Episode 4

70 41 60
                                    

[ Episode 4 ] Introduction. Again?

Irish's POV

"Hindi mo kami natatandaan Hija?" naguguluhang tanong ng ginang sa'kin na nasa tabe ko. Nilingon ko naman ito at t'saka marahang umiling. Isang mahinang pagsinghap naman ang narinig ko mula sa kanya, at t'saka bumaling ng tingin sa mga magulang ko.

"Ito, ang isang dahilan kung bakit hindi namin masabe sa kanya ang sitwasyong meron ang mga pamilya natin. Noong bumalik si Irish mula sa bakasyon na kasama kayo. Hindi namin alam, pero wala ng maalala ang anak namin tungkol sa kahit sino sa inyo. Ni pangalan, hindi n'ya rin maalala." Mahabang paliwanag ni Papa na medyo nalungkot.

"Sinubukan namin s'yang ipagamot. Pero ang sabe sa'min eh, malusog naman si Irish at wala namang nakitang mali sa kanya. Kaya nakampante nalang din kami na magiging normal din ang lahat sa paglaki n'ya. Hanggang sa dumating na nga ang sitwasyong ito." Segunda naman ni Mama.

Tahimik pa din ang lahat at matiim lang na nakatingin sa'kin. Hanggang sa isang boses ang bumasag nito.

"That's explain why you're not reacting to us." Mahinahong sabe ni Kalvies habang matiim pa ding nakatingnin sa'kin.

Kung kanina, eh halos mapigtal 'yong hininga ko sa titig n'ya. Ngayon, kaya ko ng salagin 'yon. Real quick? Change of heart agad? Aba, luka 'tong isip ko huh.

Magkahinang pa din ang paningin namin ng pumagitna naman ang imahe ng isa pang anghel. Chinito prince!

"Edi, let's introduce ourselves nalang. Di 'ba?" nakangiti nitong sabe. Ay! Pwede bang tumira d'yan sa dimples mo? Ang lalim eh.

Hindi pa nakakapagreact ang lahat ng ilahad naman ng isa sa mga anghel ang kamay nito sa harap ko dahilan para matakpan ang mukha ni Chinito.

"Then, let me be the first." Sabay hawi nito sa lalaking nasa harap ko at pinalitan ang pwesto nito, "Hi! I'm Gregory Weigner, you can call me Greg but honey would do." Dugtong nito sabay kindat with a million watts smile. Pwede... pwedeng isalang sa pugon. Chickboy dai.

Agad naman itong nawala sa paningin ko ng hawiin ulit ito ni Chinito cutie pie.

"Nauna ka pa sa dapat mauna." Sabe nito sa lalaking nakaipit sa isang braso nito habang ang isa naman ay nakalahad sa'kin bago itinuon ang atensyon nito sa'kin, "Ah, by the way, I'm Hansthel Kyo. It was nice finally meeting you. Again." Dugtong nito sabay tapon ng sulyap sa tongaw na parang tuod na nakatayo lang sa tapat ko at matiim na nakatingin sa'kin.

Tumabi naman ang dalawa ng hawakan sila pareho sa balikat ni Kalvies. Oo, alam ko na ang name n'ya. Pero, feel ko pa ding maka shake hands s'ya. Ang talandi lang. Har!

"Dr. Kalvies Aldregon. From now on, whether you agree or not. I will be your personal physician." Maikli pero tagos sa buto nitong sabe habang nakalahad ang kamay nito at matiim na nakatingnin sa'kin. Deym. I can't even.

Nagcocollapse 'yong mga ribs ko habang inaabot ko 'yong kamay n'ya. Para bang sa bawat papalapit ng mga palad namin eh may piraso ng isang pamilyar na pakiramdam ang nagbabalik.

Weird feeling but comforting.

Isang segundo lang nagkadaop ang mga palad namin ng bumaling naman ito sa katabi nitong ginang na hawak naman ang mga kamay ni Mama.

Humakbang ito pasulong habang may isang mainit na ngiti sa kanyang mga labi na umabot hanggang sa kanyang kulay almonds na mga mata.

Agad nitong hinawakan ang mga pisngi ko na nagpapitlag sa akin ng bahagya. Napangiti ako sa init na hatid ng mga palad nito sa'kin. Aah... parang kay Mama.

"I'm sorry. I know my apology came late. But, Irish dear, I'm sorry if we weren't in able to notice it right away, that there something didn't went well to you, bothers or hurt you. Sorry, hindi ko napansin agad 'Nak." Her words touch me and even move me. Ganun ba 'yon ka-big deal sa kanya. That, I can even hear her pain in each letters she says.

"Okay lang po. Lumaki naman akong matino kahit mukhang hindi." I said with a timid smile and she smiled back and quickly hug me.

"That's good then." Sabe nito matapos akong yakapin at bumaba ang mga kamay nito sa kamay ko at pinagdaop ang mga ito, "By the way, I'm Cynthia Zentilliano. You can call me Tita, but I prefer Mum." Dugtong nito ng hindi naaalis ang mga ngiti nito. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya.

Mahigpit pa din nitong hawak ang kamay ko ng malakas naman tumikhim ang ginoong nasa likuran nito.

"Oh, and this is my husband Kendrick Zentilliano." Sigway nito kasunod ng pagtabi nito sa gilid kasama ang mga magulang ko na matiim lang nakatingin.

Isang mainit na yakap ang kaagad sa sinalubong sa'kin ng ginoo, "Aah... the same feels, like the same bunny that ran towards me and hug me. Warm and fluffy." Nakangiti nitong sabe. Teka, bunny? Fluffy? Ako ba 'yon?

Bumitaw na ito sa pagkakayakap ng pipiin naman ng mga palad nito ang precious cheeks ko. Ay, grabe lang!

"How did you maintain that cuteness Bun-bun." Eh?

"Vunm-Vunm?" di n'yo ma ngets 'no. nakapipe kasi 'yong pisngi ko kaya hindi makahinga ng maayos, naipit din 'yong words.

"Yes, Bun-bun, short name for bunny!" Masigla nitong sabe tapos muli akong niyakap. Nakakaloka, ganun ba ako fluffy? On diet na ko eh.

Ilang segundo pa tumagal ang yakap nito ng marahan naman itong tapikin ni Papa balikat.

"Eherm... alam ko nakakagigil itong anak ko Bale. Pero, baka naman gusto mo ng ipakilala 'yong anak mo." Sabe ni Papa habang nanglalaki 'yong mga mata tas nangingingtab? May glitters ba 'yong mata n'ya, bat ganyan?

"Ah, yeah. Ehem. Sorry, namiss ko lang talaga itong bata 'to." Sabe ng ginoo bago humiwalay sa'kin at naglean forward habang mahigpit na nitong hawak 'yung mga kamay ko, "You can call me anytime you need a help. And don't hesitate to. And... please, call me Dada. I miss that so much." Pabulong nalang ang huling sinabe nito pero tumagos pa din sa pandinig ko at lalo na sa puso ko.

And I can't help it to wonder.

Ano ba ang nangyari para malimutan ko sila.

Bakit ako nakalimot? What had triggered it?

At bago pa lalong lumalim ng iniisip ko isang pamilyar na palad ang muli kong naramdaman. Kasing lambot 'to ng bulak at init ng araw. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakatunghay lang ang paningin ko sa magkasalop naming mga kamay ng magsalita ang nagmamay-ari nito hindi ko aakalaing gaganda ang timbre ng boses nito sa pandinig ko.

"Jacob Zentilliano. Your future husband."

—⚜—

Kamusta naman mga beh? Anong tingin n'yo kay Kalvies at Jake? Hmm?

~Trixsha

ARRANGED MARRIAGEWhere stories live. Discover now