Episode 2

114 49 97
                                    


[ Episode 2 ] The Perks

Irish's POV

One blow. Smile.

And I strode like a super pak na pak na mowdel in front of them and then smize. Rawr!

Charot lang. Hindi pa ganun kagarapal 'yong mukha ko 'no. napahiya na nga ako kanina eh. Wala na kong balak ulitin 'yun, lalo na sa harap ng mga gwapong 'to. Jeskelerd, tumatalon po 'yung matres ko palabas.

Naligaw 'ata ang mga anghel dito sa lupa at sa bahay namin napadpad. Thou, hindi naman ako nagrereklamo. Pwede rin sila sa kwarto ko, hindi ako papalag. Hoy, self. Kalma ka lang. 'yong pangil mo lumalabas na.

Pakshet na pakbet. Bet ko silang lahat. Kompleto rikados na. in short, buffet. Burp!

Isang Chinito, meztiso at pinoy. Nyaha! Busog na busog ako. Tsanggala. Manyak na manyak na 'yung datingan ko dito huh.

"Oh 'Nak, wag kang tumambay d'yan sa pintuan at pumapasok 'yung mga langaw." Natauhan naman ako sa impit na boses ng aking magandang Mama.

Agad naman akong naghubad ng sapatos ng bigla kong maalala di pala ako nakapaglinis ng kuko. 'yong nail polish na suot ko nung nakaraang buwan pa! baka may mga ligaw ng buhay na organismo ng namumuhay sa maganda kong kuko. Shocks, baka bigla akong sabihan ng mga gwapings na 'to ng 'maganda nga, dugyot naman.' Eeeiih.

Kaya imbes na pumasok ng nakayapak sinuot ko ulit 'yung medyo maputik kong flat shoes. At t'saka rumampa. OHA!

Kaso,

"Eherm. Anak. Gusto mo bang mamaga 'yang singit mo sa kurot ko. Huh!" G na si Mother. Eeeih!! Mas gusto ko nalang mamaga 'yong singit ko kesa mag negative fifty 'yung ganda rate ko sa mga gwapings na 'to noh. Tiis ganda is real.

"Anak."

Lakad.

"Irish."

Lakad pa din.

"Irish Fraille!!"

Konti nalang. Lakad pa more.

"Tacio, kunin mo nga 'yung ID nitong si Irish nung grade six sa taas. Bilis." Agad namang tumayo si Papa at t'saka pumanhik habang pigil na natatawa.

Ako.

Nagpapanic!!!

Paano. Puknat lang naman 'yong harapang bahagi ng buhok ko dun plus naka two by three cut din ako courtesy by me. Yes, nabaliw kasi ako 'nung summer. At dahil gusto kong may bago sa'kin sa pasukan dahil last year ko na sa primary level. Ayun, ginupitan ko 'yong sarili ko, 'yung hanggang bewang kong buhok umikli in a span of thirty minutes. Life changer talaga, instant pang blackmail!

"Ito na Ma!! Ito na! hinubad ko na owh. Pa! baba ka na dito. Di na 'yan kailangan. Reserve n'yo nalang." Agad namang bumaba si Papa habang bahagyang natatawa. Ayoko ng tingnan 'yung mga anghel. Panigurado na. Negative one hundred na ko ngayon. Waah...

Gusto ko ng magpalamon sa lupa ngayon. Pwamis! Itong Mama ko naman kasi eh. Di marunong makaramdam ng pangangailangan ko.

"Kumuha ka nga muna Tacio ng mop. At ang dugyot ng sahig, parehas ng kuko nitong si Irish." MAMA!!!! HUMYGASH!!

.

.

I

.

.

D

I

E

.

.

"MAMA!!!" kasunod 'nun ang pagtawa ng lahat.

Shet.

—⚜—

Okay, another short update. Kamusta naman kaya si Irish? Ahahaha.

~Trixsha

ARRANGED MARRIAGEWhere stories live. Discover now