[ Episode 1 ] Meet UpIrish's POV
"Ang ganda ng kotse noh?"
"Ou nga eh, mukha talagang mayayaman 'yung sakay 'e."
"D'yan yan kela Ate Zeni nagpunta. Ang gagwapo!!"
Eh? Sa'min? Sino?
"Kyaaah! Ang daming gwapo dun kela Ate Zeni!!"
Ano ba naman 'tong mga kapitbahay ko. Kahit kelan talaga pag tsismis ang bilis at pag GWAPO, malamang mas mabilis pa 'yan sa alas kwatro 'no.
Kakagaling ko lang sa isang madugong panel interview ng madatnan ko itong mga matitino kong kapitbahay na nag-uumpukan sa daan at panay ang sipat sa mga sasakyan na nakaparada sa makipot kaming eskinita at nagsisihabaan naman ang mga leeg ng mga haliparot sa kakasilip sa loob ng gate namin.
Ano ba kasing meron? At mukhang tungkol sa'min 'yong pinagtsitsimisan.
Assumera much lang teh? As if naman paguusapan kami ng mga 'to noh...
Mga gwapo daw eh. Sino naman kaya 'yon?
Makauwi na nga lang, malalaman ko din naman 'yon eh.
"Psst, Beshie Airih.."
Airih? Sino 'yun?
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad patungo sa jam-packed naming gate na kala mo eh may artista sa loob dahil sa dami ng tao. Ng may muling tumawag sa'kin sa kaparehong tono. Nilingon ko ito at napangiwi ako ng mapagsino ko iyon. Agad nitong hinawi ang mga kalahing talong at t'saka lumundag sa harap ko.
"Ishkyush, Hai-yee beshie Airih!!" Kelan pa? Di ata ako nainform sa napakaimportanteng balitang iyan. Matiim ko lang itong tinitigan kaso hindi ko din natagalan dahil sa mga patong-patong nitong neon shirt at neon short shorts na hindi ko na i-dedescribe dahil ang sagwa at bakat bes.
Aktong yayakapin na sana ako nito ng umaatras ako ng dalawang hakbang. Saktong padantay na s'ya kaya ayun si bakla humalik sa lupa. Tch, name murderer! Irish not Airih! Bakla!
At t'saka lang ako sumulong para makapasok sa home sweetie home namin.
Nasa tapat na ko ng gate namin ng biglang bukas ito mula sa loob at tumambad sakin ang isang....
Drool!
PAKSHETTT!!!!
Ang wafu....
Hindi pala, GWAPO talaga..
Empernes, hindi talaga 'to tsismis gwapo talaga ito.
Ang "Gwapo.." ... fushiang gala...
Saang hulmahan ba 'to gawa. At bakit ang perfect n'ya, lalo na pag ganitong up close. Nanlalait 'yung height n'ya pero mas nahihiya ako sa mukha niyang walang pores! Shoks!
Ang tangos ng ilong. Achieve. Red lips. Pasok. Thick lashes and pointed brows. Kainggit! At....
.
.
.
.
.
.
.
"Nalulusaw ako..." Hindi ko maintindihan, pero di ko na maalis 'yung mga mata ko sa kanya o kahit 'yung pakakadikit ko sa kanya, nakakaadik din ' yong amoy n'ya. Lalaking lalaki.
Pati pag igting ng mga panga n'ya at pagkunot ng noo.
Da best! Ang sarap hawakan. Pwede kaya?
Tulala version lang ako. Ayoko s'yang alisin sa paningin ko. May totoo palang ganito kagwapo 'no? 'yung hindi pa ngumingiti napapangiti kana.
Pakshet lang.
'Asan ba ako ng nagsaboy si Lord ng kagandahan at kagwapuhan mukhang hindi ako nainform. Sinalo nito lahat.
"Are you done?" he said in an irritated tone.
In a snap, nagbalik ako sa realidad kala ko forever na 'yung paradise. Hmp, sungit! Tumabe naman ako sa gilid para padaanin ang kamahalan. Pahiya ako 'dun huh...
Parang tinitigan lang eh. Ang harte... siya na gwapo ako na maganda, hmpt.
Lumabas naman si Mr. I'm-oh-so-great, at dumiretso ng pasok sa nakaparadang itim na BMW.
Tss. Edi wow. Pasalamat ka nga tinitigan kita eh. Choosy kaya ako. Hmp!
Makapasok na nga lang, kaimbyerna 'yong tongaw na 'yun.
"MA! nandito na po a—ko?"
May ibang tao sa bahay...?!
*Gulp*
.
.
1
.
.
2
.
.
3
.
.
Tatlong ulit ko pa kinurap 'yong mga mata ko. Pero, Shet! Totoo itong mga nakikita ko. Tatlong pares ng mga mata na nakatingin din sa'kin.
WAAAAAAAH.....
My Angels.
—⚜—
I have to cut this since ayoko nang sobrang habang chapter. This is an edited one. Matagal na 'tong concept nitong AM, natagalan lang din ako ng pagsulat kasi tinatamad ako. Ahihihi.
Anyway, sana masuportahan n'yo din ito.
Salamat!
~Trixsha
![](https://img.wattpad.com/cover/63342060-288-k189685.jpg)
YOU ARE READING
ARRANGED MARRIAGE
Romancethis kind of story is already known by most of everyone... PINAGKASUNDO. FIX. ARRANGED. they are all the same. tighting your life into something YOU didn't plan .. and worst its about your LIFE that could change more than 360 degrees...