FELICIA MARIE
Nakatingin lang ako sa hawak kong larawan parang baliw na kinakausap siya. Paulit-ulit kong tinatanong ang mga gumugulo sa isip ko.
Kamusta kana kaya?
Galit pa kaya sa akin?
Kilala mo pa kaya ako?
Napatawad mo na ba ako?
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka tinitigan na lang ulit yung larawan namin.
"Deann." mahina kong sambit sa pangalan niya.
Muli ko pa kayang masisilayan ang mga ngiti at kislap na iyan sa mga mata mo?
Tahimik akong nananalangin na sana... Sana, Napatawad na niya ako. Hoping someday muling magtagpo ang landas namin para pormal akong makahingi ng tawad sa kanya.
This picture was taken nung lumabas kami para kumain. Pinilit ko pa nga sa mga oras na ito dahil ayaw niya talagang nagpapakuha ng litrato.
Deann really made me special with his simple words, efforts and action. Yung tipong kahit sa simpleng bulaklak na napitas lang niya kikiligin ka na.
Maybe his not like the other guy na sporty, mayaman o di kaya naman brainy na pumorma at malakas ang dating but still Deann had really a distinct personality that will makes you fall for him but all of this. Pinakawalan ko at sinayang. Hinayaan ko lang siyang masaktan at umalis dahil sa akin. kong masayang yung pagmamahal at mga efforts niya.
Totoo nga talaga yung sinasabi nila na saka mo lang malalaman ang kahalagan ng isang tao kapag tuluyan na siyang nawala sayo. Hinayaan ko siyang masasaktan sa mga masasakit na salita na binitawan ko. Ni hindi ko nga napag-isipan ang mga salitang iyon ng isumbat ko sa kanya eh.
Oo, Aaminin ko. Irita talaga ako sa presensya niya kaya tinanggap ko yung pustahan naming magkakaibigan but as the days passed na kasama ko siya, doon ko mas nakikilala ang ugali niya. How passionate he is sa mga ginagawa niya. Sa mga efforts niya. Isang distinct attitude na hindi mo basta basta makikita sa kahit sinong lalaki.
Deann he's always an exception. Kakaiba siya in his own amazing way.
Kaya even almost many years ago na ang nakalipas, still hindi ko pa rin maiwasang pagsisisihan ang lahat ng iyon.
Laging tanong sa isip ko.
Kamusta na kaya kami ngayon kung hindi ko hinayaan na masaktan ko siya. Masaya kaya kami? Tatatagal kaya kami? Siguro nga nagpa-plano na kami ngayon sa future namin.
Sayang, Sayang talaga.
Mahal ko na siya eh. Minahal ko na siya kaso wala pinakawalan ko lang siya.
"Fel, andito na si Quin." sambit ni Ate Pat na nasa pinto.
Napabuntong hininga na lang ako saka itinago yung picture naming dalawa.
"Hawak mo na naman yan." Tanong niya. Ngumiti ako ng tipid.
"Felicia." sambit ni Ate.
"Alam ko Ate, Alam kong hindi na babalik ang isang taong pinakawalan ko na ." malungkot na sagot ko. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa kamay ko.
"Malay mo naman Fel, Mabigyan ka pa ng isa pang pagkakataon. Pagkakataon na maisa-ayos lahat ng mali mong nagawa. Everyone deserves second chances kaya wag kang mag-alala. Malay mo one of these days. Magtagpo ulIt yung mga landas niyo." nakangiting wika nito.
Taimtim ko siyang tinignan.
"Ate, wag mo akong paasahin." sambit ko agad naman niyang kinurot yung tagiliran ko.
BINABASA MO ANG
SUFFER ✓
Short StoryREVENGE makes Deann Ignatius Wong stronger and braver as he goes along with the flow of life being a hired killer but what if revenge makes him tangled again with her-- Felicia Cui who shattered and broke his heart into pieces. Now, it's his turn to...