Episode 3

100 46 119
                                        

[ Episode 3 ] Shocking News

Irish's POV

Matapos ang nakakahiyang pangyayari sa tanang buhay ko! Courtesy by, none other than my mother herself.

Eh, tahimik nalang ako nakaupo sa pagitan ni Mama at Papa sa isang mini sofa. Habang pinapanatili ko 'yong tignin ko sa tiles naming sahig habang pilit kong tinutupi 'yung mga daliri ko sa paa para hindi na visible masyado kaso no effect, kita pa din. Kaasar.

Ayoko ng tingnan 'yung mga anghel. Ayoko ng mas lalong madepress 'no. Sayang 'yong ganda ko. Nahirapan ang nanay kong pag-ire sa'kin. Kaya kailangan kong alagaan 'yong sarili ko. Okay, ang yabang ng dating nun huh. Maganda lang ako hindi mahangin.

Slight lang.

Tumikhim naman si Papa at t'saka pasimpleng kinalabit sa bewang si Mama. Psh, Papa talaga. May bisita pa owh. Di makaantay?

Napabaling naman si Mama kay Papa at t'saka marahang hinawakan 'yong kamay ko. Na para bang nagiintay kami ng resulta ng bar exam ni Aishie. Charot lang, trese anyos palang 'yong kapatid 'no. Pero kasi, unti-unti ng humihigpit 'yong pagkakahawak ni Mama sa kamay ko.

Nag-angat ako ng tingin at dun ko lang napansin may iba pala kaming bisita. Isang magandang ginang ang nakaupo sa kaliwang bahagi ng sala namin at sa tabi nito ay isang ginoo na hindi rin mapagkakaila ang kagwapohang taglay nito. Matiim na nakatingnin ang mga ito sa'kin. Bakit?

Nailang naman ako kaya nag-iwas kaagad ako ng tingin at nasalo naman ng isa sa mga anghel na nakaupo sa katapat naming sofa. S'ya 'yong pinoy looking. Pero ang mas nakakaintriga eh kung paano n'ya ako tingnan.

Mapagtanong. Malalim. Matiim.

Kilala n'ya ba ako?

Isang pag tikhim ang nagputol sa pagtitig ko sa lalaking ngayon ko lang naman nakita. Di 'ba?

"You have grown beautifully my dear." Panimula ng ginang, na di ko itatanggi na magaan ang pakiramdam ko sa kanya. ang radiant din ng smile n'ya kaparehas ng sa Mama ko. Good vibes lang always.

"Totally agree. Jake would be thrill to see you." Segunda naman ng ginoo sa tabi nito habang may malaking ngiti sa mga labi nito. Lakas din makahawa.

Pero, imbes na matuwa sa mga sinasabe nila. Mas natetense ako. Kasi naman 'tong dalawa kong katabi parang di maihi na daga. Si Papa panay yugyog ng binti n'ya, samantala si Mama naman pinagsasalubong 'yung ngipin. Ganyan sila pag natetense. Kaya naman ako,

"Hija, are you okay?" Nag-aalalang tanong ng ginang sa'akin ng mapansin siguro nitong masyadong malakas na 'yung pagyugyog ng dalawa kong binti at pagtunog ng ngipin ko, na para bang mababasag na any moment.

Tumango naman ako bilang sagot. Kahit na ang totoo n'yan eh nahihirapan na kong patigilbin 'yung pagyugyog ko. Deym!

"I think you're not." Tugon ng ginoo sa boses na diskumpyado, "Kalvies, would you take a look on her." Bumaling naman ang ginoo ang isa sa mga lalaking nasa harap namin...

At

Sa isang mabilis na paggalaw at kisapmata, nasa tapat ko na ang isang anghel na may maamong mukha at nangungusap na mga mata. Syet.

Kalvies pele neym mo. Haiyee, I'm your soul can I take your boudeii.

He move swiftly and held my wrist gently and say's a few words. Na sa totoo lang, eh di ko maintindihan dahil nagmamalfunction na 'yong ibang sense's ko. Aah! Ang init ng kamay mo. Pwede holding hands tayo?

ARRANGED MARRIAGEWhere stories live. Discover now