James Point of view
Nakahiga ako ngayon sa kama! Nagiisip at nag mumuni muni! Inaalala ko ang ga nangyari kanina! Ang text, ang cctv at yung registrar!
Alas otso na nang gabi at nagawa ko na rin ang mga Gawain ko, pero kanina habang naghuhugas ako nang pingan ay lutang ako. Nahalaata naman ito ni mama ngunit aang sabi ko ay pagod lang ako sa buong araw. Ngumiti naman siya, niyakap ako at saka pumunta nang kwarto niya upang magpahinga.
Hindi na bumalik si jewel kanina siguro ay umuwi na siya. Kinuha naman ni cess at rio ang bag niya. Malamang mga alalay niya ang mga iyon. Siguro ay dinala na nila ito sa bahay nila. Mga isang oras rin kaming naghintay sa classroom ngunit walang dumating guro. Pagkalipas nang terenta minutos ay may staff namang pumunta sa room at sinasabing wala daw ang adviser namin.Hindi nakapasok dahil may emergency daw sa kanila.
Wala namang pumunta sa aming mga ibang guro dahil ang unang araw daw nang klase ay para daw talaga sa adviser lang! Para raw mag interview sa amin, mag halal nang class officer at iba pa. dahil wala naman daw ang adviser namin yung staff nalang ang pag elect sa amin, pagakatapos noon ay sinulat nang class secretary ang resulta at sinabi naman nung staff na ibigay nalang sa adviser naming ang resulta bukas. Dahil meron na daw siya bukas pagkatapos ay umalis na siya.
Si johnny ang naging president,Ako naman ang vice,Si Eugene ang secretary, Si Cheska ang treasurer, Si M.M ang auditor,Si Nicole ang P.I.O.,Si Angela ang P.O at Si George ang bussiness manager.
Pagkatapos nun ay wala naman nang nangyari kanina na kakaiba nanging ok na ang buong umaga at hapon ko ngunit nang pauwi na ako may sinabi sa akin si Joshua! At sa mga sinabi niyang yon at napaisip ako. Talaga bang naguumpisa na? kami na ba ang susunod?
Flashback
Naglalakad na ako pauwi!buong araw lang kaming nakatambay sa room dahil wala nga kaming adviser! Medyo late na rin! Iilan nalang kaming mga istudyante maaga palang nagsiuwian ang inang section.
Nasa may hallway ako at napansin kong ako nalang ang tao dito sa building nag unahan na rin kasing lumabas sa room kanina.habang naglalakad ako ay tumaas bigla ang bauho ko sa kamay! Alam kong may kakaiba akong nararamdaman na parang hindi lang ako ang nandidito. Parang hindi ako nag iisa. Parang may nakamasid sa akin.
Bawat lakad ko ay parang may nag mamatyag!
Mas binilisan ko pa ang lakad ko dahil natatakot na ako. Kung talagang naguumpisa na ang lahat hindi ako papaya na ako ang mauna sa kanila. Nasa dulo na ako nang hallway at medyo nababawasan na ang kaba ko. malapit na ako sa mga tao konti nalang. Papalabas na sana ako nang pinto nang building nang biglang may humatak sa akin.
Masyadong mabilis ang nangyari. Hindi ako naka pumiglas dahil malakas siya! Mas malakas siya sa akin! Ramdam ko ang higpit nang paghawak niya sa braso ko. ito naba ang katapusan ko? ako ba ang mauuna? sinandal niya ako sa pader at tinakpan ang bibig ko nang kamay niya. Pero nagulat ako nang Makita ko na nang malinaw ang muka niya.
"Joshua?" bulong ko. tama sya yung tumawag sa akin nang nerd kanina! Siya ba ang killer? Siya ba ang demonyo?
Nilagay niya ang kamay niya sa bibig niya at sumenyas na wag akong maingay. Lumingon lingon siya sa paligid niya bago ulit tumingin sa akin. Na weiweirdohan na ako sa ginagawa niya. Tumingin siya sa mata ko at nakita ko ang pag ngiti niya. Pero hindi ang nginiti nang isang normal na tao ngunit nakakalokong ngiti. Tinitingnan niya ako sa mata na para bang nakikita niya ang kaluluwa ko at gusto niyang kunin!
BINABASA MO ANG
The Secret of Lewis Ville Academy
Mystery / ThrillerBe careful with your decisions, Once you made them there's no turning back. first mystery thriller ko po ito so hope you guys will support it! Korean movie po na ang title is "As the gods will" ang inspiration ko dito at ang special section po ni at...