SUFFER 6

1.3K 26 1
                                    


SPG WARNING : LENGGWAHE

FELICIA

I thought after ng mangyayari sa amin after na makuha na niya yung V-card ko lalayuan na niya ako o di kaya bigla na siyang manlalamig, just like what a typical guy will do after nilang makuha ang gusto nila sa isang babae but I guess, Deann is not the typical guy. Just like what I always said, he really had a distinct attitude that makes me fall more to him. Mas lalo siyang naging sweet sa akin, yung tipong ramdam na ramdam mo na talaga yung panliligaw niya.

After naming umuwi galing Batanes hindi na siya natigil sa pagpapadala ng mga bulaklak, stuffed toys and even chocolates. Yun nga lang halos dalawang linggo na siyang hindi nagpapakita sa akin, sabi niya may business trip daw siya sa Macau and baka next week pa siya makauwi.

Okay lang naman yun kasi araw araw hindi naman siya tumitigil kakatawag sa akin. Phone calls, Viber even Skype.

"Hey, Sis! Anung nangyari sa kwarto mo? Bakit nagmukhang flower shop?!" kunot noong tanong ni Ate habang kumakain ng Ferrero.

"Hey, Akin yan ah!" reklamo ko sa kanya.

"Sus, ito naman! Share your blessing to other. " singhal niya. I stared at her saka sinamaan ito ng tingin.

"I WON'T SHARE HIM TO ANYONE.." madiin kong sambit kahit kanino lalong lalo na kay Mondero. I won't share what is mine, what I own..Hindi man kami. Alam kong akin na siya, Akin lang siya.

"Loka, yung pagkain hindi siya, by the way. Anu na bang estado niyo ng Wong na iyan ha?!" kunot noong tanong niya.

"Maka-Wong naman Ate! Si Deann Ignatius po siya." singhal ko. Inirapan naman niya ako.

"Whatever." singhal niya. Kinunutan ko siya ng noo.

"Bakit ba hindi ka pa rin komportable kay Deann?" tanong ko sa kanya pagkatapos kasi nung una nilang pagkikita sa Hospital hanggang tuwing dumadalaw si Deann sa akin dito sa bahay. Ang aloof niya dito. Hindi man lang niya magawang kausapin o kamustahin ito.

"May sama ka ba ng loob sa kanya?" dagdag kong tanong. Nagkibit balikat si Ate saka hinawakan yung kamay ko kapag ganitong mga pagkakataon alam kong seryoso siya sa mga sasabihin niya.

"Felicia listen to me, sa tingin ko ay may masamang balak sayo si Wong. Narinig ko siya nung na-hospital si Daddy. May kausap siya sa phone at sinasabi siyang plano." seryosong paliwanag nito. Tinitigan ko naman siya ng maigi.

"Ate, baka naman plano about sa trabaho yun. I'm sure walang kinalaman sa akin yun." paliwanag ko sa kanya.

"No, Felicia malakas ang kutob ko na about sayo yun." determinado niyang sagot. Pinagtawanan ko lang si Ate sa pagiging paranoid niya.

"Baka naman sa panliligaw niya. Binubuking mo naman siya ate, nawawalan na ng excitement ang lahat." pananabla ko sa kanya. She gave me a death glare.

"Seryosohin mo ito, Loka! Im freakin' serious here, can't you just be act serious too! " iritang bulyaw ni Ate sa akin.

"Ate, you're just being paranoid. Wala lang iyon, just calm down okay." pagpapakalma ko sa kanya.

"No, Felicia sigurado talaga ako. Galit na galit pa nga siya sa kausap niya." singhal ulit ni ate. Bumuntong hininga naman ako.

"Ate baka tauhan niya lang iyon..It's really nothing wag na nating isipin ang bagay na iyan. It's all about Deann's job. Wag mong i-relate sa atin ang lahat." paliwanag ko sa kanya. Umiling si Ate.

"I'm sure about this Fel. Pakiramdam ko talaga may masamang binabalak sayo si Deann kaya mag-iingat ka kung pwedeng layuan mo siya, gawin mo." maawtoridad na sabi ni Ate. Hindi ko alam kung bakit naisip ni Ate yun, dahil ba baka may tinatagong galit sa akin si Deann? Naghihiganti lang 'to sa akin.

SUFFER ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon