CHAPTER 1: PASSPORT TO HELL

46 2 0
                                    


James Point of view

2 hours, dalawang oras na akong naghihintay! Naghihintay mag umuga! Kanina pa ako umiikot sa kama ko,bumabaliktad at gumugulong. Alas tres ako nagising siguro sa sobrang exited pumasok. Wala akong magawa kung hindi maghintay. Di naman ako pwedeng bumaba at magluto dahil una sa lahat hindi ako marunong magluto. Parang kahapon lang. parang kahapon lang nung asa grade 1 palang ako ngayon ay uumpisahan ko nanaman ang panibagong yugto sa buhay ko. Bagong mga kaibigan, bagong teachers at bagong eskwelahan.

Ako nga pala si James Lozano. First year high school na ako ngayong araw. Marami rin ang kumukuha na ibang skwelahan sa akin. Tama! Sila ang kumukuha sa akin dahil sa I.Q. ko. Kilala kasi ako na naki cocompete internationally at nationally.

Nagulat ako nang nagring yung alarm clock ko na asa table katabi lang nang kama ko. Kinuha ko ang eyeglasses ko at sinuot. Dumiretsyo ako nang banyo. Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin humarap muna ako sa salamin inayos ang kwelyo ko nang polo ko at saka bumaba ng bahay.

Binobotones ko yung polo ko habang bumababa ako nang hagdan. Nakita ko aang logo nang Lewis Ville university sa bulsa nang polo ko na asa kaliwang nang dibdib ko ang schoolkung saan ako papasok na school. Napangiti nanaman ako. Bihira lang kasi ang nakakapasok doon. Hindi lang dapat talino ang meron ka kung hindi pati ang pera. Kasi doon kahit matlino ka kung wala kang pera ay hindi ka makakapasok.

Dumiretsyo ako nang kusina at nakita ko na walang tao na nagluluto. Pumunta ako nang kwarto niya ngunit tanging kama niya nalang na maayos ang naabutan ko. Pumunta ako sa garden baka sakaling nanduon siya nakaupo at nagkakape ngunit nabigo nanaman ako, bumalik ako sa kusina at nilibot ko ang mata ko at napansin ko ang note na asa reffrigitaor namin. At di nga ako nagkamali note ito galing kay mama.

Nak umalis na ako haa! May kailangan akong tapusin sa upisina ehh! Naluto ko na yung umagahan mo! Natakpan langdun sa table. Goodluck sa firstday of class mo! Babawi ako sayo next time promise! Love you!

Pinunit ko yung papel at shonoot sa basurahan sa lababo namin! Lagi naman siyang ganito ehh, lagi niyang sinasabi na babawi siya! Pero wala! Lagi siyang subsob sa trabaho! Mula kasi nuong iniwan kami nang walang kwenta kong ama ay si mama na ang nagtrabo sa amin! Siya lang ang kumakayod para mataguyod ako. Kinder palang ako umalis na siya kasama nung babae niya. Wala siyang kwenta!

Kinain ko na yung hotdog at itlog na niluto ni mama. Medyo lumamig na pero ayos lang pagkatapos non at lumabas na ako nang bahay at sumukay nang motor ko saka nagdrive papuntang school.

Pagdating ko sa Lewis Ville University ay marami na akong estudyanteng pumapasok! Dinaan ko yung motor ko sa isang nakahiwalay na gate papasok nang school na para sa mga sasakakyan. Pinark ko yung motor ko at saka bumaba naglalakad na ako papuntang grounds dahil baka may mapagtanungan na ako duon kong saan pupunta ang mga freshmen na kagaya ko, naglalakad ako nang mapansin ko ang babae na lalaki na naghahalikan sa pagitan nang dalawang kotsye nan aka park. Halatang freshmen palang abg babae dahil wala pa rin siyang i.d. tulad ko. Napangisi nalang ako. "hindi pa nakuntento nung bakasyon! Ang haba haba nang oras nila nun tas ngayong pasukan hahabol pa nang halikan? Ibang klase!" di ko nalang pinansin yun tuloy tuloy akong naglakad papuntang grounds

Pagdating ko dun ay napakaraming tao . siguro mga freshmen din sila tulad ko nilinot ko ang paningi ko at wala akong makitang pwedeng pagtanungan lumaoit ako sa isang babae na nakatayo lang sa gilid nang grounds tinanong ko siya ngunit inisnoban niya lang ako at lumayo!

"Wow! Firrstday of classes may period siya? Kawawa ka naman ate! Ipag ro-rosary nalang kita." Bulong ko sa sarili ko at napangiti naman ako.

Nilibot ko ulit ang mata ko at saktong may nakita akong mga tao na nagaabot nang fliers na pang freshmen. Mga taga student council ata ang mga yon. Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang pin nila na logo nang student council na nakalagay sa kaliwang dibdib nila.

"hi! Are you a freshmen?" bati sa akin nung isang babae. Maganda siya! Aka eyeglasses din tulad ko at medyo chubby. Buti pa siya walang period. Isip ko

"uhhm. Yes" sabi ko naman sa kanya na ngumiti nang bahagya

"welcome to Lewis Ville University! Jehanna dela cruz! Student council secretary" sabi niya tapos nilahad niya ang kamay niya sa harap ko na kinuha ko naman at nakipag kamayan.

"so eto yung flier mo! Nandyadyaan yung mapa papuntang registrar! At sa likod naman niyan yung form mo!" tiningan ko yung likod nung flier at nakita ko yung maliit na papel tapos nakalagay dun yung

Name:

Section:

Address:

Age:

Birthday:

Cellphone Number:

"so pagdating mo dun ibigay mo yan sa staff na nan doon para ma track yung i.d mo! ii-scan nila yung i.d. tapos yung thumb finger mo para yun na yung magsisilbing bio-metrix mo And then ibibigay na nila yun sayo kasama nung handbook at class schedule mo. pagpunta mong classroom mo iiscan mo yung id mo tapos yung thumb finger mo tapos pag nag match mag oopen yung door. Kaya di ka pwede makakapasok sa isang classroom kung di kanaman dun naka assighn at pag naiwan mo yund id mo sa bahay kailangan mo yun balikan kasi dika makakapasok sa room mo." pagtatapos niya.

"gets ko na" sabi ko sabay ngumiti "salamat"

"welcome! Have a nice day!" sabi naman niya at ngumiti din. naglakad na ako papuntang registrar pagpunta ko doon ay pumila ako katulad nang ibang freshmen. Diko namalayaan na ako na pala ang susunod, pagkatapos nung asa harap ko ay agad kong binigay yung form ko, isang lalaki na sa tansya ko ay nasa middle age. Puti ang bohok at may maliking itim na asa baba nang mata niya. Tiningnan niya yung papel at saka tumgin sa akin.

Binalik niya yung tingin sa papel at saka ngumisi nang nakakakilabot! Na para bang may binabalak siya o may tinatago. Di ko nalang pinansin yoon, pagkatapos ay in-scan yung i.d at thumb ko na katulad nung sabi nung babae kanina. Pagkatapos nang ilang sandali ay nagsalita siya,

"mr. Lozano, 7-diamond" lumapit naman ako nang kaunti pa sa butas na pinagaabutan "here's your passport" sabi niya atsaka niya inabot niysa akin yung i.d,handbook at class schedule ko. Nagtaka naman ako sa siani niyang passport dahil i.d.,handbook at schedule lang naman nang klase niya. Tumingin ako sa kanya na para bang nagtatanong kung anong passport.

Pero kinagulat ko kung anong sund niyang sinabi. Tumaasan nang kaunti ang balahibo ko sa kamay at batok

"Your passport to hell" tapos ngumisi nanaman siya nag nakakakilabot.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

This is my first horror mystery guys! I want to know what you think. Comment your opinion in the first chapter!

Hugs and grilled potatoes 

Baymes (a.k.a. James)

The Secret of Lewis Ville AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon