SUFFER 7

1K 28 6
                                    

SPG WARNING : LENGGWAHE

FELICIA

Mabilis akong nabored sa bahay. Wala naman akong makausap dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin ni Ate.

"Anu bang pwedeng gawin ngayon?" tanong ko habang nakaharap sa salamin. I merely checked my phone dahil baka tumawag na si Deann, hindi na gaanong nagpaparamdam yung mokong na yun. God knows how much I miss him.

Maybe I should visit his unit para naman kahit papaano mabawasan itong nararamdaman ko.

"Teka, bakit bukas itong Unit ni Deann does it mean na naandito na siya?!" mahinang bulong ko habang nakakunot ang noo. Dire-diretso lang akong pumasok at hinanap siya.

"Igna...Ignatius, Ahhh." halos mabuwag ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko iyon. Dali dali akong tumakbo sa kwarto niya dapat ay hindi ko na ginawa. Hindi ko maipaliwanag kung anung dapat kong maramdaman.

"Dea...deann." Tangi kong nasambit habang naestatwa sa pagkakatayo ko. Isa isa nang nagsilabasan ang mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan, hindi ko alam kung anung dapat kong gawin. I saw him with Kat and doing some fcking things. He was fucking her.

"Fel ..Felicia.." nauutal nitong sambit. Sa lahat ng nakikita ko iyon lang ang sasabihin niya?!

Naiyukom ko ang palad ko. Felicia?! Yun lang ang kaya niyang sambit pagkatapos ng lahat ng ito!?

Kaagad ko siyang nilapitan at binigyan ng malakas na sampal, hindi pa ako nakuntento. Malakas kong pinagbabayo ang dibdib niya.

Gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang saktan. Gustong iparanas sa kanya ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa nakita ko.

"Hayop ka Deann! Hayop kayo! " nanggigigil kong sambit saka patuloy na pinagsasampal siya. Gustong gusto ko ng sugurin ngayon si Kat, sabunutan at kaladkarin siya palabas. Ang landi Landi niya! Deann is Mine!

"I thought you were in the Macau doing your business meeting but I was wrong, you're just fcking here in your unit, doing some fcking business with your fcking pathetic ex." sigaw ko saka sinampal ulit siya. Ang laki ng paniniwala ko nasa Macau siya tapos heto siya ngayon makikita ko lang na nasa kandungan ng letcheng Kat Montero na ito.

"Let me explain." sambit niya. Mas lalo akong nanggigil sa binitawan niyang salita. Explain?! Fck! Explain what?! Kung gaano kasarap yang ginagawa nila ni Kat!?

"Explain what?! How asshole you are, forever ba kamo? Kainin mo yang forever mo, gago!" nagngingit-ngit na sigaw ko ulit saka tinadyakan siya ng malakas. Letche ka Wong!Huwag ka na sanang tayuan at mabaog ka na sana!

Matalim kong tinignan ang babaeng nakahiga sa kama ng letcheng Wong na ito saka dinuro.

"You Kat Montero! Ang landi mo, Akin na nga, nagpapakama ka pa! Ang baboy niyo, Hindi na kayo nahiya! Magsama kayong dalawa at magpabulok kayo sa impyerno! " naiyukom ko ang mga palad ko. Buong galit ko itong sinigaw saka tumakbo na palabas. I can't take this anymore. Masyado ng basag na basag ang puso ko sa mga nakikita ko.

"Fel...Felicia!!" sigaw nito pero nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo papalayo.

*********

Buong gabi akong nagkulong sa kwarto ko saka inubos yung Mga luhang hindi ko alam kung may katapusan pa ba.

Anung karapatang ni Deann na gawin sa akin ito. Gumaganti pa siya? Gumaganti pa siya sa mga ginawa ko sa kanya dati? I thought maayos na kami, na nakalimutan na ang lahat ng iyon?! I guess tama nga si Ate kapag may nagawa ka ng mali sa isang tao hinding hindi na yun mawawala sa isipan niya.

SUFFER ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon