ang boses niya. "Sige! Salamat!" at tuluyan na talagang naglakad paalis. Nakangiti ako habang iniisip na makakagala kasama si Naomi. Teka-ANO?! Literal akong napasigaw. "Anong ginawa ko?!" tanong ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
She's a Mystery.
Teen FictionHindi siya yung tipikal na madaldal at childish na babae sa School. Wala siyang kaibigan. Hindi naman siya nerd. Wala siyang braces o malalaking salamin. Hindi siya yung bully or binubully. Pero takot ang iilang estudyante sa kanya. Nakakatakot an...