Chapter 2

15 0 0
                                    


So eto na nga,nag umpisa na sila sa pag i-introduce yourself blah blah blah. Hindi ko na masyadong pinagtuonan ng atensyon iyon. Ang hinihintay ko ay siya. Gusto kong malaman ang pangalan niya. Ewan ko,pero parang may kakaiba talaga akong nararamdaman sa kanya. Parang gusto kong kilalanin siya at kaibiganin. Wierd? ang sabi ng subconsious ko. 

Since siya ng nasa huli ang siya ang huling magpapakilala. Ayun,tatlong estudyante nalang at siya na.

Natapos ng magpakilala si Claire at siya na nga. Medyo kinabahan pa ako nung tumayo siya.  Akala ko ako lang nakaramdam nun pati pala ang teacher namin at iba ko pang kaklase. May iba kase talagang aura meron siya. Idagdag mo pa na kasing haba ng buhok ni Sadako ang buhok niya. At haba rin ang palda niya. Hindi kagaya nitong si Nadine na idol yata si Sailor Moon. 

"Hi..." Umalingaw-ngaw sa tenga ko ang unang salitang sinambit niya. Creepy! sabi ulit ng subconsious ko. Pinilit kong umayos. Ayokong ipahalata na natatakot ako. Medyo lang naman. Hahaha! 

"My name is Naomi Ilaria Santa Maria." at umupo na siya. So Naomi pala ang pangalan niya. Ano nga yung second name niya? Lara? Layra? Ayra? Malaria? Hahaha. Ewan ko. Basta siya si Naomi. Ang cute naman ng pangalan niya. Parang di bagay sa kanya. haha! Totoo naman e. Nakakatakot siya tapos ang cute cute ng pangalan niya. Stop it Josh! ANG JUDGEMENTAL MO! okay fine.

"uhh..so..since tapos na ang lahat let's move to the election of our Home Room Officers. Anyone?" sabi ni ma'am. Ako lang ba nakapansin pero medyo na uutal siya. 

Nag umpisa na ang election pero lumilipad ang utak ko. Wala akong balak makininig. At nabibwisit ako sa katabi ko. Ang breezy e. Tss. Babae pa naman. Ayoko nalang pansinin. Naomi. Naomi.Naomi. Aist! Pinilit kong alisin siya sa utak ko. May kung anong humahatak ng ulo ko na tingnan siya sa likuran,kaso natatakot ako. Baka pag lumingon ako ay makita ko siyang nakatingin sakin ng masama na parang gusto niya akong kainin. Tapos ngingiti siya sakin na sooobrang nakakatakot at may hawak siyang kutsilyo sa kanang kamay niya at gagayahin niya si Chukie na iu-up down up down ito. Tapos tatayo siya at lalapit sakin ng dahan dahan. "I nominate Josh as the escort!" Napatalon ako bigla nung narinig ko ang pangalan ko. Mabuti nalang hindi ako napasigaw. Baka isipin nilang bakla ako. Nabalik na ako sa realidad. "Ha? Ano yun?" tanong ko pero walang sumagot sakin. "And Nadine as the muse. Ayyiiiee!" sabi ng isa kong classmate na babae. "Uy ano ba kayo! Nakakahiya kay Josh." sabi ni Nadine na halata mo namang gustong gusto ako. Hindi sa nagmamayabang ha? "Ano Josh,okay lang ba sayo na ikaw ang escort ko?" tanong niya sakin. "Ha? ahh..di ko alam...ahh..okay lang." Hindi! Ayoko sayo. "Talaga?!" tanong niya ulit. Tumango nalang ako. Napuno ang classroom ng mga katyawan nila. Napayuko nalang ako at hinaplos ang batok ko. Pa kunwari akong na sumasakit ang likod ng leeg ko at sumulyap sa kanya sa likod. Nakayuko lang siya at natatakpan ng buhok niya ang kanyang mukha. 

RECESS

Binisita ko muna ang kapatid ko sa classroom niya. Pero imbes na magkwento siya ng first day niya e pina alis niya ako agad at sinabihan na "Mamaya mo na ako puntahan. 'pag uwian na. Sige na! Shoo" Sasagot pa sana ako kaso umalis na siya kaya umalis na din ako. Ewan ko sa batang yun. Bumili lang ako ng sandwich at softdrinks sa canteen at dumiretso na sa classroom. Masyadong crowded dun. May mga nangyaya sakin na doon na umupo sa kanila pero umayaw ako. Madaming tao e at alam ko babantayan lang nila ang galaw ko dun. 

Mabuti nalang at walang tao nung pumasok ako. Ay mali! meron pala. Naupo  lang siya at ganun parin ang pwesto niya nung ninakawan ko siya ng tingin kanina. Umpo na ako sa upuan ko. Sinubukan ko siyang  balewalain kahit may nagsasabi sakin na lapitan ko siya. 1 minute....2minutes....2 minutes and 37 seconds...2 minutes and 48 seconds...putcha! Tumayo na ako at lumapit sakanya. 

Papalapit ng papalapit. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Nasa harap na niya ako pero hindi parin siya gumagalaw. "Uhmm..Hi?" sabi ko. Hindi siya umimik. Nakita ko ang sandwich na hawak ko. Hindi ko pa to na gagalaw. Inilahad ko yun sa kanya. "Gusto mo? Masarap to? Tag 25 lang to sa Canteen e. Hehe!" sabi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kinakabahan talaga ako. 

Biglang gumalaw ang katawan niya. Hinawi niya ang kanyang buhok sa mukha gamit ang kaliwang kamay niya. Nakita ko na ng buo ang mukha niya. Ang puti niya grabe! Parang nilublob sa Harina. Walang duda kamag anak nga niya sa Sadako. Hahaha! Tumingin siya sa sandwich,tapos saken. Tumindig ang balahibo ko nung magtama ang mga mata namin. Kinuha niya ang sandwich sa kamay ko. "Thank you." sabi niya. Ang hina ng boses niya. Ang lamig sobrang lamig ng boses. 

Nabalik lang ako sa realidad nung tumunog ang bell. Dali dali akong pumunta sa upuan ko at hindi na nag paalam pa sakanya. "Ah sige. Kaini mo yan. Masarap yan. Sige yo-our Welome." sabi ko sa kanya ng mabilisan at hindi lumilingon sa kanya. Inubos ko ang softdrinks ko para mawala ang aking kaba pero walang epekto. Hindi ko na siya narinig. Sobrang tahimik namin. HIndi kami nagpapansinan. Nangangatog ang mga paa ko. At ayokong tumingin sakanya. Naisip kong bumili ng sandwich uli sa Canteen kase hindi ko naman nakain ang binili ko. Bakit ko pa kase naisipan na ibigay yun sakanya? Tapos bad timing pa,tapos na pala ang recess. Nag sibalikan na ang mga classmate ko dito sa classroom. aish! Nagugutom pa ako! sabi ko sa sarili ko. 

Sa huling pagkakataon,tumingin ako sa kanya. Nakayuko na naman siya at natatabunan ng buhok ang mukha niya. Kinain niya kaya yun? 

Can someone just tell me kung ano ang masasabi niyo sa story na to? Should I delete this nalang ba?


She's a Mystery.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon