CHAPTER 6: IM HERE

24 1 0
                                    


Angie's Point of view

Halos isang lingo narin kaming walang adviser. Kaya kahit wala kaming general reference sa school year na ito na dapat kukunin nang adviser naming bago kami makapag simula sa iba naming klase ay inumpisahan na nang mga subject teachers namin ang lesson naming. Mahirap rin naman kasi kung ma behind kami nang lessons.

Naglalakad ako sa hallway nang secondfloor kung saan nanduduon ang room namin. Medyo napa aga ata ako kasi bilang palang sa limang daliri ko yung mga nakikita kong mga estudyante. Tiningnan ko ang oras sa may phone ko at nakita kong may isang oras pa ako bago mag time.

"Mag sosound trip nalang ako sa room at matutulog" sabi ko sa sarili ko.Pagka rating ko sa tapat nang room naming ehh iniscan ko na yung I.D ko at saka naman bumukas ang pinto. "sana andito na sina james"

Madilim sa loob nang room. May konting liwanag na nang gagaling sa bintana, hindi na ako nagtaka at ala sais palang naman kasi. Wala pa sila james, pero ok narin yun atleast makakatulog pa ako nang mahabahaba. Sobra rin akong napagod sa mga pinagawaa nila tuta sa akin kagabi. Halos di nga ata ako nakatulog kasi pinaglaba nila ako nang lahat nang damit nila, mga kurtina,bedshhets at iba pa.

Hinanap ko yung switch nung ilaw at napansin ko yung nag bliblink sa wall na katabi lanng naman nang pinto. Pagka pindot ko lumiwanag ang room, dere deretsyo akong pumunta sa upuan ko at pagkaupo ko ay saktong napaharap ako sa blackboard namin.

Takot, takot lang at wala nang iba ang bumulot sa katawan ko agad akong napatayo at napa atras nang lakad pero dahil sa katangahan ko ay napatid ako sa upuan kaya bumagsak ako sa sahig. Pero kahit na nakaupo ako sa sahig ay panay parin ang pagatras ko. Hindi ko na kaya to. Parang lahat nang takot ko sa katawan ay biglang nabuhay. Kala ko manhid na ako dahil sa lahat na ginawa nang tita at mga pinsan ko sa akin pero nagkamali ako.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko napasigaw na ako. "ahhhhhhhhh!!!" panay parin ang pagatras ko hangang sa naramdaman ko nalang ang pader sa likod ko. tinakpan ko na na ang mata ko dahil hindi ko na kaya. Gusto kong tumayo, tumakbo, sumigaw nang tulong sa labas. Gustong gusto ko talaga peero hindi ko kaya. Nang lalambot ang buo kong katawan. "tulong!!! James!!! Eugene!!!"

Naramdaman ko na ang mga luha ko sa mata ko. naiyak na ako dahil sa takot. Gamit lahat nang lakas nang loob ko sa katawan ko ay tinanggal ko ang kamay ko sa sa muka ko para makita ulit ang nakasulat sa blackboard.

IM HERE

HANDA NA KAYO MAGLARO?

-L.

Dugo. Sigurado ako na dugo ang pinang sulat ditto. Sariwa pa ito dahil medyo tumutulo pa ito. Hindi ko napagilan ang sarili ko tinakpan ko ulit ang mata ko. "Ayoko naaaaaaaaaa!!!"

James Point of view

Pagkatapos kong harapin ang traffic sawakas, nakarating na ako sa school. Asa baba na ako nang building namin at meron pa naman akong five miniutes. Paakyat na sana ako sa second floor kung saan nan doon yung room namin nang maalala kong kailangan ko nga palang humiram nang libro sa library kasi wala akong libro dahil naiwan ko na rin sa bahay dahil sa pagmamadali.

So instead na taking the stairs sa right side of our building, Which I usually take pag pasok ko is I take the left instead. May dalawa kasing hagdanan ang building namin para maka akyat kami sa mga floors sa right side ang katapat nang hagdan na room is yung music room and pagakyat mo dun yung audio room naman ang katapat nang hagdan papuntang third floor.

Sa left na hagdan naman is yung science lab ang katapat non at pag akyat mo yung library naman ang katapat nang hagdan na papuntang third floor. Kaya I take the left stairs instead of the other one.

The Secret of Lewis Ville AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon