Chapter 6

8 0 0
                                    

Biernes ngayon. Ibig sabihin,bukas na yun. Kaya ko ba? Noong mga nakaraang araw ay di ko naman pinapansin si Naomi. Parang di naman niya ginawang big deal yun. Hwag ko na ngalang isipin yun. 

Nag lalakad ako ngayon patungong gym ng school. Magbabasketball ako,pampakalma lang. Bakit ba ako kinakabahan sa babaeng yun? Wala pa talaga akong babaeng nakikitang katulad niya. Iba talaga siya e.

Nag umpisa na akong mag-dribble ng bola at mag shoot. Alisin mo na siya sa isip mo Josh. "Wala lang to." iniling ko ang ulo ko at nag focus sa pagbabasketball. Pero kahit isa ay di ako maka shoot.  "Putcha!" bulalas ko. Padabog kong inihagis ang bola sa ring. Ayun na shoot! Mabilis kong hinabol ang bola at nag dribble,shoot uli. At this time, di na nashoot. Mabilis na tumalbog ang bola palabas ng gym. Hinabol ko yun. Nakita kong napunta ito sa babaeng nakaupo. Si Naomi. Hingang malalim- sabi ko sa sarili ko. Ilang segundo pa ay lumapit na ako sakanya. 

Pasimple kong kinuha ang bola. Nakayuko naman siya e at natatakpan ng buhok niya ang buhok niya. Gumalaw ang ulo niya at tumingala sakin na hawak ang bola. "hmm?"

"Hi!" ngumiti ako kahit medyo takot ako. "Hi." bati niya. Hindi talaga nag-iiba ang tono ng boses niya ganun parin. Malumanay. "Ah sige,matulog kana." sabi ko at kumaripas palayo sa kanya. Nakakatakot talaga ang boses niya. Creepy -sabi ng utak ko. Sinubukan kong ituon ang atensyon uli sa pagbabasketball. dribble. Tira. Dribble. Tira.dribble. Tira. Kahit di ma shoot sige lang. Hanggang sa mapagod ako at mauhaw. Pumunta ako sa bag ko at laking gulat ko dahil nakatayo si Naomi sa tabi ng bag ko. Nabitawan ko pa ang bolang hawak ko. Lumapit ako sakanya. Nakatingin siya sakin. Tumingin lang ako sa noo niya para di ako mailang. "Anong ginagawa mo dito?...Ay,I mean...may kailangan ka ba? hehe." Nautal nanaman ako. "Magtatanong lang kase ako tungkol sa sinabi mo." sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Diba niyaya mo akong lumabas sa Sabado?" Shit! Naalala niya. "Ha?.." Nagkamot ako ng ulo. "Ay oo nga pala no. Sorry ha? Nakalimutan ko kase e."pagsisinungaling ko. Ni minsan di yun nawala sa isip ko. "Magtatanong lang sana ako,kung matutuloy pa yun?" Mabuti naman at naisipan niyang tanongin ako. Nagkaroon tuloy ako ng rason para di ituloy yun. "Ah..ano kase Na-Na-Naomi e.." nauutal kong sabi. Hirap akong banggitin ang pangalan niya. May kung ano sa akin na takot ako sa kanya. Nangangatog na nga ang mga tuhod ko e. "May family reunion pala kami sa Saturday,so hwag nalang siguro. Okay lang ba?" tanong ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. "Talaga ba? Okay lang Josh,pero pagbabayaran mo ito. Hindi ako basta basta lang pinapaasa. Gusto ko may kabayaran! Sa susunod hwag kang magsasalita kung di mo rin pala gagawin! Isasama kita sa lugar na titirhan ko. Ang lugar ng mga di mapakali at humihingi ng hustisyang kaluluwa!" sigaw niya sakin. Ang mga mata niya ay nagging itim at ang mga mahahaba niyang buhok ay tumayo lahat. Sobrang puti niya,at halos kainin na niya ako. Pero siempre di yun totoo. "Ah,okay." Sabi niya at nag umpisa ng umalis. Pinanuod ko siyang naglalakad palayo sakin.

Naguilty naman ako,kaya hinabol ko siya at hinila ang braso. "Pero pwede ngayon." Ngumiti ako sakanya,yung totoo. Halata kong nabigla siya pero bumalik agad sa dati ang ekspresyon ng mukha niya. "Huh?" "Tara?" aya ko. Parang ang pangit kase e. Magmumukha akong paasa. Napatingin siya sa kamay kong naka hawak sa braso niya. Ang lambot pala ng balat niya. At sobrang flawless. Walang kahit anong kati-kati o sugat. Nakaramdam ako ng pagka- awkward kaya agad kong inalis ito. "Ay,sorry." Nagkamot ako sa batok. "Hinde,okay lang." sagot niya. Ngumiti lang ako sakanya. "Alis na tayo?" tanong ko. Naramdaman ko nanaman ang tension. Tumango lang siya.

Nag umpisa na kaming maglakad. Tahimik lang. Nakalagay ang mga kamay ko sa aking bulsa at mahinang sumisipol. Siya naman nakayuko lang at naglalakad katabi ko. Mga ilang inches din siguro ang layo namin. Paminsam minsan ay tumatakaw ako ng tingin sa kanya. Bakit kaya ganito siya? Ano bang totoong pagkatao niya? Napaka misteryoso naman ng babaeng to. Bakit kaya wala siya kaibigan sa school? Wala ring gusting kumausap sakanya. Tinanong ko na dati sila Kevin tungkol sa kanya pero,wala naman akong nakuhang impormasyon sa kanila. Puro katarantaduhan. Kesyo,multo raw siya.Walang kumakaibigan sa kanya kase baka ma possesed sila. Magkapatid raw sila ni Sadako. Minsan raw gumagapang to sa hallway. Mga ugok talaga.

Naka labas na kami ng Campus. Mabuti at medyo wala ng tao sa school. Umuwi na rin si Venice,magkasama sila ni Kuya Jeric. Yung tatlo naman,ayun may group project. 

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya. Nagulat naman ako kaya bigla ako natapilok. "Aray." hinawakan ko ang binti ko. "Sorry." Umupo siya sa harap ko at inilagay ang kamay niya sa kamay ko. "Okay ka lang?" tanong niya. Hinilot ko ang paa ko. "Ayos lang." kahit sobrang sakit na. "Sorry." sabi niya ulit. Tiningnan ko siya at nagtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko ay hinihigop niya ang pagkatao ko. Hindi ako makagalaw. Parang hipnotismo ang ginagawa niya sakin. 

"Arf! Arf!" Napatingin kami sa bandang kaliwa namin. Mga aso. Tatlo sila. At malalaki pa. "asdfghjk!" napamura ako. Patay ako nito 'pag hinabol nila kami. Masakit panaman ang paa ko. "Hindi tayo nila hahabulin kung hindi tayo tatakbo." sabi ko. Naramdaman kong kumapit siya sa braso ko. "natatakot ako." sabi niya. "Okay lang yan. Nandito ako." tumingin siya sakin. "Paano ang paa mo?" "Ayos lang ako." Sinubukan kong tumayo. Medyo masakit pa pero ayos na,di pareho kanina. "Arf Arf! Grrrr.." Lumapit samin ang isang aso,sumunod sa likod nito ang dalawa. Wala bang mga amo to? Dyusko,ayokong magka-rabies. Nakakapit lang sa braso ko si Naomi. Mahigpit ang pagkakakapit niya. Akala ko ba,multo to? Dapat matakot ang aso sakanya. Pwede niya naman sigurong takutin ang aso diba? Tapos tatakbo ang mga aso. "Arf!Arf!"  Lalong lumakas ang pagtahol nila samin.  "Easy boy,easy." sabi ko. Para di na kami tahulan. "Arf! Arf!" Pero wa epek. "Shoo!" Kumuha ako ng bato at tinapon sa kanila. 

Langya! Imbes na tumakbo palayo,tumakbo sila palapit samin. "Josh!" mahinang sigaw ni Naomi sakin. Hinila ko siya sa kamay at tumakbo na parang walang bukas. Linteks na mga aso yan. "arf! Arf!" Hila-hila ko si Naomi at tumatakbo kami. 

May nakita akong isang matandang lalakeng may hawak na malaking kahoy. "Hijo,Dali!" Tawag niya kaya,tumakbo kami patungo doon. Pag pasok namin sa gate niya ay lumabas siya at hinarap ang mga aso. "Mga salbaheng aso to! Halis! Halis!" Pinaghahampas niya ang mga aso. Umiyak ang mga yun at tumakbo na palayo. 

Hingal na hingal kami nang lumapit siya samin. "Pasensya na kayo ha? Wala kaseng may-ari ng mga asong yun e. Ayos lang ba kayo?" tanong niya. Tumango lang ako dahil hinihingal pa ako. "Hija?" tanong ng matanda kay Naomi. Nakahawak ito sa dibdib niya. Hingal rin tulad ko. "Ako nga pala,si Dario. Lolo Dario." ngumiti siya sakin. "Salamat po lolo Dario."sabi ko.  Medyo okay na ako. Napatingin ako kay Naomi. "Okay ka lang?" tanong ko. Tumango lang siya. "Saan ba kayo pupunta?" Tanong ni lo Dario. "Sa ano po..." Saan nga ba? Naalala ko tinanong din ako kanina ni Naomi kung saan kami pupunta. Sa totoo lang,hindi ko alam. "Mag-g-group study po." palusot ko. Napatingin sakin si Naomi. Nag-wink lang ako sa kanya. Hindi ko nga alam bakit ko ginawa yun e,pero tahimik lang siya. "Ahh..sige,baka nagmamadali kayo. Kung may kailangan kayo pwede niyo akong puntahan dito. O di kaya baka habulin na naman kayo ng mga asong yun." sabi ni lolo Dario at tinapik ang balikat ko. Ngumiti siya kay Naomi pero napalitan agad ng ngiwi. "ah..eh..sige Hija." sabi niya at naglakad na papaunta sa bahay niya. "Salamat po uli lo." sabi ko. "Tutuloy na po kami." nag wave ako sa matanda. Tumango lang siya. "Mag-ingat kayo."

Naglakad na kami palabas ng gate ng makarinig ako ng maliit na tunog. Napatingin ako sa bandang kanan ko sa paanan. "Putcha!" bulalas ko. Yung polo na sabit sa isang alambre at napunit. Dahan-dahan kong inalis yun pero lalong lumaki ang punit. "Aish! Anong kamalasan." Naiinis kong wika sa sarili. Bakit ngayon pa?

"Josh Vincent."Napatingin ako kay Naomi. Nakalimutan ko,kasama ko nga pala siya. Mabuti nalang at naalis ko na ang damit ko pero halata talaga ang punit. Anong gagawin ko dito? "Sorry." sabi niya. "Ha? Bakit?" "Kase,dahil sakin nangyari to."sabi niya at yumuko. "ANo? Wala kang kasalanan. Ginusto ko naman to e."  sagot ko. Nakayuko lang siya. "Saan mo gusto kumain?" iniba ko ang topic. "Huh?"Napaingin siya sakin. Ngumiti ako. "Treat ko."

"Uuwi na ako." sabi niya at naglakad. Ha? "Teka,Naomi!" sigaw ko. Tumingin siya sakin. "Saan ka pupunta?" tanong ko. "Uuwi na ako Josh."sabi niya at naglakad uli. "Uy,bakit?" Hinabol ko siya. Mabilis ko naman siya nahabol dahil mas matangkad ako sa kanya. Magkasabay na kami ngayon maglakad. "Hwag na nating ituloy to. Uuwi nalang ako." sabi niya. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila. Pangalawang beses sa isang araw ko na siyang naka eye- to -eye contact,pero ngayon wala ng tensyon. "Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko. "H-hindi ganun."sabi niya "..hindi lang talaga ako sanay." dagdag niya. "Pwes,masanay kana."Ngumiti ako sakanya at hinila siya papunta    


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's a Mystery.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon