Angie's Point of view
Hindi ko na kaya! Masyado nang masakit. Alam ko na pag pumasok ako dito ay marami ang mang aapi sa akin! Nag bakasakali nalang ako. Humiling na sana ay kahit papano ay magkaroon ako nang kaibigan! Pero sadyang galit sa akin ang tadhana! Unang araw palang ay napagtripan na ako!
Nung tumigil ang pag tugtog nang cellphone ko na nabili ko lang nang tigi isang libo sa kapit bahay ko ay narinig ko na ang mga sinabi nila sa akin! Ang sakit sobrang sakit! Kahit pala anong gawin mo na pagaayos at pag ngiti kung ayaw nila sa iyo ay ayaw talaga nila sayo.
Narinig ko lahat, lahat lahat nang sinabi nila sa akin! Napatingin ako sa katabi ko at parang hindi siya naaapektuhan. Ngunit ako hindi ko na kaya! Masyado nang masakit!
Napatayo ako at naglakad na papuntang pintuan ngunit humarang sa akin ang isang babae! Jewel... jewel ang pangalan niya! Tinulak niya ako na nagging dahilan nag pagka subsob ko sa malamig na sahig! Agad kong sinubukan tumayo pero sadyang masakit ang pag kakaupo ko! ang dami nilang sinabi na masasakit sa akin! Napakasakit! Pero ang mas masakit ay ang katotohang tama lahat nang iyon!
Bata palang kasi ako nang iniwan ako nang walang kwenta kong mga magulang! Bata palang daw kasi si mama nang mabuntis siya ni papa! Hindi kayang panindigan ni papa si mama kaya tinakbuhan niya kami. Sa sobrang hirap daw nang buhay noon ay wala na daw maipakain sa akin si mama. Di pa kasi siya naka graduate nung nabuntis siya kaya napilitan siyang mag abroad. Iniwan niya ako kay lola, siya na ang nagging pangalawang ina ko, ang bait niya sa akin lagi niya akong inaalagaan. Kaya pina ngako ko sa kanya na lagi ko siyang papaakyatin nang stage para sabitan ako nang medal at hindi ko naman siya nabigo every year akong top 1 at nung graduation ko ay comlaude ako. nung mga unang buwan ay nagpapadala pa daw si mama nang pera para sa akin ngunit isang buwan ay bigla nalang daw ito tumigil, nawalan na daw sila nang contact kay mama.
Kala ko yon na ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay. Pero buti nalang nandiyan si lola para maipadama ang pagmamahal sa akin nang isang ina! Ngunit sadyang madamot ang ang tadhana! Maski si lola ay kinuha sa akin! Pag ka graduate ko ay namatay na rin si lola, hindi na siya nagising isang umaga! Hindi ko alam kong saan ako pupunta noon, siya nalang ang pamilya ko. di ko na alam kung saan ako pupulutin.
Buti nalang kinupkop ako nang tiyahin ko at pinatuloy ako sa kanila ngunit sobra din ang pagmaamalupit niya sa akin. Noong bakasyon ay lagi niya akong pinagtratrabaho sa bukid at katulong nang mga mayayaman naming kapitbahay dahil daw aang swerte ko naman daw kung tutuloy na ako sa kanila ay palamunin pa nila ako. Pero saan ba nila ako pinapatulog sa isang maliit na kwarto na pinagiimbakan nang mga karton na may lamang damit nila.
Pagkauwi ko sa trabaho ay ako pa ang maglilinis nang bahay at gagawin ang mga gawaing bahay samantalang sila nang mga walang kwenta kong pinsan ay maaghapon nanonood nang t.v! mga demonyo sila! Mga walang kaluluwa!
Dapat ay papatigilin na nila ako sa pagaaral dahil saying lang daw ang tuition ko! bobo lang din naman daw ako! Ngunit sinabi ko na mag eenrol ako at mag aaply nang scholarship at kahit papano ay naka pasa naman ako!
Bigla akong bumalik sa katauhan ko nang nagsalita nanaman si jewel. Nagsitawanan nanaman sila! Napa yuko nalang ako at naramdaman ko ang pagpatak nang luha ko sa sahig!
Pero bigla silang tumigil kaya napa lingon ako sa lalaking nakatayo! Lahat naman sila ay nakatingin din sa kanya! Halata ang pagka inis sa muka niya lalapit na dapat siya nang biglang nabingi kami sa isang tunog na naggagaling sa speaker na nakalagay sa isang sulok nang room namin! Napabaluktot ang katawan ko sa sakit napatakip nalang ako sa tenga ko! maski sila jewel,rio at cess ay napa luhod na rin sa sahig habang naka takip sa tenga
Pagakatapos nang ilang minuto ay tumigil ito! at biglang may pumasok sa room na lalaki! Tiningnan niya kami mata sa mata! Nanahimik kami saglit at nagsalita siya!
"Naguumpisa na! handa na ba kayong makipaglaro sa kanya!" at tiningnan niya ang sang sulok nang room namin! Napatingin din kami at nakita naming ang isang maliit na cctv camera na nababalutan nang sapot!
Nagtinginan kaming lahat! Napatingin nalang ulit kami sa lalaki na asa pinto! Naka ngisi parin siya! Para siyang demonyo! Para bang binabasa niya ang isip namin! Parang gusto niya kaming patayin! Nakakakilabot ang aura niya!
Lumapit naman sa akin yung lalaki na nakatayo kaniana at tinulungan niya akong tumayo! Umupo na ulit ako sa upuan ko pero wala paring nag sasalita sa amin!
Nagsalita ulit yung lalaki na asa pintuan pero ngayon ay nakasandal na siya habang naka lagay sa bulsa niya ang kamay niya. "sino kaya ang mauuna sa atin!" at saka siya tumawa!
Laro? Tama! Laro! Kami ang iaktlong seksyon na tumama sa leap year! Alam ko ang lahat! Lahat-lahat! Siguro hampas lupa ako pero matalino ako! At gagamitin koi to para sa kanilang lahat ako ang matira!
Pero kung titingnan ko sila! Napa isip ako. Sino nga kaya ang mauuna sa amin!
Jewel's Point of view
"Sino kaya ang mauuna sa atin?" sabi ni josh at saka tumawa.
Talagang siningit niya pa ang pagtawa niya sa sitwasyon na ganito! Naiinis ako bigla! Wala talagang ginawang seryoso ang lalaking ito kahit kailan! Naglakad ako papunta sa kanya nang mabilis, lahat nanaman nang mata nila ay nasa akin! Sinundan nila ako nang tingin.
Nang malapit na ako sa kanya at bwinelo ko ang kamay ko at saka siya sinampal! Napalakas din ang pagsampal ko sa muka niya kaya medyo namula ang pisngi niya!nagulat ang lahat sa ginawa ko. Ngunit si josh... imbes na magulat ay ngumiti siya nang nakakalok habang hinihimas ang pisngi niya!
"pwede ba josh! Wag mong maisingit ang pagtawatawa mo nang ganyan! Dahil hindi to biro" sinisigawan ko siya habang dinuduro duro ang muka niya. Pero wala paring epekto. Ganon parin siya, nakangiti.
Di pa ako nakuntento! Kinuha ko ang bakanteng upuan na asa likod nang room! Medyo mabigat din ito dahil bakal ang upuan! Hinila ko muna ito papunta sa sulok nang room kung saan naka pwesto ang cctv camera! Wala na ako paki alam kung may mga nabanga ako sapag hila ko nang upuan! Basta lahat sila ay nagsi tayuan nang dumaan ako sa harap nila. Humarap ako sa camera at saka sinigawan ito!
"Hoy! Demonyo! Yan na ang kaya mong gawin! Ang magtxt sa amin nang sabay sabay! Grabe natakot talaga ako!" sigaw ko nang sarkastiko. "Ito lang ang pakingan mo at itatak mo sa kokote mo! siguraduhin mong malinis ang mga krimen na gagawin mo! dahil pag nag iwan ka nang kahit na isang ibedensya hahanapin kita! Wag na wag kang magpapahuli sa akin dahil ako mismo ang papatay sayo!" pag sigaw ko sa camera, at saka ko binuhat ang upuan at ibinato sa camera! Nahulog naman ito at wasak na wasak ito! hindi ba ako nakuntento at inapakan ko pa ito nang malakas na nagging dahilang nang pagkaduron nang salamin nito sa labas!
Nag lakad ako papuntang pinto nang classroom! Lahat parin nang mata nila ay nasa akin. In-scan ko yung id ko at thum ko at saka sinipa ang pintuan nang pagkalakas lakas. Bumalibag naman ang pintuan. Pero bago ako lumabas ay humarap muna ako sa kanila! Nakatingin parin ang mga mata nila sa akin!
"Eto ang tandaan niyo! Wala akong pakialam kong mamatay kayong lahat! Kahit ngayon na mismo sa harap ko! dahil gagawin ko ang lahat para ako ang matira sa atin! Kung kinakailangan ko kayong ilapit sa demonyong yun ay gagawin ko! matira lang ako sa larong to" at saka ko sila tinalikuran at naglakad na papalabas nang classroom!
Hindi ako uto-uto alam ko lahat! Wag na kaming magplastikan na kunwari ay hindi nila alam angtungkol sa mga pagpatay! Dahil alam ko at alam naming lahat na kami na ang susunod sa dalawang section! Pero mastuso ako dahil alam ko na may isang matitira sa amin! Tulad nang dalawang section na nauna ay may natira sa kanila! Hindi ko rin alam kung bakit? Pero lahat ay gagawin ko para ako ang matira! Kung kailangan kong makipag negosasyon sa demonyo na andito sa skwelahan na ito ay gagawin ko! kahit akopa mismo ang pumatay sa kanila!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Anong masasabi niyo? First day palang iyan! Hahaha!Comment and vote guys
Ang name ni josh ay josh san-jose
hugs and boiled chicken sandwich
-baymes(a.k.a. james)
BINABASA MO ANG
The Secret of Lewis Ville Academy
Mystery / ThrillerBe careful with your decisions, Once you made them there's no turning back. first mystery thriller ko po ito so hope you guys will support it! Korean movie po na ang title is "As the gods will" ang inspiration ko dito at ang special section po ni at...