Episode 6

52 36 38
                                    

[ Episode 6 ] Hell, no!

Irish POV

Jacob Vigor Zentilliano
President


Muli kong tinitigan ang name plaque na nasa ibabaw ng table nito. Pumikit ako at nagbilang hanggang sampu at dinagdagan ko pa ng lima baka kasi namalikmata lang ako. Kaso, ganun pa din.

JACOB VIGOR ZENTILLIANO
PRESIDENT


Naghuhumiyaw bes.

Ba't di ako nainform na s'ya ang may-ari ng kompanyang ito.

Hays…

Ah. Hindi nga pala lumalabas sa mga business news ang tungkol sa kung sino talaga ang may-ari ng Luminous. Tsk. Tsk. Masekreto pala ang tongaw na 'to.

Seryoso lang nitong tinitingnan 'yong portfolio ko at paminsang nagtataas ng kilay sa bawat pahina na sinisipat nito at kasunod ng mga marahang pagtango. Hindi ko malaman kong pasado ba sa panlasa n'ya 'yong mga design ko. Jusko po.

Naku naman tongaw. Magsalita ka naman, bubula na 'yung bibig ko dito sa kaba!!

Huminga naman ako ng malalim bago nilibot 'yung paningin ko sa buong opisina nito. Masasabe ko namang A for okay itong working place n'ya.

Mula sa puti nitong flooring, puting dingding at ceiling. Naisalba naman ng mahabang black leather sofa at dalawang couch at combination of different shades of gray of cabinets na nasa kaliwang bahagi ng kwarto at hindi na nagmukhang kwarto sa mental 'tong opisina n'ya. Maganda din sa mata ang African style nitong carpet. Sa tapat ng mahogany shade in black nitong lamesa ay isang pure glass na center table katulad lang ng glass wall sa likurang bahagi ng kinauupuan n'ya at kitang kita ang nakakamanghang tanawin ng siyudad. While the rest of the concrete walls were decorated by two abstract painting uniformed to the rooms palette and two 64’ inches touch screen tv and four 17’ inches flat screen around it. Hindi naman s'ya galit sa screen 'no? Ang dami!!

Tumikhim naman ito, kaya napabalik ang atensyon ko sa kanya. 

“Your great at outlining. Precise and defined. Your portfolio speaks so much on how passionate you are about your craft. I guess, we still have enough space to cater your skills Ms. Organio.” Dire-diretso nitong sabe, bago nilapag ang portfolio ko sa tabi ng lamesa nito at matiim na tumingin sa'kin.

Ibig ba sabihin nun. Pasado ako?

Nakangiting tagumpay na ko at handa sumigaw ng Yes! Ng may idugtong pa s'ya sa sinabe n'ya.

Na, nagpakulo ng dugo ko at nagpapula ng mata ko!!! Ang sarap lumapang ng bubug at ibuga sa lalaking 'to!!

“However, our design team had enough men to fill on our on-going projects. I’m sorry I can accept you as drafter. But, if you still want to work here. There's still one position left, and I think, it suits you well.” Nakangisi nitong sabe. Masama ang pakiramdam ko sa ngisi nito eh, feeling ko kasunod ng ngisi nito delubyo.

Matalim lang ako tumingin dito at t'saka huminga ng malalim. Putakte talaga! Gustong-gusto kong makapasok dito eh. Kahit nga drafter lang muna pero mukhang mauudlot 'yun dahil dito sa kaharap ko. Hindi ba pwedeng palitan 'yung may-ari taz ulitin ulit 'yong interview ko, baka lang naman, di'ba? Malay natin drafter pala ang bagsak ko.

Pero wala eh,

Ito talaga ang may-ari

At halatang nag-eenjoy s'ya sa nangyayari ngayon. Bakulaw!!!

ARRANGED MARRIAGEWhere stories live. Discover now